Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"Baby, are you done?" Tanong ni mommy ng sumilip siya sa kwarto.
"Yes, mom. Lipstick nalang po." Nakangiting sagot ko.
"Hintayin ka namin sa baba." I nodded.
Napabuntong hininga ako ng tinignan ang kabuuan sa salamin. I don't know kung ano ang plano nila Dylo pero nagkaroon lang naman kami ng malaking party ngayon dahil may announcement daw.
Family dinner with my whole clan. Argh!
Ayaw ko ng ganitong family dinner dahil lahat ng malapit sa akin tinitingala ako at hindi ako sanay na pagsilbihan nila ako.
Inaya ko nga si Prof kaso nauna na pala si Primo nag aya sa kanya kaya ayon, kasama na si Prof. Ako yung asawa pero sa iba sumama.
Ng makababa ako nakita kong nakakunot na ang noo ng mga kapatid ko. Kanina pa siguro sila naghihintay.
"Ang tagal mo." Reklamo ni Zen
"You look good." Zel said
"Ganda naman ng baby ko." Nakangiting sabi ni mommy
"Mana sayo, mom." Sagot ko naman
"Let's go? Tayo nalang ang hinihintay." Sabi ni moma kaya tumango kami at lumabas na ng bahay.
Sumakay na kami sa backseat ng mga kapatid ko habang si mommy sa passenger seat and si moma ang magdadrive.
Tahimik lang ako buong byahe pero si Zen na kala mo kinikilig habang nakatingin sa phone, may kachat siguro siya. Si Zel naman na parang wala din sa sarili.
Ng makarating kami sa mansion ay madami ng nakapark na mga car. Well, kanino pa ba iyang mga iyan edi sa mga pinsan at kaibigan namin.
Dumiretso na kami sa may garden dahil doon daw gaganapin ang sinasabi nilang family dinner.
Nauunang naglalakad ngayon sila mommies habang nasa likod naman nila kami.
Kanya kanyang bati din ang ginagawa ng mga maid at ng mga butlers o bantay dito.
"Good evening, Lady Serene, Lady Selene, and Lady Seleste!" Bati ni tito Andrei ng madaan namin siya pero tanging tango lang ang sagot namin.
Ng makalapit kami kina Dylo ay tumayo naman sila Ayah at nagbow sa amin.
"Good evening, Lady Serene!"
"Good evening, Lady Seleste!"
"Good evening, Lady Selene!"
Kanya kanyang bati nila pero hindi ko na pinansin pa at dumiretso ako sa gawi ni Dylo saka ito binigyan ng halik sa pisngi.
"Good evening, Daddylo!" Sabay sabay na kami namin ng mga kapatid ko kay Don Zennon.
"My three ZS." Nakangiting sabi ni Dylo
"Zei–I mean Lady Seleste, maupo na po kayo." Magalang na sabi ni Ayah. Tsk, plastic. Kapag walang ganitong okasyon hindi naman iyan mabait sa akin, eh.
"It's okay. Call me Zei." Nakangiting sabi ko kay Ayah pero umiling iling siya kaya napabuntong hininga ako.
Argh! Ito yung ayaw ko sa ganitong kaganapan. Hindi ko makausap sila Ayah ng maayos dahil masyado silang magalang kapag ganito ang sitwasyon.
Bagsak balikat nalang akong umupo at kapag minamalas ka nga naman katapat ko pa sila Primo. Sa right side kasi kami and sila sa left side ni Daddylo pero sila Ayah ay nasa dulo. Ang ibang agents naman ng Singh ay nasa ka ibang table.
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...