CHAPTER 37

326 24 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

Hawak hawak ko ang kamay ni Prof habang papasok kami sa sinabi na location ni Ayah.

Hindi naman kami nahirapan kung saan nakapwesto sila Ayah dahil sa lakas ba naman ng boses, eh.

"After so many years nakadating na kayo." Bungad agad ni Ayah

"Kala namin saan na kayo pumunta, eh." Prof Aza said habang may nakakalokong ngisi.

"Your eyes......" Umiwas ako agad ng tingin kay Sal. "Did you cry? Mugto ang mata–"

"I'm not. Wala akong dahilan para umiyak." Sagot ko at napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Prof.

"Umupo kana doon sa tabi ni Prof Sera para makakain na din kayo." Sabat naman ni Zoey na nagluluto.

Tinignan ko ang upuan nila at wala na ngang space kung hindi sa tabi ni Prof Sera at sa tapat nito.

I sighed bago lumapit kay Nao kaya taka niya akong tinignan.

"Pwede ba doon ka nalang sa tabi ni Prof Sera? Gusto ko kasi sa dulo, eh." Sabi ko kaya tinignan niya si Prof Sevilla bago tumango at lumipat doon.

Ramdam ko naman ang tingin na pinupukol nila sa akin pero hindi na ako nagsalita pa. Ayaw ko lang na magalit ulit si Prof sa akin kapag tumabi ako kay Prof Sera. Ayaw ko na nag aaway kami kaya kung gusto niyang iwasan ko si Prof Sera gagawin ko.

"Zei, try this." Tinapat ni Prof Alena sa bibig ko ang bagong wrap niya ng lettuce.

Nag aalanganin ako kung isusubo ko ba iyon or hindi. Baka kapag sinubo ko iyon ito na ang huling araw ko pero kapag hindi ay nakakahiya naman ay Prof. Damn!

Pero sa huli ay napagdesisyonan kong isubo nalang at nagpasalamat kaya napadaing ako ng may sumipa sa paa ko.

"Masakit." Bulong ko sa katabi ko pero umirap lang.

"By the way, sinabi ni Daddylo na gawa daw tayo ng maikling story then kapag nagustuhan niya bibilhin niya lahat gusto natin." Mahabang sabi ni Sal

"Sure kang si Don Zennon ang nagsabi?" Paninigurado pa ni Ayah.

"Yup, look oh." Pinakita ni Sal ang convo nila ni Dylo kaya napatango sila Gavin.

"Tungkol saan naman ang story?" Tanong naman ni Shan

Nakikinig lang ako sa kanina habang pinagseserve ko ng pagkain ang katabi ko. Bahala sila diyan mag usap kahit naman hindi ako kasali sa story na gusto nilang gawin nakukuha ko ang gusto ko kapag sinabi ko kay Dylo.

"She's looking at you again." Bulong niya kaya napailing iling nalang ako

"Don't mind her. Kumain kana nalang muna."

"Kahit ba house and lot ang hingin kay Don Zennon?" Leah

"Yep."

"How about mga babae?" Natatawang sabi ni Kyle kaya binatukan siya ni Sal

"Wala kang alam kung hindi mag hanap ng babae."

"Alangan naman lalaki hanapin ko?"

"Pwede din." Sabat ko kaya natawa sila.

"Anong story ba?" Yuki asked.

Nakikinig lang din naman ang mga professor habang kumakain sila. Mukhang sanay na ata sila na ganito kaingay kapag nagsama sama kami, eh. Pero hindi ko naman sila nakakasama kaya baka nasanay sila kasi panay sila ang kasama nila Ayah.

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now