CHAPTER 21

361 27 2
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

"Prof." Tawag ko sa kanya habang busy siya sa laptop niya.

Matapos kasi nung ginawa ko kanina sa music room ay tinakbo ko si Prof palayo doon. Baka agawin sa akin yung asawa ko, eh. Nakangiti ba naman.

Balak ko nga sanang iuwi na siya sa bahay tapos magpakasal kami kaso binatukan ako. Madami pa daw siyang trabaho at wala daw siyang time sa kalokohan ko. Tsk, kala mo hindi kinilig kanina, eh.

"What?"

"Wala na po akong milk and cookies." Pinakita ko ang lalagyan ko sa kanya. Ginawan niya kasi ako ng milk kanina tapos bumili din siya ng cookies. Mukha daw kasi akong patay gutom na nanghihingi ng cookies kanina doon sa babae.

"Wala na akong stock kaya mag order kana lang." Inabot niya ang phone niya sa akin pero sumimangot ako

"What if milk mo nalang?" Ngising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Cookies and milk mo nalang po para hindi na ako mag order."

"Shut up, Miss Singh!"

"Ubos na kasi food ko."

"Mag order ka nalang ng iba kung wala na."

Napabuntong hininga ako at nag isip kung ano ang masarap kainin. Ng makaisip ako ay hinarap ko ulit si Prof.

"Prof!" Medyo napataas ang boses ko kaya nagulat siya na ikinatawa ko. "May gusto akong kainin."

"What is it?"

"The color white na circle then they called it to appear. They also put some sugar."

Her brows furrowed, while looking at me seriously.

"What's that?"

"Yung color white siya and may maliliit na black tapos isawsaw sa sugar para may lasa."

Tangina nakalimutan ko tawag doon. Si Ayah kasi yung nagpatikim sa akin nun, eh.

"Puto?" Tanong niya na ikinailing ko.

Tangina naman kasi ano bang tawag doon?

"Hindi po, eh.

"Bibingka?"

"No po."

"Kutsinta?"

"No."

"The heck is that? Hindi din ako familiar sa mga pagkain na tinutukoy mo na color white na circle na may sugar."

I pouted.

"Gusto ko po ganon."

Natahimik naman siya naparang iniisip kung ano ba ang tinutukoy ko. Kulay white iyon na may sugar and coconut pero nakalimutan ko tawag.

"Suman ang alam kong sinasawsaw sa sugar." Sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Binatog?"

"No po."

"Puto bumbong?" Umiling iling ako. "Ano ba kasing–"

"Ah-uh!" Masiglang sabi ko ng maisip kung anong tawag doon sa gusto kong kainin.

"It's bumitaw!"

Hindi naman maipinta ni Prof ang mukha niya habang nakatingin sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. Wala naman 'di ba? Wait, bumitaw ba talaga tawag doon?

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now