CHAPTER 24

18.3K 315 8
                                    

"Sczekinah-"

"Kapag may lumapat sa sa mukha kong sampal, hindi ka na masisinagan ng araw." Seryosong sabi ko kahit na nakapikit pa rin ang mga mata ko.

Inimulat ko ito at dahan dahan na nilibot yun sa paligid, I saw all of them surrounding me at lahat sila ay nakatingin sa akin ng ma pag aalala sa mukha.

"I passed out?" Tanong ko sa kanila bago umupo, hinilot ko ang batok ko dahil doon.

May naramdaman naman akong kirot sa braso ko, pag tingin ko ay naka benta na yun at wala na ang pana na nakatusok dito. Mukhang malalaim ang sugat nun dahil tumatagos parin sa benda ang dugo galing dito.

"Pinag alala mo ako!" Naiiyak na sabi ni Jen sabay yakap sa akin.

"Aw...aw," Daing ko ng matamaan niya ang braso ko.

Agad naman siyang umalis sa pag kakayakap at pinunasan ang luha sa mga mata niya ng marinig ako, hinatak naman siya ni Gel sa tabi nito. Natatawa na lang ako dahil doon, hanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin talaga ako ng babaeng ito.

"Ano ba nangyari? Bakit nawala kayo kanina?" I asked.

Nakita ko ang pag tataka sa mga mmukha nila, "Anong kanina? Punyeta ka, tatlong araw ka ng tulog!" Inis na bulyaw sa akin ni Gel kahit na hindi siya lumalapit.

Nabaling ko ang tingin ko kay papa ng bigla niya akong yakapin, hindi ko maintindihan. Paano naging tatlong araw na akong tulog?

"Teka!" I fumed, "Anong tatlong araw? Dahil lang dito sa sugat ko tatlong araw akong walang malay?" Hindi makapaniwala na sambit ko.

Impossible, may mga mas malala pa akong natamo sa field namin pero hindi ako inabot ng isang oras na hindi gising. Napaka liit lang ng sugat na ito kaysa sa lahat na natamo ng katawan ko.

"Hindi ko rin alam, pero sa mga araw na wala kang malay ay napaka taas ng lagnat mo." Si Yohan ang nagsalita. "Pinainom ka na namin ng mga gamot, nilagyan na rin kita ng swero pero wala ka paring react." He continued.

Yohan studied medicine, kaya may alam ito sa panggagamot pero hindi pa rin ako kumbinsido.

Tiningnan ko ang sugat sa braso ko, tska ko naman naalala na merong pumana sa akin nung araw na iyon.

"Yung pumana? Nakita niyo ba kung sino ang may gawa nun?" Tanong ko sa kanila pero umiling sila.

"Wala kaming nakita na kung sino sa paligid, inikot namin yun pero walang tao, dahil na rin siguro kalahating oras na ang lumipad ng dumating kami simula ng mawalan ka ng malay." Maya explained.

Isang napakalaking buntong hininga na lang ang napakawalan ko, tska mariin na ipinikit ang mga mata ko. Hinilot ko rin ang ulo ko dahil hindi nag process lahat ng mga sinabi nila sa akin ngayon. May tiwala ako sa katawan ko, kaya naman sigurado akong may iba pang nangyari maliban sa pag tama sa akin ng pana.

"Saan ba kayo galing nung araw na yun? Bakit ba nawala kayo?" Iritableng ko sa kanila at muling minulat mga mata ko.

"May sumabog kasi sa hindi kalayuan, sinilip nnamin kung ano yun pero isang sasakyan lang ang nakita namin." Paninimula ni Papa, "We tried to search for the survivor kung meron man, pero pag tingin namin sa loob ay walang tao." Seryosong sabi ni papa.

Mas lalong dumami ang mga tanong utak ko dahil sa sinabi niya. Sumasakit na naman tuloy ito dahil dito pero hindi ko sinabi yun. Ayaw ko na silang mag aalala tska ulo lang naman ito hindi naman ako mamatay dito.

"Kumalma na kayo. Buhay pa ako oh." Pagtawa ko sa kanila tska tuluyang bumangon.

Nahilo pa ako bigla dahil doon pero pinilit ko ang sarili ko na hindi iyon ipahalata sa kanila. Sumilip ako sa may labas ng sasakyan, at mukhang hindi pa rin kami umaalis dito sa pwesto namin.

"Labas muna ako." Paalam ko sa kanila.

