CHAPTER 8

422 29 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

ZEI'S POV

"Good morning, class!" A cold voice beamed across the room. My attention diverted to the girl in front.

She's wearing a fitted skirt and white fitted shirt with her red blazer. She really looks Goddess! Ang galing niya talaga magdala ng outfit niya. Then fit pa sa kanya yung suot na mahahalata ang curve ng katawan niya. She's perfect!

"Hoy tawag ka ni Prof!"

"Ah, bakit mahal–este Prof?" Tanong ko sabay tayo na ikinatawa nila Sal kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Prof kaya agad akong umiwas ng tingin. Ewan ba pero nakakatakot nga tingin niya.

"Let's talk later."

Pagkasabi niya nun ay pinaupo na niya ako tsaka siya nagsimulang mag discuss. Ano naman pag uusapan namin? About sa future namin? Gusto lang talaga akong kasama ni Prof hindi pa niya direstuhin, eh.

Halos lahat ng classmate ko ay nakikinig pero ako pinagmamasdan ko bawat kilos niya. Masasabi kong sobrang professional niya kumilos at halos lahat ng galaw niya kalkuladong kalkulado tapos isama mo pa yung pagiging authoritative ng aura niya.

Ng matapos siya mag discuss ay nagbigay siya ng activity. Agad naman akong natapos kaya malaya ko ulit siyang napagmamasdan habang nagtitipa siya sa laptop niya.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya ng umangat ang tingin niya ay nagsalubong ang mata namin pero hindi ako umiwas kung hindi ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya ako. Gosh, sungit!

"Are you done staring at me? Can you please pass your paper?" She said coldly

"Prof, I think there must be something wrong with my eyes…" She raised her eyebrows. "Because I can’t take them off of you."

"Ayieee!"

"Lakas ng loob na harutin si Prof."

"Kala ko ba straight ka?"

"Bading!"

"Quiet!"

Nanahimik naman ang mga classmate ko pero siya sinamaan niya ako ng tingin.

"Miss Singh, give me your paper!" She burst out.

Wala na akong nagawa kung hindi tumayo at inabot ang papel sa kanya. Kinikilig lang si Prof pero dapat daw hindi halata. Sino naman kasing hindi kikiligin lalo na ang ganda ko para harutin siya.

"Gago ka." Natatawang bulong ni Sal

"Landi mo." Ayah said

"Sumbong kita kay tita Zeki." Nao said

"Shut up!"

Ng makuha na niya lahat ng papel namin ay nagdismissed nadin siya kaya inayos ko na ang gamit ko para makasama kina Sal sa cafeteria.

Ng makarating kami sa cafeteria naghanap kami ng pwesto para umupo pero si Nao ay nag order na ng food kasama si Ayah.

"Couz', do you know that boy?" Turo ni Sal sa may likod ko kaya tumingin ako doon.

"No, but he looks familiar."

"He's Caleb, yung lalaking nakabunggo sayo."

"Oh, okay?" Patanong na sabi ko bago binalik ang tingin kay Sal.

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now