CHAPTER 44

320 20 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

"Hindi ka parin ba papasok?"

Umangat ang tingin ko kay Prof Sera ng magsalita siya.

"No." Tipid na sagot ko bago binalik ang tingin sa nilalaro.

Naglalaro kasi ako ng video games dito sa bahay niya at tatlong araw na din akong nandito.

"Three days ka ng absent. Tinatanong kana din ng mga friends mo sa akin."

"Don't mind them–" Naputol ang sasabihin ko ng biglang magring ang phone ko kaya tinignan ko kung sino iyon.

Kyle is calling......

"Sa wakas sinagot mo din." Bungad ni Kyle sa kabilang linya.

"What do you need?" Malamig na tanong ko habang nakafocus parin sa nilalaro.

"Nakalimutan mo na? I'm your cousin, Zei. Tapos kinalimutan mong birthday ko ngayon?"

Napakunot ang noo ko tsaka tinignan ang date ngayon. Oh shoot, birthday nga ngayon ni Kyle.

"Nakakatampo ka naman, Zei. Hindi kana nga nagpakita sa amin tapos nakalimutan mo pa birthday ko."

"Edi happy birthday."

"Ehhhhhhh!" Parang batang sabi niya kaya natawa ako.

"6:00 pm sa mansion may pa-party ako kaya dapat pumunta ka."

"Okay."

"No date no entry, Zei."

Huh? Anog no date no entry? Tanga ba siya? Kapag nagbibirthday ito inuman lang, eh. Tapos ngayon may nalalaman na no date no entry.

"Aasahan kita, Zei. Kaya maghanap kana ng kadate mo."

"But–"

"Babye, see you later!"

Potangina? Agad niyang pinatay ang tawag.

Agad akong napatingin kay Prof Sera na nakataas ang kilay sabay ako inirapan. Eh, problema niya?

"Pupunta ka?" She asked. Oh, nakikinig pala siya sa usapan namin ni Kyle. Marites talaga ito, eh.

"Dunno." Sagot ko, wala naman talaga akong balak magpakita sa kanila dahil ang sabi ni Yuki kailangan ko muna silang iwasan.

"Why?"

"Wala akong kadate." Pagdadahilan ko nalang. Kaya ko naman pumunta doon kahit walang kadate 'no.

"Same."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong same?

"He invited me." Oh, kaya pala.

Tumango tango ako bago pinatay ang tv at tinabi ang nilalaro ko. Pero napangisi ako ng may pumasok sa isip ko.

"What if tayong dalawa nalang?" Tanong ko pero bigla siyang namula at umiwas ng tingin. "Oh, what I mean tayong dalawa ang partner."

Umirap siya bago tumalikod.

"Pag iisipan ko." Sabi niya saka nagsimulang naglakad paalis.

"Wag na, wala ka naman isip." Natatawang sabi ko

Napabuntong hininga nalang ako bago humiga sa sofa. Haist, kamusta na kaya yung asawa ko? Charot. Wala pala akong asawa.

Hindi ko na kasi siya nakikita o nakakausap, eh. Tsaka bakit ba iniisip ko siya? Magsama sila ni Primo.

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now