Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"Hoy potangina niyo wag kayong tumakbo!" Sigaw na bawal ni Ayah sa mga student na tumatakbo sa hallway.
"Bunganga mo nakakarindi." Iritang sabi ko. Kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw, eh.
Foundation week kasi ngayon at kami ang napili na magbantay sa buong ASU para kung meron man gulong mangyayari ay agad namin maaayos.
Kasama namin yung mga SSC Officer na nagbabantay pero hindi ko alam kung saang lugar sila nakatoka dahil hiwalay hiwalay kami. Hindi ko lang alam bakit sa dinami dami ng pwede kong makasama bakit si Ayah pa.
"Saan kaya sila Leah? Nagugutom na ako kanina pa tayong umaga dito." Reklamo niya habang naglalakad kami.
Ewan ko ba kay moma ano ang naisip niya dahil kami pa ang naisip na magbantay dito. Si Prof naman hindi ko na masyadong nakikita or nakakausap dahil masyado daw siyang busy. Nag uusap naman kami sa ig pero sa personal madalang nalang.
"Hoy si Kyle yung ikakasal sa marriage booth!" Sigaw ng isang student kaya nagkatinginan kami ni Ayah.
"Hoy babaeng makapal ang mukha–este ang make up." Tawag ni Ayah sa babaeng sumigaw kaya humarap ito sa amin. "Sinong Kyle ang sinasabi mo?"
"Duh, si Kyle Monterro." Mataray na sagot nung babae bago umalis.
"Kyle Monterro?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ayah kaya napairap ako. "Tara puntahan natin."
Hinila na niya ako papunta sa may marriage booth. Hindi ko alam anong department ang may gawa dito pero wala na akong pake. Kung sa amin nga hindi ko alam anong booth ang ginawa, eh.
Ng makapunta kami ay nakita ko na nandito din sila Sal habang tumatawa. Madami din student na nandito para manuod sa sinasabi nilang kasal kasalan.
Nakita ko naman si Kyle na nakabusangot sa tabi ng pari na para bang hindi na natutuwa sa nangyayari.
"Tangina naman kasi, eh! Sinabi na ngang excepted kami dahil kami ang nagbabantay tapos hihilain niyo ako dito?!" Reklamo nito.
"Hey." Tawag ko kaya napatingin siya sa akin. Lumiwanag ang mukha niya.
"Zei, help me. Hinila nila ako dito para daw ikasal sa hindi ko kilala." Parang batang sumbong niya na mas ikinahagalpak nila Sal.
"For pete's sake, Kyle. It's just a game." Mataray na sagot naman ni Shan.
Nagbabantay daw sila pero nandito ngayon sa marriage booth at nanunuod.
"Sino bang ikakasal sayo?" I asked him.
"I dunno."
"Oh, ayan na pala." Nao said
Sabay sabay kaming napatingin sa dumating at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita.
"Pota hahahahahahah"
"Kahit pala ako iiyak kung ikakasal sa ganyan."
"Goodluck, Kyle."
"Hi baby Kyle!" Masiglang bati ng gay ng makalapit siya kay Kyle. Yung mukha naman ni Kyle ay diring diri. Gago depota!
"Look, I don't know who you are." Sagot ni Kyle pero umiling iling lang yung gay.
"Don't you remember me? Ako yung tumulong sayo nung bago ka lang dito."
"Oh?"
"Yes. Natatandaan mo na?"
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...