CHAPTER 19

392 28 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

Bored na bored akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria dahil nandoon daw sila Ayah.

Naiinis din ako kay Prof dahil hindi man lang ako sinabihan na may meeting sila. Kaya ayon wala ako sa mood dahil hindi ko siya nakita. Tsk!

"Hey." Bahagya akong nagulat ng may magsalita sa gilid ko.

Tangina nito, eh. Patayin ko kaya ito? Nanggugulat depota.

"You remember me?" He asked while smiling like a dog.

"Yeah, you are Jayvee." I answered boredly.

Jayvee is Ayah's ex-fling. Nanligaw din iyan sa akin kaya nakafling ko din pero dahil nagsawa ako ay pinatigil ko siya at si Marky ang pinili ko. Si Ayah naman ang niligawan niya pero hindi din siya nagtagal kay Ayah dahil nalaman ni Ayah na may girlfriend ito.

"I just want to ask kung gaano kayo katagal ni Marky."

"Why so curious?" I asked irritatedly. Dami dami kasing mga nakakasalamuha ko panay mga cheater pa.

"I just want to know."

I sighed.

"Six months....ata." Hindi siguradong sagot ko. Tsk, wala naman na kasi akong pake kung nagtagal kami nun, eh.

"Why did you two broke up?"

"You are his friend, right?" He nodded. "Then ask him." I added bago naglakad palayo sa kanya.

Pero tangina hinawakan pa talaga ang braso ko para pigilan ako kaya inis akong humarap sa kanya. Kapag ako nainis baka siya yung susunod kay Sage na mamamatay.

"What do you fuckin' need?!" Iritang tanong ko.

"Jayvee? What are you doing here?"

Damn! Nagsisilabasan ang mga cheater!

"Marky, I just want to know why did you two broke up."

"Leave her alone, Jay." Marky said with a hint anger in his voice.

"Why? I just–"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Jayvee ng hilain ako palayo ni Marky pero nakasunod parin si Jayvee sa amin. Jusmeyong mga ito. Nakakastress!

"Hey Marky!"

"Umalis kana, Jay."

"What's goin' on here?"

Oh, isa pa ito. I want peace pero rest in peace ata mangyayari.

Kaya ayaw ko din maging maganda dahil pinag aagawan, eh. Masyado naman kasing ginalingan nila mommies ang paggawa sa akin, eh.

Maling desisyon talaga na nacurios ako sa pagkakaroon ng boyfriend and paglandi. May taste naman ako kaso hindi ko lang alam na sa manloloko pa ako mapupunta.

Lumingon ako sa hallway pero napakunot ang noo ko ng makitang kaming apat lang ang nandito. Bakit ba kasi nandito si Prof? Kala ko ba may meeting ito? Isa pa itong si Marky, alam ko may mga practice ang mga player ng basketball tapos siya yung captain, eh.

"Pwede ba Jayvee layuan mo na si Zei?" Sabi ni Marky

"Why would I do that? Gusto mo ba ikaw lang ang nakakalapit sa kaniya?" Sagot ni Jayvee habang nakangisi

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now