REINA JOY
"Talong, okra, kalamunggay, kalabasa! pwede ginataan pwede pud sabayan! butangan lang ahos bombay ug luy-a masustansya pa lami kini sa lauya—"
Kanta namin pagkatapos isulat ni Orion ang lyrics ng jingle namin sa white board.
"Ayaw pag kaon ug junk foods migo, makasakit sa tiyan impatso! Suka kalibang labad sa ulo—"
At may pa hawak-hawak sa ulo pa talaga silang nalalaman ah?
"Gulay prutas kay lami, makapabaskog sa lawas, sa pagkaon ini kani kay mapuslan, among mama maganahan! Gulay prutas kay lami, makapabaskog sa lawas, sa pagkain ini kani kay mapuslan, among mama maganahan"
Tinawanan nila ako at sumayaw na naman.
Sino pa ba ang Mama na yan?
Eh ako lang naman ang babae dito!
Inirapan ko yung mga itlog at binato sa direksyon nila yung binder notebook ni Shannon.
"Tenenenen tenten! clap clap Ten Tenenenen tenten clap clap"
Pinanood ko lang sila na nagsasayaw sa harapan since sabi ni Shannon, exempted daw ako dito kasi magbibihis daw ako ng duster sa part na 'to.
Kita nyo tong section na'to? Puro kalokohan lang alam!
Nagsimula na naman silang kumanta at heto ako ngayon sa likuran nila may hawak na papel na nakarolyo.
"Among mama maganahan—"
Umupo sila sa sahig kaya ngumiti ako at iwinagayway ang kamay kong may papel.
"Tapos Ren, pumunta ka sa harap then umikot-ikot ka."
Tinuro ni Ivan sa akin ang gagawin ko at ginawa niya yun mismo para ipakita sa akin. Sumunod naman ako sa kanya at ginawa ang ginagawa niya.
I stopped sa kabilang side at tinuro ulit ako ng boys.
It's already 3 pm at nag-text ako kay Kuya na mauna siyang umuwi kasi tatapusin namin yong jingle namin at stepping para wala na kaming iisipin next week.
Sinabihan na din ako ni Ms. President na next week sa friday daw yung program kaya pagkatapos nitong practice ay magpa-plano kami kung kelan gawin yung gown at ang suit ni Luiz.
Tatanungin ko din si Kuya kung willing ba siya tumulong kasi ACE yun pagdating sa mga tahi-tahi eh.
"From the top!"
"Among mama maganahan!"
Umikot-ikot ko at huminto sa kabilang side bago nag thumbs-up.
"GALING!!"
Nginitian ko ang Class Zero at tinampal sa mga ulo nila ang papel na hawak ko.
Feeling ko, feeling ko lang ah! Yung performance namin ang pinaka-unique! Opening song lang naman namin ang Voltes V at Lami siyang bayhana, tas yung Ang bango ng bulaklak at ang pinakahuli ay yung Katawan lang naman.
Meron din kami nung Price Tag tas yung Boom Tarat-Tarat.
So overall, anim na kanta ang meron kami.
At saka hindi niyo natatanong, ang galing kaya ng composer namin.
Si Ivan at Shannon!
Oh ha! Taena, panalo na kami nito!
Char!
"Pagkatapos namin sabihin yung lingon agad! Tatayo ka ulit galing dun sa likod kasi diba palibotan ka namin?" tanong ni Ivan.
Tumango ako sa kanya. Tinuro niya sa akin ang magiging pwesto ko kaya tumayo ako doon.

BINABASA MO ANG
Hi Flower
Novela JuvenilShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...