CHAPTER 22

385 29 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

Nakaupo ako ngayon sa may tree house dito sa mansion habang nakatingin kay Prof Sevilla at Primo na masayang nag uusap.

Birthday kasi ni Uncle Psyche kaya nandito din sila. Actually, nasa mansion kami para i-celebrate ang birthday niya.

Nasa loob ng mansion ang party pero dahil masyadong madaming bwisita si uncle Psyche ay naisipan kong dito nalang sa tree house tumambay pero kapag minamalas ka nga naman makikita ko pa dito sila Primo at Prof Sevilla.

Sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Prof Sevilla pero mali, eh. Mali dahil magiging asawa niya si Primo, and Primo is my cousin.

May pamilya na din sila kaya mali talaga itong nararamdaman ko. Kawawa si Kwen kapag pinagpatuloy ko itong nararamdaman ko. Ayaw kong masira ang family ni Kwen. I can't do it.

Kailangan ko ng iwasan si Prof. Gagawin ko ito hindi para sa akin kung hindi para din kay Kwen. Wala pang malay iyon sa mga nangyayari kaya hangga't maaga pa ay kailangan ko ng gawin ito.

"Ay potanginamong tarantado ka!" Gulat na mura ko ng makita si Zel sa tabi ko. Gaga naman kasi bigla biglang sumusulpot si gago, eh.

"Watch your words, Zei." May pagbabanta sa boses niya bago umupo sa tabi ko.

"Wag kasing masyadong nanggugulat."

Tumingin lang siya sa akin bago tumingin kung saan ako nakatingin kanina.

"Are you inlove with her?" Tukoy niya kay Prof Sevilla.

"Yes." Mabilis at walang pag aalinlangan na sagot ko. Kala ko magugulat siya sa sagot ko pero hindi, ngumiti siya ng tipid habang nakatingin parin kina Prof.

Madalang mo lang makikitang ngumiti si Zel pero kung hindi ko siya kapatid baka nainlove na ako sa kanya dahil ang ganda niya.

"If you love her why don't you pursue her?" She said seriously

"Is not easy, Zel. Look, may pamilya ang tao. Isa pa si Primo ang mapapangasawa niya, pinsan natin."

"But we can't still help not to fall or love the person. Kung sa tingin mo mali na mahalin siya, think again, Zei." She looked at me.

I frowned. What does she mean?

"I can't–"

"Because she have a family? Sinubukan mo na ba? You are smart, Zei. Isipin mong mabuti, Zei."

Hindi ako nagsalita dahil kahit anong isip ko ay mali naman ang gustong pagawa ni Zel. Kung ip'pursue ko ang feelings ko kay Prof, how about Primo? How about Kwen? Mali ito.

"Choose your happiness, Zei. Alam kong nagtatalo ngayon ang puso mo at isipan mo. I just want to say follow your heart, but don't forget to use your mind." She smiled genuinely

"Zel...."

"Balance it and you'll find your way to love that someone of yours." She tapped my back. "Confess to her now, Zei." Dagdag niya bago tumalikod at naglakad paalis.

"I know something that you don't know, Zei. I hope one day you'll find out the answer." Bulong niya pero hindi ko na narinig dahil sa sobrang hina nito.

Binalik ko ang tingin kung nasaan sila Prof pero napabuntong hininga ako ng makitang wala na sila doon.

Wala na akong nagawa kung hindi tumayo at pumasok sa loob para magpaalam na kay uncle Psyche. Uuwi nalang ako tutal inuman nalang naman ang gagawin nila.

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now