CHAPTER 60

342 24 4
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

QUINN'S POV

"Anong klaseng mukha iyan?" Tanong ko sa mga ugok na kakabalik lang galing Italy.

One week silang nandoon tapos babalik sila na parang sabog. Ay, sabog pala talaga sila.

"I can't believe na mangyayari iyon." Umiiling na sabi ni Aza

"I am very disappointed to Ate Sera, Ate." Sabi naman ni Quill na ikinakunot ang noo ko.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" Takang tanong ko

"Zei doesn't deserve all of this." Inis na sabi ni Primo

"Ang swerte na ni Sera tapos nagawa niya pa iyon?" Hindi makapaniwala na sabi ni Alena.

"Tangina niyo, ano bang pinagsasasabi niyo?" Inis na sabi ko dahil kanina pa sila ganyan.

Tumingin naman sila sa akin at bumuntong hininga.

"Nacoma si Zei....." Primo uttered

"Huh?"

"Saktong ikakasal siya ng may mangyari...."

"Tapos?"

"Bagay na hindi inaasahan."

"What happened?" I asked impatiently. "Tangina kanina pa kayo paputol putol, eh. Pwede bang sabihin niyo ng diretso?"

"Zei was hit by a car."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba sila or ano. Pero base sa itsura nila hindi sila nagbibiro.

"Nakita niya si Sera na may kahalikan na iba sa mismong kasal nila." Sumeryoso ang mukha ni Primo habang nakatingin na sa akin ngayon. "Sa sobrang sakit ng nakita niya tumakbo siya.....pero she was hit by a car."

Napatiim bagang ako ng palihim. "Are you joking me?"  I asked pero hindi ko maipagkakaila ang kabang nararamdaman ko.

"How I wish I am, because the moment when her sisters tell us what happened to Zei, we cried so hard, it breaks my heart seeing my cousins and friends on that state of shock and pain." Napabuga siya ng hangin pero bakas din sa mata niya ang sakit.

"Now, we don't know kung saan ni Don Zennon dinala si Zei. Nacoma si Zei dahil parte ng ulo niya ang napuruhan at alam kong may chance na mawalan siya ng ala ala." He added at kita ko sa mata nito ang pag aalala at lungkot.

Habang ako parang biglang dinukot ang puso ko sa huling sinabi niya. Na iimagine ko palang iyon hindi na matanggap ng utak ko.

"Pero sinabi ni Sera na hindi niya hinalikan ang lalaki kung hindi pinilit siyang halikan ng lalaki. Sinubukan niyang habulin si Zei para makapag explain pero mabilis na tumakbo si Zei. At isa lang ang sigurado ako ngayon, hindi na muling babalik si Zei dito sa pilipinas, knowing her parents super protective nila sa mga anak nila isama mo pa si Don Zennon."

"W-where is she?" I asked

"Who? Si Zei?" Tanong ni Primo na tinanguan ko. "I don't know kung saan siya dinala ni Don Zennon, pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Baka sa switzerland siya dinala para sa mabilis na pagpapagaling niya. Ang sakit lang isipin na mangyayari iyon kay Zei."

Her Eyes (Singh series #2)Where stories live. Discover now