Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"Oh damn! Isang basura nanaman ang pakalat kalat sa daan!" Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae dito sa loob ng cafeteria.
"Bakit ba kasi ang daming basura dito sa university?!" The other girl shouted.
Nakaramdam ako ng inis ng mamukhaan yung mga babaeng sinasabihan nila ng basura. Nakaupo na sa sahig sila Zoey and Leah habang si Shantel ay nakatayo sa harap nila na mukhang pinagtatanggol nito ang dalawa.
Naglakad ako palapit sa kanila at ng makitang akmang sasampalin niya si Shan ng mahawakan ko ang kamay niya.
"Don't you dare lay your fuckin' dirty hands to her." Malamig na sabi ko bago siya tinulak bago lumingon sa dalawang nasa sahig tsaka sila tinaasan ng kilay.
"Master Zei."
"Lady Seleste...."
"Tumayo kayo diyan, hindi upuan iyan." Utos ko pero napansin ko na may galos sa braso si Leah kaya lumapit ako sa kanya at tinignan iyon ng maayos.
"Who did this?" I asked coldly
Walang sumagot sakanila kaya inis kong hinarap si Shan. "Tell me who did this?!" Turo ko sa braso ni Leah.
"Zei, calm down." Rinig kong sabi ni Ayah sa likod ko.
"How can I calm down? Tell me, hindi mo ba nakikita itong sa braso ni Leah?" Inis na sigaw ko bago binalingan si Zoey.
"Tell me who did this, Zoey. If you will not tell me right now lahat kayo maghihirap. Hindi ako nakikipagbiruan, alam niyo ang mga kaya kong gawin sa inyo." Madiin na sabi ko
"I did that. Ngayon may problema ka ba?" Ng marinig ang boses na iyon ay hinarap ko ang babaeng tinulak ko kanina. May ngisi ito sa labi habang yung mga kasama niya naman ay tumatawa na mukhang proud pa sa ginawa ng kasama nila.
Hindi na ako nagdalawang isip na sugurin ito at pagsasampalin. Damn her! Anong karapatan niyang gawin ito kina Leah?!
"Lady Seleste stop it."
"Zei...."
"Please stop Zei."
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi nila dahil patuloy lang ako sa pagsampal dito sa babaeng ito. Yung mga nanunuod ay bakas ang gulat at pagkashock sa mukha nila but I don't care.
I don't fuckin' care! I'm Zeila Seleste Singh, no one can dare to stop me!
"Let me go!" Sigaw nitong babaeng pinagsasampal ko.
"Zei tama na!" Sigaw ni Ayah at sinubukan niya akong hawakan sa braso pero tinabig ko ang kamay niya tsaka siya blangkong tinignan.
"Walang mangengealam sa inyo." Malamig na sabi ko bago binalingan ulit ang babae na namumula na ang mukha dahil sa pagsampal ko. May sugat na din ito sa may labi niya at dumudugo iyon.
"Fuck you bitch!" Sigaw niya na ikinangisi ko.
"Kapag sinaktan mo ulit ang isa sa kanila sisiguraduhin kong hindi lang iyan ang aabutin mo." Malamig na sabi ko habang nakangisi sa kanya tsaka naglakad palapit.
"W-what are you doing?" Tanong niya na halatang kinakabahan.
"I will fuckin' kill you." Madiin na bulong ko
"What's happening here?"
Sabay sabay kaming napatingin ng marinig ang malamig na boses na iyon. Seryoso lang siyang nakatingin ngayon sa amin. Para tuloy akong kinabahan sa mga tingin niya.
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...