CHAPTER 7

426 31 3
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

Kakapasok ko lang ngayon pero ang pinagtataka ko ay hindi pumasok sila Ayah.

"Good morning, class!"

Ng marinig ang malamig na boses na iyon ay agad akog tumingin sa harap. Nakita ko si Prof Sevilla na mukhang lantang gulay. Napansin ko na meron na siyang eyebags, hindi ba ito natutulog? Or baka naman nagbabatak?

"Pass the papers."

Hala? May quiz? Gago kakauwi ko lang galing Spain tapos may quiz ngayon? Kung meron bakit hindi pumasok sila Ayah?

Tumingin sakin si Prof pero inirapan niya ako ng magtama ang tingin namin. Problema niya? Dukutin ko mata niyan, eh.

Nagsimula na din akong magsagot, buti nalang talaga nag aadvance reading ako kahit papaano.

Ng matapos ako ay pinagmasdan ko si Prof na nakakunot ang noo habang nagtitipa sa laptop niya. She's wearing v-neck longsleeve and pencil skirt. Ang ganda niya talaga kahit anong isuot niya kahit na mukha na siyang panda ngayon dahil sa eyebags niya.

Agad akong napatakip ng mata ng malaglag ang pencil na nasa tabi niya kaya pinulot niya iyon. Tangina naman kasi muntik ko ng makita yung malalaki niyang bo–

"What are you doing, Miss Singh?"

Agad kong tinanggal ang kamay sa mata ng marinig ang tanong niya. Nakatingin lang din siya ng seryoso sa akin at parang sinasabi ba na para akong isang tanga sa ginagawa ko.

"Bird box." Sagot ko tsaka ngumiti

She just rolled her eyes on me and crossed her arms.

"Are you done?" She asked coldly

I nodded while smiling at her.

"Lemme see you paper."

Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa kanya para ipass ang papel. Ng inabot ko sa kanya ay hindi sinasadya na mahawakan niya ang kamay ko pero dahil sa gulat ay nabitawan ko ang papel ko. May parang kuryente kasi ng magtama ang balat namin.

"I'm sorry, Prof."  Paghingi ko ng paumanhin bago pinulot ang papel na nasa sahig. Nilagay ko nalang iyon sa table niya para hindi na magtama ang balat namin.

Hindi naman na siya nagsalita dahil tinignan niya ang papel na inabot ko. Para naman akong nahiya sa sagot ko dahil hindi naman ako sure kung tama ang mga iyon.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon para tignan kung sino ang tumatawag and it's Ayah.

Nag excuse ako kay Prof para sagutin ang tawag, mabuti naman at pumayag siya kaya lumabas na ako.

"Hell–"

"Oh gosh, Zei!" Putol niya sa sasabihin ko.

"What? Why didn't you attend class today? Where are you?" Sunod sunod na tanong ko

"May problema tayo, Zei."

I frowned.

"What is it?"

"Si Kwen kasama namin."

"What?!"

"Lower your voice, Zei. Kasi naman, eh! Natakot kami nun kaya tinakbo namin siya."

"What? Natakot saan?"

"There's a lot of cops in the mall that time tapos hinahanap nila si Kwen."

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now