Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"You look dumb."
"Shut up, Caleb." I said coldly habang papasok kami sa conference room kung saan magaganap ang meeting.
It's been two weeks since I started avoiding her. Kahit na pumapasok ako sa school ay iniiwasan ko talaga siya. I tried my best to be professional at mabuti nakikisama ang panahon. Lagi niya kasi akong tinatawag sa klase niya pero nakakasagot naman ako.
Nung gabing umamin kasi siya nun ay doon na din siya natulog pero ng kinaumagahan nakita kong magkayakap sila ni Primo. Sabi sa inyo may schedule kami, eh. Pang umaga si Primo tapos ako pang gabi.
I want to date her officialy pero hindi ko magawa dahil nandyan pa si Primo. What if patayin ko nalang si Primo? Edi tapos ang usapan nun. Charot.
Haist! Ang hirap naman, parang ayaw talaga ng mundo na magkaroon ako ng love life.
Sila Ayah naman? Ayon iniiwasan ko din dahil doon sa pinakita ni Yuki na picture nila Ayah na nakasunod sa akin. Damn, hindi ko alam kung traydor ba sila or ano. Pero kung traydor man sila hindi ako magdadalawang isip na patayin sila kahit anak pa sila ng friends nila moma.
Like what I said, wala akong pake kung kadugo ko or hindi ang lalaban sa akin. Pero tangina ayaw kong may kabet ni Prof 'no.
Isa pa iyong Jayvee na iyon. Malaki daw ang utang na loob nila kay Dylo kaya wala siyang choice kung hindi magpakasal sa akin? Bobo ba siya? Sinabihan ko na sila Dylo na hindi ako magpapakasal sa kanya kaya hindi na nila ako kinulit doon tapos siya itong tanga na pinipilit ituloy ang kasal.
Patayin ko silang dalawa ni Primo, eh.
Naalala ko pa nung minsan na balak kong tumambay sa garden kaso nakita ko na nandoon si Prof na may hawak na libro nun. Hindi ko naman alam na magkakasalubong kami nun at akmang iiwasan ko siya nun bigla niyang binato yung libro niya papunta sa gawi ko pero si tangang Jayvee ay biglang sumulpot kaya siya ang nabato.
Sa lakas ata ng pagkakabato ni Prof nawalan ng malay si Jayvee kaya napunta pa siya sa clinic. Yung Professor naman na nagbato bigla nalang umalis na kala mo walang nangyari, eh.
Hindi ko alam kung nakashabu ba si Prof, eh. Nung time din kasi na kumakain kami sa cafeteria ni Caleb ay binato niya ito ng spoon. See? Parang tanga si Prof. Bigla biglang nambabato, eh.
Baka gumagamit talaga siya ng bato? Choss.
Pero ang pinagtataka ko ay sapol na sapol sa ulo kahit na napakalayo ng pwesto niya. Shooter si Prof, asintado!
Ng dumating na ang lahat ay nagsimula na ang meeting. Hindi ko alam bakit nandito ako, eh. Hindi pa naman sa akin nakapangalan itong university pero ako na nakikipagmeeting.
Tamad na tamad akong dumuko sa table ko. Ayaw kong lumingon dahil nandito si Prof at si Primo. Hindi ko alam anong ginagawa ngayon ni Primo dito, eh. Feeling belong depota.
Itong si Aunt naman alam na niya ngang si Prof ang gusto kong pakasalan tapos hinayaan pa niya na sumama din sa kanya si Primo.
Isa pa itong si Prof Sera. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero lagi niyang sinasabi na mag iingat ako lagi.
Argh!
Ang dami kong problema ngayon. Tama nga si moma na stress lang makukuha ko dito sa pilipinas pero atleast nakilala ko mapapangasawa ko–ay joke. May magiging asawa pala siya.
"Miss Singh, what's your suggestion?" Rinig kong tanong ni Aunt Aki kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.
I mentally rolled my eyes when I saw her with Prof and Primo, magkakatabi silang tatlo.
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...