Chapter 19: Field Trip Announcement

66 12 4
                                    

REINA JOY

"Hoy! Farm ko yan!"

"Ako naunaaa!"

"Apaka KS mo!"

Ako yung nag-aksaya ng oras kakatira dun sa hayop na yun tas darating siya para patayin yung finafarm ko? Kaasar!

Inikot ko ang joystick sa cellphone ko at nag farm ulit para mag level-up ang character ko. Tumingin ako kay Carlo na nasa tabi ko. Gamit niya ay si Alucard. Minsan nabibigkas ko siya na Alacart...

Kasi naman! Magkatunog ih!

"Huwag KS ah," paalala ko sa kanila at bumalik sa ginagawa kong pagfa-farm.

"SS." 

"Patay!" 

Nag-apir sila kaya nailing lang ako at bumalik sa paglalaro. Binubuhat kasi nila ako. Gusto nila na magka rank kaming lahat kaya ayan sila! dusa-dusa kakabuhat sa akin HAHAHAHA!

"Oy! sa top oh! Si Lesley" siniko ko si Quintin na nasa harapan ko.

Sino nga ba mga kalaro ko? Si Mara, Si Carlo, Si Jasper and Quintin! Ibang klase tong kagrupo ko mens! NApakagulo! 

Habang dun sa kela Shannon, Dean, Eugene, Orion tas Franco ang ka-kalmado lang.

"The lord has been slain"

"ANG DAYAA! SABI NG WALANG DEMONYO IHH!" 

Ayan na. Naiinis na ako.

"Akala ko ba walang demonyo?" tanong ni Mara. 

Akala ko rin!

"HAHAHAHAHA"

"Bakit ba? Walang pakialamanan!"

"Noob kayo!"

"Carlo, sa taas. May papunta dun."

"Punyeta. Bossing bantayan mo si Chang'e," sabi ni Carlo. (Character ko si Chang'e) at saka pinag tumbling-tumbling yung character niya. 

Napasigaw ako nang may biglang umatake sa akin babalikan sana ako ni Carlo pero huli na kasi mabilis akong pinatay nung kalaban namin.

Nagkatitigan silang apat at napakamot sa mga batok nila. 

"Ay, namatay."

"Good Morning Class."

 Mabilis sa alas-kwatro naming tinago ang mga cellphone namin at hininaan ang volume kasi pumasok na si Ma'am. Siniko ko si Carlo kasi nakayoko siya at pilit na tinapos ang laro habang si Quintin at yung iba ay nag si pagbalik sa mga upuan nila.

Ibang klase...

Napatingin ako sa cellphone ni Carlo at kinurot ang tagiliran niya.

"Andito na si Ma'am."

"Waiit. Malapit na," he answered. Napailing nalang ako at kinuha ang notebook ko.

"Orion, pakisulat nga to." Tumayo si Orion sa upuan niya para pumunta kay ma'am.

Tinuro naman ni Ma'am kung alin dun ang isusulat ni Orion tas binigyan siya ng white board marker. Tumingin si Orion sa gawi ko pero umiling ako kaya tumango siya at nagsimulang magsulat.

"Ayon!"

Tinakpan ni Carlo yung bibig niya at nagpeace-sign. Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng mesa at napangiti. Pinanalo lang naman niya yung laban ng mag-isa at syempre MVP siya! Siya yung tumapos nung laro eh.

Kinuha niya yung notebook niya pagkatapos niyang maglaro para masimulan ang pagsusulat.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi dumating sila stepmom and of course, hindi nila kami pinatulog ng maaga ni Kuya. May karaoke pa nga na naganap kagabi eh!

Hi FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon