Sorry for grammatical and typographical errors!!!
—————
ZEI'S POV
"Zei, may gusto ka ba kay Prof Sevilla?" Tanong ni Ayah sa tabi ko
I didn't answer, I'm just looking at the gorgeous girl in front.
"May gusto ka nga."
Agad akong nag iwas ng tingin ng makita si Prof na patingin siya gawi namin.
"Huh? Paano niyo nasabi?" Takang tanong ko
"We just ask you if you like her, and look you are smiling like an idiot, Zei." Nao answered
"Huh? Ako may gusto kay Prof? Ano siya gold? Tsaka hindi–"
"Who's gold, Miss Singh?"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang malamig na boses na iyon. Ng lumingon ako sa likod ko siya agad ang bumungad na nakataas pa ang kilay niya at blangkong nakatingin sa akin.
Oh God save me!
"A-ah, a-ano po kasi si S-sal may g-gusto kaya sabi ko kung g-gold ba yung lalaki." Utal kong sagot bago umiwas ng tingin.
Umirap lang ito bago inabot sa akin yung laptop niya. Gagawin ko diyan?
"Carry this and follow me."
Ay, ginawa pa akong katulong. Grabe, ah. Singh ito tapos gagawin lang niya akong katulong.
Wala na akong nagawa kung hindi kunin iyon tsaka sumunod sa kanya. Tsk!
Ng makarating kami sa office niya agad kong nilagay yung laptop sa table niya. Napansin ko din na may sketch siya ng house, sa tingin ko sa client niya iyon.
Napunta din ang tingin ko sa ibang plates na nandito, gawa siguro ito ng mga ibang student niya.
"It looks dull." Komento ko sa isang plate. Totoo naman, eh. Parang nay kulang doon sa gawa.
Tumingin si Prof sa tinitignan ko bago niya kinuha iyon at tinignan din.
"Lack of emotions." She said while looking at the plates
Umupo ako sa chair na sa harap ng table niya bago nilabas ang sketch pad ko tsaka pinakita sa kanya.
"Look at this Prof. What do you think?" Tukoy ko sa isang sketch ko na house. "That's my house. Moma said na isang magaling na Architect ang gumawa diyan pero hindi po ako umuuwi diyan dahil parang may kulang."
Nakita kong natigilan siya sa pinakita kong sketch pero hindi ko na pinansin pa. Yung bahay na kasi iyon ay sinubukan kong i-sketch nung time na wala akong magawa.
"What do you mean?"
"I dunno. It's feel like that's not my home." Pag amin ko
Matagal na ang bahay na iyon pero hindi ko alam bakit ayaw kong umuwi doon. Parang may kulang talaga na hinahanap ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
"How about you, Prof?" Tanong ko
"What about me?"
"May sarili ka din bahay pero matatawag mo bang home iyon?"
She frowned na para bang iniisip kung ano ang ibig kong sabihin. House and home is different for me. For me a house ay isang tirahan kung saan pwede kang tumuloy, pero ang home ay ito ang magiging pahinga mo. And yun ang hindi ko mahanap sa bahay na iyon, ang pahinga.
YOU ARE READING
Her Eyes (Singh series #2)
RomanceAnSingh University (G×G) Zeila Seleste Singh is a Psychologist and CEO. All she wants is to experience everything and become an Architect, but everything changed. When she met Quinn Sapphire Sevilla, she felt strange feelings. She always feels it wh...