CHAPTER 41

340 23 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

"Continue." Sabi ko kay Yuki na nasa harap ko.

"May isang dumagdag. As what I've said to you, there is someone keeping eye on you pero nung minsan ko lang nalaman nung umalis kayong dalawa ni Prof sa mansion.....He's a boy."

I sighed deeply bago masahiin ang sentido ko. Nastress ako sa mga sumusunod na iyan. Hindi ko din masabi kung ano talaga ang kailangan nila.

"Do you know who is he?"

"No clue. But your life is in danger, Zei. The last one na sinabi kong sumusunod sayo, he is fully armed. Yung mga butler na inutusan kong huliin siya ay namatay. Napuruhan ang mga butler ko."

"Tsk."

"Zei, ito yung mga plate number ng sasakyan na nakuhanan kong sumusunod sayo."

Tinignan ko ang mga picture na nilipag niya pero napakunot ang noo ko ng makita ang isang picture.

"This car....."

"Kay Marky sasakyan."

I clenched my jaw.

"Let's go." Tumayo na ako kaya taka akong tinignan ni Yuki. "It's time to hunt, Yuki."

"Woah? Ako sasama mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya na tinanguan ko lang bago umakyat sa kwarto at kinuha ang gun na ginagamit ko.

Napangisi ako ng tignan ang gun ko na may silencer. May naka ukit itong name ko na 'Seleste'. Tinago ko ito sa gilid ko bago ulit lumabas ng kwarto.

Naabutan ko naman si Yuki na pinupunasan na niya ang mga knife at pistol niya.

"Here's your knife. Nilinis ko na iyan dahil may dugo." Abot niya ng knife ko na pinambato ko nun sa isang agent.

"I miss this kind of game, hide and seek." Nakangising sabi ko bago tumingin kay Yuki.

Lumabas na kami ng condo ko at sumakay sa Bugatti Chiron Supersport 300+ na pag mamay ari ko.

"Ayaw mo ba yung Koenigsegg Jesko Absolut?" Tanong niya na ikinailing ko kaya wala na siyang nagawa kung hindi sumakay.

"Fasten your seatbelt." I said and smirked at her. "They want a game? Edi ibibigay ko ang larong gusto nila."

"Oh, damn! The devil has awaken, huh. Kala ko nagbibiro ka lang nung gabing iyon." Natatawang sabi niya

Pinaandar ko na ang sasakyan palayo sa condo. Si Yuki naman ay nilabas ang laptop niya at may kinakalikot.

Binilisan ko ang pagpapatakbo kaya dahil sa gulat ni Yuki ay nabitawan niya ang laptop na ikinatawa ko.

"Tangina naman Zei, eh! Magdahan dahan ka." Reklamo niya

"Look, there's a car. Kanina ko pa napapansin iyan." Tukoy ko sa sasakyan na nakasunod sa amin.

"Kay Marky sasakyan iyan." Sagot niya at tumingin din sa likod. "Woah! Meron pang naka Ducati Superleggera V4, matagal ko ng gusto magkaroon ng ganyan."

"Yung nakaducati ba yung sinasabi mong unidentified?" Tanong ko na ahad niyang tinanguan.

"Look, meron pang isa. Naka SSC Tuatara."

He's right. Ang daming nakasunod ngayon sa amin. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse dahil naisipan kong ilayo sila sa City para walang mapahamak na tao.

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now