Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"So?" I asked Yuki while I'm playing the dart.
Nilapag niya ang isang envelope sa table kaya kinuha ko iyon at binuksan. Siya na ang inutusan ko tungkol sa sumusunod sa akin. Wala na kasi si Sage kaya wala na akong mauutusan.
"As you can see, they are being careful. Yung blood na nasa parking lot ay agad na nawala nung gabing tumawag ka." Pag papaliwanag niya habang nakatingin ako sa mga picture. "It means, ang sumusunod sayo ay malapit lang din sayo. Kaya mag iingat ka dahil hindi lahat ng nakapaligid sayo ay mapagkakatiwalan."
Kakatapos ko lang magsimba dahil pinagdasal ko din ang kaligtasan ni Prof dahil nga sa nangyari nun sa may parking lot tapos ganito na agad malalaman ko.
"How about the car? The Aston Martin Valkyrie Car. Did you find who's the owner?"
May nilapag siya ulit na envelope bago umupo sa bar stool at kumuha ng inumin. "I found it. 'Yan yun nakuha ko sa cctv sa restau na pinagkainan niyo ni Prof Sevilla. At kung hindi ako nagkakamali itong nasa picture na ito at ito ay iisang sasakyan lang." Turo niya sa isang picture na kuha dito sa ASU at ang isa ay sa restau.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. It means hindi nga ako nagkakamali na iisa lang ang sumusunod sa akin.
"Bakit hindi ka pahelp kay Madamé Zekiah? You know your mother is genius pagdating sa ganitong kaso."
"Don't tell to anyone about this, Yuki. Ikaw na ang nagsabi na malapit lang sa akin ang may gawa. Kaya kung sasabihin mo sa iba pwede niyang maisip na kumikilos na ako." I said seriously
"Look at this, Zei. This is Prof Sevilla, right?" Turo niya sa isang picture na tinanguan ko. "Why she is with your sisters?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Bakit nga ba halos napapadalas na ang pagsasama nila ng mga kapatid ko? Pero sabi nila ay friend nila si Prof kaya kilala nila.
"Isa pa, nakita ko din na lagi kang pinagmamasdan ni Prof. What if isa si Prof sa mga sumusunod sayo?"
"Are you sure about this?" Tanong na tinanguan niya. "Malabong sundan ako ni Prof pero may gusto akong nalaman."
"What is it?"
"About her personal life."
Tumango tango naman siya kaya pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga picture. Yuki is good at hacking and spying. Namana niya iyan kay Tito Andrei kaya siya ang inutusan ko. Actually, dalawa sila ni Sage pero dahil wala na si Sage ay siya na ang inutusan ko. They never failed me.
"I have another information, Zei."
"What is it?"
"Yung car na pinapahanap niyo ay nalaman ko na sa ZKSLC, at yun ay pagmamay ari ni Madamé Zekiah."
My eyes widened.
"So it means pwede kong kunin ang pangalan kung sino ang bumili nun? I want to know it as soon as possible." I said.
"No need. Ako na ang humanap nun pero ang record ay wala na. Ang pinagtataka ko ngayon ay paano nawala ang record kung sa ZKSLC nabili yung sasakyan."
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sobrang higpit sa ZKSLC kaya malabong mawala ang record nun."
"Like what I said, malapit sayo ito." Nakangising sabi niya. "You have a lot of stalkers, Zei. Be careful baka mabalitaan ko nalang na wala kana din buhay tulad ni Sage."
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...