"Fuck, don't scare me like that." Mariin na sabi sa akin ni Akiah.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit pagkamulat na pagkamulat ng mata ko.
"Shh, I'm fine." Sabi ko sa kanya habang tinatapik ang likod niya, ayaw niya kasing bumitaw sa akin.
Nagising ako a while ago, at kita ko ang pag aalala sa akin ng lahat ng andito. Cali told me that I passed out, naalala ko naman yun. Sino ba makakalimot sa sobrang sakit nun?!
"Tanga amputa, kung sinabi mo agad sa amin ang tungkol diyan edi hindi ka nahirapan mag isa." Giit ni Gel habang naka tingin sa akin ng diretso.
"You should have told us, hindi ka naman namin lalayuan or whatever e." Si Jen naman ang nag salita ngayon, Maya didn't say anything pero nakita kong naiyak siya habang nakatingin sa akin, I smiled at her.
"Bobo ka talaga." Sabi sa akin ni papa, "Akala mo kaya mo ang lahat, I told you before you can always ask for help kapag mabigat na diba?!" Panenermon niya sa akin, napakagat ako ng labi ko dahil doon.
"Ito ata ang pinakamasarap na mga insultong natanggap ko." Nakangiting sabi ko, dahan dahan na humiwalay naman sa akin si Akiah.
"Hindi ako mag s-sorry." Seryosong sabi nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"You're the reason why I passed out." I fumed at him.
"And that is the reason kung bakit namin nalaman na nahihirapan ka na!" Giit niya.
Para naman akong pusang natiklop dahil sa sinabi niya, walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.
"Girl, simula dati pa we already told you na andito lang kami para sayo diba?" Pag lapit sa akin ni Cali at haplos sa pisngi ko.
"Kala mo others e, naging mag kakaibigan pa tayo kung ganyan ka." Nakangusong sambit ni Ash.
"I told you before, mas madaling lumaban sa mundong ito kapag may kasangga ka." Si Yohan ang nag salita, malayo siya sa akin pero mariin na nakatitig siya sa akin.
"I'm...I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko, agad ko namang pinunasan yun pero hinawakan ni Akiah ang mga kamay ko.
"It's okay to cry, you don't need to wipe those tears immediately. You're still the strongest kahit umiyak ka." He said.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, dahil sa mga salitang binitawan nila ay mas lalong umagos ang luha sa mga mata ko.
I always act though, lagi kong sinasabing kaya ko kahit hindi na. I always push myself to be okay, kahit hindi. Kailangan kong ipakitang malakas ako, kahit gusto ko na lang umiyak. Nakasanayan ko na itago ang mga luha ko, kung isa ito sa mga degree na kinuha ko I major this thing.
"I'm sorry." Naangat ko ang ulo ko ng marinig kong nag salita ang anak ko, unti unti siyang lumapit sa akin as I stretched my one arm to her. "I'm sorry for doing this to you." Naiiyak na sabi niya.
Agresibo naman akong umiling dahil doon, "No, it's not your fault-"
"Wag moko utuin mama, kasalanan ko to." Matalas na sabi niya. Nagulat na lang ako dahil sa sinabi niya. "It's my fault and I should take responsibility for this." Dagdag niya pa.
"What? No need-"
"I'll find the cure not just for you, but for this world." She cut me off with that dead serious look in her eyes.
"Oh." Ayan na lang ang lumabas sa bibig ko tska mahigpit akong niyakap, napangiti na lang ako dahil doon as I gently tap her back.
————————————-
"Use this." Sabi ko tska binigay kay Ash ang baril.
He was the one who decided na bumaba sa manhole dahil nga ayaw pa rin mag paawat nitong dalawa. We gave him some flash lights pati na rin ng baril at kutsilyo for back up.
Hinalikan pa muna siya ni Cali bago tuluyang bumaba, wala naman siyang naging reklamo dahil ilang beses na rin namin itong nagawa sa mga mission namin back then.
Seryoso lang kaming nakatingin habang bumababa si Ash doon, he used the flash light kaya kahit papaano ay nakikita namin ang nasa loob nun. Medyo malalim yun dahil paliit na ng paliit ang ilaw ay hindi parin nakakarating sa pinaka ilalim si Ash.
Lahat kami ay kabado, at nag aantay sa kung anong balita ni Ash. Hindi mapakali si Cali habang hinihintay ang boyfriend niya.
It's been more than an hour since bumaba si Ash pero wala pa rin kaming naririnig na kahit ano sa ilalim, kinabahan na kami dahil doon.
"Susundan ko na siya." Sabi ni Akiah tska inihanda ang sarili.
Pipigilan ko pa sana siya ng may marinig kaming kung ano galing sa manhole, lahat kami ay napa lapit doon. Malakas ang tension sa paligid habang nakatingin at sinisipat ang presensya ni Ash.
"Putangina!" Mura ni Gel ng may kung anong lumabas doon.
Dahan dahang kinuha ni Yohan ang isang...cellphone?
"Full charge pa ito oh." Sabi niya at binuksan ang lock screen.
Nagtatakang tumingin kami sa cellpone na hawak ni Ash, may password iyun pero kita na full charge pa talaga ito.
"What? Paano magiging full charge yan e matagal ng walang kuryente?" Tanong ni Maya.
"Wait, mamaya niyo na alalahanin yan wala pa si Ash-"
"Wa! Guess what I found out!- aray!" Malakas na sigaw ni Ash.
Nagulat ako ng biglang masipa ni Cali ang ulo ni, "Hala! I'm sorry! Bakit ka kasi sumusulpot?!" Nag aalalang tanong ni Cali at tinulungan si Ash na makaalis sa manhole.
"Bakit ang tagal mo?! Anong nakita mo doon?" Agad na tanong ni Cali ng maka ahon ito.
"Wala bang congrats kiss diyan? Di mo pa ako na miss- aray ko naman!" Sabi pa nito ng batukan naman siya ni Cali.
"Mamaya ka na mag biro! What did you find out? Creek lang ba ang nasa baba?" Tanong niya uli.
"No..." Biglang naging seryoso ang mukha niya, "It was an open space, it was really a tunnel. Something could be seen at the end of that tunnel." Sabi pa niyo.
"Kagaya ng?" Tanong ni papa.
May nilabas na papel si Ash tska yun binuksan sa harapan namin, gumuhit sa mukha naming lahat ang mas malaking tanong na kaya naming itanong sa loob ng apat na taon na pag kakulong sa magulong mundong ito na napapalibutan ng mga halimaw.
"I found this." Seryoso at malamig na sambit niya.
"It's a map," I said.
BINABASA MO ANG
That Shot
Khoa học viễn tưởngSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...