Calista's POV
"Pwede bang tumigil na kayo?!" Malakas na sigaw ko ng makitang nawalan ng malay si Sczekinah.
Napatigil sila sa ginagawa nila at gulat na napatingin sa direksyon ko, mabilis na nakarating sa posisyon ko si Akiah.
"Anong nangyari?!" Nag aalang tanong niya sa akin.
"Sinabi na kasing tumigil e! Feeling though kayo?!" Inis na bulyaw.
Binuhat naman niya si Sczekinah at inayos doon sa taas kung saan kami nag palipas ng gabi. Bigla akong nabalisa dahil doon, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napasabunot ako sa ulo ko at kinagat ang daliri ko, I'm frustrated. Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanila, but If hindi ko sasabihin manganganib naman ang buhay nitong kaibigan ko.
"What happen?" Si General ang siyang nag tanong sa akin ngayon.
Kinakabahan ako, lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali at kung saan saan nililibot ang tingin ko para makapag hanap ng maisasagot sa kanila.
"Uhm-"
"Yung braso ni mama." Nagulat ako sa sinabi ni Ionna, napalingon naman ako ng makitang natanggal ang benda nito at sumilip ang napakalaki at malalim na sugat nito.
"What the-" Hindi makapaniwalang sabi ni Akiah habang nakatingin doon.
Napatakip naman sa bunganga ang iba naming kasamahan, gulat ang pomorma sa mukha nila ng makita ang estado ng braso ni Szcekinah.
"May alam ka dito?!" Seryosong tanong sa akin ni Akiah.
"K-kagabi lang-"
"Bakit hindi mo sinabi?!" Nakakatakot na sigaw ni Akiah sa akin dahilan para mapa pintig ako.
Nanginig ang kalamnan ko dahil doon. Minsan ko lang makitang magalit si Akiah pero kapag nagalit siya ay parang katapusan na ng mundo. Kahit nung mag ka grupo pa kami sa campo ay talagang siya ang pinaka nakakatakot. Halos manghina ang mga tuhod ko dahil sa sigaw na yun.
"Wag mo namang sigawan si Calista." Pagtatanggol sa akin ni Ash.
Napahilamos sa mukha niya si Akiah, hindi naman makalapit si Yohan sa posisyon ni Sczekinah. Hindi ko alam kung natatakot ba siya o nandidiri sa kalagayan nito.
"M-mama is.." Ionna shuttered, dahan dahan niyang inangat ang benda sa braso ng kanyang ina, "Mama is infected." Napalunok pa siya ng sabihin niya ang mga salitang yun.
I bit my lower lips as I tried to calm myself at pigilan ang pag iyak.
"B-but...ilang linggo na since that happen, hindi pa naman siya tuluyang nainfect." Nanginginig na pag dadahilan ko.
Gulat ang namuo sa mga mukha ng kasamahan namin, maski si General ay hindi makapaniwala sa nakita niya.
"How this happened?" Seryosong tanong niya.
"I did this." Malamig na sabi ni Ionna habang nakatingin sa walang malay na ina.
"No! It's not your fault, sinabi na ng mama mo na hindi mo yan kasalanan-"
"Ninang I did this, wag niyo na lokohin ang sarili niyo. Ako ang pumana kay mama that time, ako ang may dahilan kung bakit nangyari ito." Singil niya, ang sakit ng ekspresyon niya sa mukha at halatang pinipigilan ang pag iyak.
Nanginginig na rin ang mga labi ni Ionna dahil doon, agad na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Listen to me, okay?" Sabi ko tska hinarap siya sa akin.
"You mom doesn't blame you for this, hindi ka niya sinisisi kasi hindi mo naman kasalanan." Sabi ko sa kanya at niyakap siya, naramdaman ko ang pag hikbi niya sa loob ng mga braso ko.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil dito, napaluhod naman si Akiah sa harap ni Sczekinah at mahigpit na hinawakan ang kamay nito habang nakayuko.
"Stop sulking." Mariin na sabi ko bago ihiwalay sa akin si Ionna at muli siyang hinarap, "Malakas ang katawan ng mama mo, it's been weeks pero hindi pa rin siya infected. You know why?" I asked her, nakita ko ang pag kislap ng mga mata niya sa likod ng mga nag uunahang luha galing dito.
"That means she had antibodies!" Gulat na sabi nito tska ako tumango. Ang bilis niya nakuha kung ano ang gusto ko sabihin.
Nabigla ako ng humiwalay siya sa akin at tumakbo sa harap ng mama niya, "Tito, excuse me." Sabi niya tska hinawi sa daanan si Akiah.
Nangunot ang noo ko dahil don, I scoff in disbelief ng may kunin siyang parte ng sugat ng mama niya tska nilagay sa bote at pinainitan. Her smile widen habang palipat lipat ang bote sa may araw at lilim.
"Anong ginagawa mo?" Nag tatakang tanong nung Maya, lahat kami ay nakakunot ang kilay na nakatingin sa inaanak ko.
"Now, I understand!" Biglang sabi niya, "The virus is inactive in sun rays at aktibo naman sa lamig, naaapektuhan ng temperatura ang virus na ito. The more hotter the place is the more it disappears, at kapag lumalamig ang temperatura ay doon bumabalik iyun." She explained.
Inangat niya ang bote at tska pinakita sa amin yun, una niya itong nilagay sa lugar kung saan nasisinagan ng araw ang parte ng sugat ni Sczekinah.
"Look at this, you can observe na maliit ang parte ng flesh ng arms ni mama kapag nandito sa may araw." Pagpapakita niya, "But if I put it here." She claimed kasabay ng pag tago nito sa lilim, "It started to tremble. And, that is the virus."
Lahat naman kami ay namangha sa kung paano ipinaliwanag ni Ionna ang tungkol doon, kaya pala nawawala ang mga halimaw sa umaga dahil takot ito sa liwanag o sabihin na natin na hindi kayang i stand ng virus ang init.
"Tito, can you bring mama sa mainit na part? Like nasisinagan talaga ng araw...hmmm" Pag hingi niya ng pabor kasabay ng pag lingon sa paligid. "Doon, tito!" Turo siya may dulong parte ng kinaroroonan namin.
Napakalakas ng sinag ng araw doon, dahil wala masyadong puno sa parte na yun na tatabon sa araw. Agad naman na tumango si Akiah ay dahan dahang binuhat si Sczekinah papunta sa lugar na tinuro ni Ionna.
"Ninang, why does her arms looked like that?" Tanong niya sa akin ng makarating kami sa sinag ng araw.
Napalunok ako dahil doon, "She...makes her knife cut his flesh, para maiwasan ang init tapos yung kating nararamdaman nita tuwing gabi." Pag amin ko.
Ang sama ng tingin ni Akiah, pero hindi sa akin. Kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya dahil sa sinabi ko, he was always with her since nagkita sila pero wala siyang kahit anong alam sa nangyayari kay Sczekinah.
"Mama will be fine as long as she's in heat." Seryosong sabi ni Ionna, napatingin naman ako sa kanya na nakangiti sa direction ng mama niya.
Natamaan ng sinag ng araw ang kulay lila niyang mga mata, her long lashes sparks with it, and the bridge of her nose stands out. Hinahangin din ang puti niyang buhok na minana niya sa nanay niya but overall... she really looks like her dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/367431048-288-k354335.jpg)
BINABASA MO ANG
That Shot
Ciencia FicciónSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...