Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
My head is still hurting. Nanghihina parin ang katawan ko na parang kahit anong oras ay babagsak ako isama mo pa yung sakit ng lalamunan ko.
Oh damn! Bakit ba kasi ako nagkasakit? Nakita ko lang naman kahapon na masayang nakikipag usap si Prof kay Primo tapos nagkasakit na ako? Dapat pala pagbawalan ko ng makipag usap si Prof kay Primo para hindi ako nagkakasakit, char.
Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita si Prof kaya dahan dahan akong bumangon para sana lumabas ng kwarto baka kasi nandoon siya sa baba.
"Stay."
Ng marinig ang boses na iyon ay napatingin ako agad. Napangiti ako ng makita si Prof na lumabas na sa walk-in closet niya. Nakauniform na din ito na parang papasok na sa trabaho.
"What time is it?" I asked bago ulit bumalik sa pagkakahiga.
"4:30 am."
"Madaling araw palang aalis kana?" I pouted.
"Kailangan kong pumasok. Malapit na din ang mid term kaya kailangan kong magturo."
"How about me? Iiwan mo ako dito? Uuwi nalang ako kung aalis ka." Parang batang sabi ko habang nakanguso.
Napailing iling naman siya tsaka naglakad palapit sa akin.
"Babalik ako agad, hmm? Matulog kana muna ulit para gumaling ka. Pagluluto kita bago ako umalis." Malambing na sabi niya
"Pero aalis ka. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko."
"Clingy, huh." Pang aasar niya. Well, ganito talaga ako kapag nagkakasakit. Ang clingy ko sa isang tao.
"Bahala ka diyan. Hindi na kita bati. Doon kana kay Primo mo." Maktol ko tsaka tumalikod sa kanya.
"Miss Singh–"
"Don't call me Miss Singh. Kapag si Primo tinatawag mo siyang Primo tapos ako Miss Singh? Ako yung asawa mo, eh."
"Why? Are you jealous?"
"Of course, sinabi ko na ngang mahal kita tapos tatanong mo pa." Diretsong sagot ko tsaka siya tinignan pero nakakagat siya sa ibabang labi niya na para bang pinipigilan matawa. "Argh! Nakakainis ka. Magsama na kayo ni Primo!"
Tumayo na ako at akmang maglalakad palabas pero napatigil din dahil sa tinawag niya.
"Zeila."
Oh damn!
"Uuwi din ako agad, hmm? Tatawag din ako sayo. Kailangan ko lang talaga pumasok para makapagturo at hindi sila mahuli sa lesson." Paglalambing niya bago ako binigyan ng halik sa noo.
"You are flirting with me." I said and looked at her.
"Why? You are flirting with me, too."
"Sayo lang naman."
"But you're not mine."
"I'm not belong to anyone so you can own me."
"Stop fooling around."
"I'm not. I'm yours, kaya dapat ipagdamot mo ako. Bahala ka po sa ganda kong ito siguradong maaagaw nila ako sayo kapag hindi mo ako pinagdamot."
"Sinong nagsabing maganda ka?"
I frowned.
"So sinasabi niyo po na pangit ako?"
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...