Chapter 16: Run to you

69 12 0
                                        

REINA JOY

"Penge ako nun." Turo ko sa guso na ginawa ni Shannon. 

"Oh." Binigay ni Eugene sa akin yung bowl kaya ngumiti ako ng malapad.

"SALAMUCH"

After ng morning class namin, pina diretso na kami ni Ma'am PE dito at dito na din daw kami kumain since may mga kahoy na nakapalibot naman at hindi mainit ang panahon ngayon.

Kailangan din daw namin mag practice para sa running mamaya

Binigyan ako ng kanin ni Quintin at nilagyan ng bihon yung paper plate ko. 

"Thankies." 

"Akin yan!" 

Napako ang tingin ko kela Carlo at Franco na nag-aaway dahil sa sa natirang fried chicken.

"Ako nauna!"

"Ahhh ako ngaa!"

"Ren ohh! Si Carlo," pagsusumbong ni Franco.

Napakamot ako sa ulo ko at kinuha yung akin tas nilagay yun sa plato ni Carlo. "Oh! Ayan. Kumain na kayo," Nagsipag-ngiti ang mga loko at kumain na ulit. Bumalik din ako sa pagkain at tinapos yung akin.

Pagkatapos kong kumain, tinapon ko yung paper plate ko sa basurahan at nagpasama kay Carlo sa CR. Kailangan ko kasing magpalit ng jogging pants tsaka yung blouse ko rin papalitan ko ng plain white t-shirt.

"Diyan ka lang ah," bilin ko kay Carlo at pumasok na sa loob.

Masunurin si Carlo, yun nga lang may pagka clingy siya. 

Isipin niyo nga, pag may nakasalubong siya tas ako yung kasama niya, yayakapin niya ng mahigpit ang braso ko tsaka bibilatan yung mga tao. 

Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako hawak-hawak ang uniform ko tas nakita ko si Carlo na nakayoko habang pinapagalitan nung mga babaeng Grade 12.

"Anong nangyayari dito?" Tumabi sa akin si Carlo at nagtago sa likuran ko.

"Ikaw ba ang ate niyan?"

"Hindi. Bakit ano nangyari?"

"BINOBOSOHAN NIYA KAMI!" sabi nung babae at saka tinakpan ang hinaharap niya. 

Napatingin ako dun at tumingin kay Carlo.

"Ginawa mo ba?" Umiling si Carlo kaya tumingin ulit ako dun sa mga babae. 

"Hindi naman daw niya ginawa." I said. 

Alam ko kasi kilala ko si Carlo. Sa ilang weeks ko bang nag-aaral dito at kasama parati ang Class Zero, alam na alam kong hindi niya yun gagawin. Hindi nga sya tumitingin sa legs ko tuwing papasok ako eh.

"Ginawa niya! Nakita ko siya!"

"Hindi! May nahulog kasi sa sahig kaya pinulot ko yun," nakangusong sagot ni Carlo.

"Ano yung nahulog?" tanong ko sa kanya.

"Ito." Pinakita sa akin ni Carlo ang isang MAC Foundation at tumingin sa akin. 

"Hindi ako namboboso promise, Ren." Nag-cross my heart pa siya para ipakita ang pagiging sincere niya.

"AKIN YAN! SEE. NAMBOBOSO KA TALAGA!" 

Inagaw nung babaeng wig hair yung foundation na hawak ni Carlo at hinila ang buhok ni Carlo— Yawa!

"A-aray!-"

"HOY! Bitawan mo siya!" 

Hinawakan ko yung kamay nung babae at tinulak siya palayo.

"MANYAKIS YAN!"

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon