CHAPTER 17

409 30 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

"I can't believe na wala na si Sage." Sabi ni Ayah sa tabi ko.

"Parang kailan lang nakausap ko pa siya sa phone tapos ngayon wala na siya." Sal said

Damn! Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam na nandito pala sa pilipinas si Sage at binabantayan ako ng patago pero dahil sa ginagawa niyang pagprotekta sa akin ay yun ang magiging dahilan para sa pagkawala niya.

Nung tumawag si Dylo sa akin last week ay hindi na ako nagdalawang isip na bumalik ulit dito sa switzerland. Hanggang ngayon wala pang balita kung sino talaga ang may gawa ng pagkamatay niya. Malinis ang lahat at mukhang planado.

Damn Sage, ang duga mo sa part na iniwan mo ako! Ang sakit na malaman na wala kana! Sabi mo walang iwanan tapos ngayon wala kana! Magbabayad man kung sino ang may gawa nito sayo Sage. Sisiguraduhin kong maghihirap siya sa mga kamay ko.

Para ko ng kapatid si Sage dahil sa sobrang lapit namin. Maliban kay Yuki ay si Sage ang nakakasama ko lagi lalo na kapag may gagawin akong trabaho hindi siya umaalis sa tabi ko pero ngayon wala si Sage. Damn!

"Ang duga mo Sage!" Umiiyak na sabi ni Sav

Pabalik na kami ng pilipinas ngayon at kanina lang din nilibing si Sage. Hindi kami pwedeng magtagal sa switzerland dahil nandoon ang buong angkan namin. Lahat lahat nandoon at nag iimbestiga tungkol sa nangyari kay Sage. Hindi na kami pinasama ni dylo baka daw mas madamay pa kami sa gagawin nila. Halos lahat din ng parents namin naiwan doon sa switzerland.

Ng makarating kami sa pilipinas ay agad akong dumiretso dito sa rooftop ng mansion namin. Dito na muna daw kasi kami tutuloy habang wala pang balita sa pumatay kay Sage. May hinala sila na malaking organization ang may gawa nun.

"You are so unfair, Sage."

Damn! It hurts! It hurts na makita si Sage na walang buhay! Puno ng mga galos at sugat ang katawan niya na mukhang pinahirapan pa bago patayin.

"This is my fuckin' fault!"

Hindi ko na napigilan ang mga luhang matagal ng gustong tumulo. I am sobbing hard right now while looking at the moon.

Please give us the justice......

Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa maramdaman kong may humawak sa likod ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin dito and I was greeted by her concerned eyes.

Agad din naman akong umiwas ng tingin, this is I don't want. Ayaw kong may nakakakita sa akin na umiiyak kaya nga nung time na nalaman kong wala si Sage gusto ng tumulo ng mga luha ko kaso pinigilan ko dahil walang magpupunas ng mga luha nila Ayah kapag pati ako ay umiyak. Sino nalang ang magcocomfort sa amin kung pati ako iiyak? Kung pati ako ipapakita na nanghihina sa harap nila? I hate crying infront of people, I feel weak.

Pero kahit anong pigil ko ngayon sa mga luha ko ay kusang tumutulo kaya punas ako ng punas. Not now please......

I was keep on wiping my tears dahil sa walang tigil na pagtulo ng luha ko until I felt embrace. She hug me at my waist and held my head. She place my head at her neck while she's tapping my back. Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa ginawa niya, she's staying silent and comforting me.

"P-prof...."

"Just cry, Zei. I'm here. Hindi masamang umiyak minsan lalo na kung sobrang bigat na ng nararamdaman mo. Just cry I don't judge you, Zei."

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now