Nagising ako bigla ng may marinig akong nagbubukas ng door knob dahilan para mahulog ako sa upuan ko sa gulat.
"Shit." Bulong ko ng makita ang naagnas na katawan ng halimaw na ito sa harap ko dahil nga nasa may bintana pa rin ako.
May tumarak naman sa mata nun kaya napatingin ako sa direksyon ng kung sinong gumawa nun, and it was Yohan. May hawak hawak siyang gladius, naningkit naman ang mata ko dahil doon sabay dahan dahang tumayo.
"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko sa kanya bago niya binunot yun sa mata ng halimaw tska naman yun natumba.
Ngumuso lang siya sa isang drawer kaya naman ay nagtungo ang paningin ko don. I saw different kinds of swords pati na rin mga bala at baril dito. Nagtaka naman ako dahil fire department ang lugar kung saan kami gayon, kaya anong ginagawa ng mga ito dito?
"Bakit sila meron nito, dito?" I asked Yohan, na ngayon ay pinupunasan ang dugong nasa hawak hawak niyang patalim.
"Maybe kasi malapit na ang sword festival ng city na ito, kaya dito inistock yang mga yan." Walang emosyong sabi nito kaya tumango na lang ako sa kanya.
Tumingin din ako sa bintana ng makitang malapit na mag liwanag, sa tingin ko ay madaling araw palang pero konti na lang ay sisilip na ang araw. Napalingon naman ako kay Yohan ng may narinig akong nginunguya siya. Tama nga ako dahil meron siyang kinakain.
"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko ulit sa kanya, binuksan niya naman ang drawer sa may lamesa at binuga nun ang napakaraming biscuit at mga tubig.
"It's a great decision na tumuloy tayo dito, I feel like kahit tumagal tayo ng buwan dito sa loob ay walang problema e." Suhestyon niya ng ituro pa ang mga kahon sa harap niya.
Hindi ko napansin ang mga yun kagabi dahil na rin siguro sa pagod at pag aalala, ng malapitan ko yun ay puno ito ng mga pagkain pati na rin ng mga gamot at mga bagay na magiging malaking tulong sa survival namin.
"Lucky." Buong ni Yohan bago inubos ang laman ng biscuit na kinakain niya.
Narinig ko na rin na nagsisimula ng magalit ang mga dragon ko sa tiyan dahil kahapon pa ako walang kain. Mali rin ata ang desisyon ko na mag fasting kahapon. Kumuha ako ng ilang biscuit don at kumain, sanay naman ako sa unti unting pagkain dahil isa na rin ito sa naging parte ng trabaho ko bilang sundalo.
Ang tanging bago lang sa akin dito ay hindi tao ang kalaban namin.
"Let's stay here for a while, antayin natin dito si Vionna." Sabi ni Yohan at akmang bubuksan ang knob ng pinto.
"What are you doing? Mamatay ka pag lumabas ka sa pintong yan." Paalala ko sa kanya.
"Kaya nga bilisan mo na ang pagkain para ma protektahan mo ako." Sambit niya dahilan para mapataas ang kilay ko sa kanya.
"Why would I do that?"
"Kasi kung plaplanuhin nating antayin ang anak mo dito, we can't function in this small office." Sabi niya at itinuro ang espasyo ng kwartong ito.
Talaga namang maliit ang opisina na ito at mukhabg di rin kami makagalaw ng maayos dito kaya lumapit ako sa kaniya at sumilip muna sa bintana.
"What are you planning to do?" Tanong ko sa kanya.
"Kita mo yang nasa taas?" Turo niya sa ng entrance ng department pati ang rolled up gate sa itaas. "Ibababa natin yan, pra maisara ang buong lugar at magamit ng maayos ito." He said.
Tumango tango naman ako sa plano niya, "Pwede nating unahin ibaba yun bago patayin itong mga halimaw dito sa loob." Ako naman ang nag salita at tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...