Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"Mine!" Malakas na sigaw ko at dinigpass ang bola papunta kay Sav. Nandito ako ngayon sa back line at si Sal ang nasa front line.
"Edi yours!"
Agad naman nagset si Sav at sabay na tumalon si Sal at Yuki para lituhin ang kalaban.
Sav quickly set it to Yuki na opposite ni Nao na nasa back line na rin at nakapwesto sa gitna for follow up.
Agad na pinalo ni Yuki ang bola dahil yung dalawang blockers ay sumama kay Sal. Hinabol ito ng libero sa kabila para isave, pero hindi niya naabutan dahil sa bilis ng bola.
We are in set number 4. Syempre binigay namin yung set number 2 sa kabila para naman sumaya ang mukha nila kahit papaano, nakabusangot kasi sila, eh. Pero syempre set number 3 hindi na ulit namin sila pinagbigyan. 18-17 ang score which is favor of my team.
Umikot kami sa loob ng court sabay ng pagtawa at pagtwerk nila Ayah dahil nakascore si Yuki.
Napansin ko din na pagod na ang kabilang grupo pero kami tamang tawa lang.
"Go Yuki! Go Yuki! Go! Go! Go!"
"Woah! Baby Zei!"
"Buntisin mo ako Ayah!"
"Go Rhed!"
"Velazco my labs!"
"Zeila pakasalan mo ako!"
"Sorry kasal na ako! Sakalin nalang kita?" Sigaw ko kaya humagalpak nanaman ng tawa sila Ayah pati ang mga nanunuod.
Tumingin ako sa gawi nila Prof at kumindat sa kanya na ikinawis niya ng tingin. Kinikilig lang si Prof, eh. Napakaloyal ko talaga sa kanya kahit sa marriage booth lang kami kasal, sa susunod kasi sa simbahan na.
Pumunta na sa service line si Sav at pinapatalbog ang bola. Sav toss the ball and spike it. Masyadong malakas at mabilis ang pagserve niya kaya hindi nasalo ng libero nila at nakascore nanaman kami.
Muling bumalik si Sav, and this time ay nasalo na ni Rhed na nasa likod din. She received the ball perfectly and pass it to their setter.
Sal immediately positioned herself sa harap ng net para abangan ang palo para iblock. Sumabay si Sal sa talon ng kabilang team at agad na blinock ang bola. Tumalbog sa kamay ni Sal ang bola, agad na itong sinalo ni Yuki at pinasa agad kay Ayah at nakaquick agad si Nao dahil hindi pa nakakabalik si Sal sa pwesto niya.
Nasalo iyon ng libero ng kalaban na halatang inabangan talaga ang pag quick ni Nao at agad din dinigpass ni Rhed papunta sa kasama nya at pinalo.
Nakita kong papunta ito sa gawi ni Yuki pero umiwas lang si Yuki at nagtwerk kaya napuntos ang kalaban na ikinatawa namin.
19-18 na ang score. Nagpatuloy ang laban namin, palo rito, takbo roon, roll dito, dive doon. Iyan ang ginagawa ng kabilang kupunan para lang mahabol nila ang bola na pinapalo namin.
23-23 na ang score, at nakahabol lang sila dahil hindi namin tinitira ang bola kung hindi iniiwasan namin. Yung mga nanunuod makikita din sa mukha nila na naguguluhan sila dahil sa ginagawa namin pero tinatawanan lang namin sila.
Napatingin ako sa kabilang team na hinihingal na pero ng tignan ko sila Ayah ay tamang chill lang. Nakatayo lang sila habang may nakakalokong ngisi sa labi.
Nilipat ko ang tingin ko sa stage para tignan ang asawa ko pero hindi ko siya nakita doon. Wala na siya sa tabi ni mommy kaya nilibot ko ang paningin ko.
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...