Wala namang kumontra sa akin pero nakita kong sumunod si Yohan sa akin, hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo kung nasaan ang ilog.

"Maliligo ka?" Tanong niya sa akin.

"Hindi." Tanging sagot ko lang tska ko nilublob ang mga paa ko sa tubig.

Wala akong balak maligo pero may pinakikiramdaman ako sa tubig, parang may mali rito hindi ko lang matukoy kung ano. Umahon din agad ako doon at tska naglakad papunta sa direksyon kung saan nanggaling yung panang sumugat sa akin.

"Dito yun banda e." Bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad.

Nagsimula kaming maglakad, at inakyat ang katabing bangin na tumututok sa ilog.

"Mukhang dito nakapwesto ang pumana sayo." Sambit ni Yohan pag tungtong namin sa malapit na bangin, "Kitang kita ang pwesto mo sa may baba, kung andoon ka sa parteng yun." Pagtuturo niya sa posisyon kung saan ako nakababad nung araw na yun. "Tamang tama ang distansya niya para matamaan ka." Pag tutuloy niya habang nag titingin tingin sa paligid.

Hindi naman ako kumontra sa kanya dahil ayun din ang nakikita ko, tamang tama ang lugar na ito para tamaan ako ng pana niya.

Sandali kong ibinaba ang katawan ko at hinaplos ang lupa sa parteng ito, maiige kung sinuri ang paligid. Mukhang hindi naman umulan nung mga araw na tulog ako dahil hindi nag bago ang porma ng lupa dito.

Sinundan ko ang bawat hakbang na dinaanan namin ng mapansin kong may ibang hakbang na lumihis doon, pinihit ko ang ulo ko ng makita kong may kakaibang hakbang doon. Hindi na ako nag salita at sinundan na lang din yun, mukhang nakuha rin naman ni Yohan kung ano ang ginagawa ko kaya hindi rin siya nag salita.

"Shh!" Mahinang bulong ko sa kanya ng may marinig kaming nag tatawanan.

Pareho kaming napatingin sa isa't isa ng marealize na merong ibang tao, hindi kalayuan sa kung saan kami namamalagi. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko, dahan dahan pa kaming nag lakad papunta doon.

Halos huminto naman ang paghinga ko, dahil sa loob ng apat na taon ay may naririnig akong ibang tao. Ingat na ingat ako sa bawat hakbang ko ng tuluyan naming makita ang mga tao sa harap namin.

Malayo kami sa posisyon nila kaya naman hindi namin sila makita ng maayos, masaya silang nag tatawanan at lahat sila ay nakasuot ng puti na walang bahid ng kahit anong dumi.

Binalik ko ang tingin ko kay Yohan na halatang nahihiwagaan din sa nakikita niya, ibang iba ang itsura namin kaysa sa kanila. Puro lalaki ang mga andoon, at parang nag c-camping lang sila, may mga hawak pa silang bear sa kamay.

Naningkit ang mga ko dahil doon at mas lalong nadagdagan ang tanong sa utak ko, hindi kami lumapit sa kanila dahil hindi naman kami sigurado kung anong uri ng mga tao ang mga ito. Sa mundong walang batas, hindi kami pwedeng mag tiwala sa kung sino.

"Wait, naiihi ako." Sabi ng isang lalaki tska nagsimulang mag lakad sa direksyon namin.

Bigla naman akong napaatras na sana a hindi ko na ginawa dahil bangin na pala ang siyang nasa likod ko. Nawalan ako ng balanse dahil doon, walang lumabas na kahit anong ingay sa bibig ko pero ng makita ako ni Yohan ay agad sana niyang aabutin ang kama ko pero hindi niya na gawa.

Pareho kaming nahulog at nag pagulong gulong sa bangin, hindi na maproseso ng utak ko ang mga nangyayari pero kita kong pilit akong inabot ni Yohan at binalot ako sa katawan niya kahit na gumugulong na kami pababa.

"Fuck." Mariin na sabi ni Yohan ng biglang tumama ang likod niya sa puno dahil inikot niya pa ng isang beses ang sarili niya para hindi ako ang matamaan non.

"Yohan!" Nag aalalang tawag ko sa kanya kahit nahihilo pa ako, umakyat ang kaba sa dibdib ko ng mapabuga siya ng dugo dahil sa lakas ng impact niya sa puno.

Dammit! Bakit ba sunod sunod kaming napapahamak ngayon?! Sino ba kasi yung mga lalaking yun, bakit mukhang hindi sila nahihirapan?!

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon