CHAPTER 11

411 29 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S PO

"Hi miss–"

"No." Malamig na putol ko sa isang lalaki na lumapit sa amin.

"Gago ka Zei hindi pa nga niya natatapos sasabihin niya tinanggihan mo na." Natatawang sabi ni Sal

"Cheers!" Sigaw naman ni Ayah

Tsk! Mga lasing na sila dahil nag iingay at sayawan na sila. Nag kaayayaan kasi kami magbar ngayon, hindi ko alam anong trip nila dahil may sariling bar naman ako sa condo pero sabi niya mas gusto nila dito.

"Let's dance!" Nao said, tumakbo sila papunta sa dance floor habang may hawak na liquor. Mga broken hearted ata itong mga ito, eh. Porket friday lang ngayon at walang pasok bukas ang lakas na ng loob mag inom.

Napabuntong hininga ako bago naisipan na pumuntang comfort room. Kailangan kong mailabas ito kung ayaw kong magkasakit ng UTI.

"Miss, wag kana pakipot."

"Ang sexy mo naman ngayon, oh."

"Alam mo ganda saglit lang naman tayo, eh. Masasarapan ka pa."

Rinig kong sabi ng tatlong lalaki na nadaanan ko.

"Don't touch me, moron."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang malamig at familiar na boses na iyon.

"Englishera pre."

"Alam mo wag mo kaming madaan daan diyan sa pag eenglish mo."

Pumunta ako sa pwesto nila at nakita ko ang tatlong lalaki na nakatayo habang pinagmamasdan ang babae. Dinilaan pa ng lalaki ang labi niya habang nakatingin sa babae.

Iww! Disgusting!

Akma niyang hahawakan ito ng humarang ako sa harapan nila tsaka tinago sa likod ko ang babae.

"Don't you dare to lay your dirty hands to this beautiful woman in my back, stupid." I said coldly as I looked at them emotionless.

"Jackpot! Isang magandang babae nanaman ang nandito."

"Tignan mo nga naman magagandang babae na ang lumalapit sa atin."

"Hindi na ako makapag hintay na tikman sila."

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nila. I want to kill them right now but I can't. I can't because Prof Sevilla is here. Baka matakot siya sa akin kapag pinatay ko itong mga ito sa mismong harap niya.

"Let's go. Don't mind them, they will hurt us." Bulong nitong nasa likod ko.

Hindi ko siya pinakinggan dahil ang tingin ko ay nandito lang sa tatlong lalaking nakangising aso sa harap namin.

"Leave now if you don't want to meet satan." I said coldly

"Nagpapatawa–" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng may biglang bumaril sa kanya.

I smirked.

Tumingin ako sa dalawang lalaki na bakas ang takot sa mukha na nakatingin doon sa kasama nila. Tumakbo naman sila agad kaya hinarap ko ang babaeng nasa likod ko.

Gulat din siyang nakatingin ngayon sa lalaking wala ng buhay sa sahig kaya agad ko siyang hinila paalis doon sa lugar na iyon.

"Are you okay Prof?" Tanong ko ng makalayo kami

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now