Chapter 84

6 0 0
                                        

Naka-ilang buntong-hininga na ako dahil lumilipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin umaandar ang dyip na sinasakyan ko dahil sa traffic. Hinihintay na ako ni Andrew sa Park dahil ipa-pasyal niya raw ako sa MOA. Hindi ko pa kasi napupuntahan iyon eh.

Actually kagabi ay sabi niya dito lang kami sa pinaka-malapit na park pupunta. Napagkasunduan naming dalawa 'yon kagabi. Tapos kanina biglang nagbago isip niya at mag-MOA na lang daw kaming dalawa. Tulad ko ay hindi pa rin siya nakakapunta doon.

Kaya ayon, na-excite ako kaya nagmamadali ako kanina. Tapos ito ako ngayon, napapa-buntong-hininga dahil traffic. Kung hindi lang mainit at medyo malapit na sa babaan ko ay kanina pa ako bumaba.

Maya-maya ay tumunog ang phone ko. Tiningnan ko naman iyon at nakita kong si Andrew.

Andrew: Tuloy pa ba?

Natawa ako sa chat niya.

Sophia: Oo nga. Traffic pa rin

Andrew: Road to 2 hours na pag-aantay 'to

Natawa ako ulit.

Hindi ko na siya ni-replyan dahil umandar na ang dyip na sinasakyan namin. Tuloy-tuloy naman na kaya malapit na ako sa bababaan ko. Within minutes lang ay nakababa na ako kaya nag-chat na ako kay Andrew kung saan niya ako inaantay.

Andrew: Dito
Andrew: Huwag ka na maglakad

Kumunot ang noo ko at siyempre huminto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Sophia: Maraming tao rito

Andrew: Kita na kita

Lalong kumunot ang noo ko dahil nakita niya ako pero hindi ko siya makita.

Sophia: Saan?

Andrew: Tingin ka sa malayo

Napatingin naman ako sa malayo tulad ng sinabi niya. Pero wala akong Andrew na nakita.

Sophia: Saan nga?

Andrew: Dito sa malayo
Andrew: Oi HAHAHA
Andrew: Nasa harap ako ng 7/11

Kaagad naman akong napatingin sa harapan ko na kailangan pa tawirin. Nandito kasi ako sa harap ng 7/11. Tapos nandoon naman sa kabila si Andrew na tawa ng tawa. Ako naman ay tumawid agad.

"Ang laki mong baliw." Bungad ko sa kaniya at pinakita ko sa kaniya ang inis ko. Pero natawa lang siya kaya natawa na lang din ako.

"Wait lang ah. Hintayin natin sila Angel." Napatingin ako sa kaniya.

"Sasama siya?", tanong ko.

"Ewan ko lang. Tinanong ko siya, sabi niya oo." Sagot niya.

"Si Mike?"

"Nasa school, hinihintay ni Angel." Tumango ako. Naupo kami sa isang bench habang hinihintay si Angel at Mike. Habang may ka-chat siya sa phone niya, ako naman ay nanonood ng Loud House.

Pero alam niyo 'yon, hindi pa ako kumakain mula kanina. Nag-kape lang ako ng greatest white at nabusog na ako. Kaya ngayon ay medyo gutom na ako.

"Nasaan na raw sila?", tanong ko.

"Tagal nga nila eh." Sagot naman ni Andrew saka bumalik ang tingin ko sa pinapanood ko. "Tara na kaya?"

"Saan?"

"Una na tayo? Pasunurin na lang natin sila?"

"Ikaw?", tanong ko sa kaniya pabalik.

"Oh sige, tara na." Tumayo siya at tumayo na ako. Alangan namang magpa-iwan ako rito diba?

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now