Hindi ako na natulog, at hindi ko binalak matulog itong gabing ito.
Hindi ko rin nakita ang anak ko dahil ayokong makita nila na ganito ako masaktan, ang dami kong iniisip at dumagdag pa yung taong humalik sa akin. Piste siya.
Akiah stayed by my side, 'cause' I don't want him to leave. Hindi ako bumitaw sa kanya, at alam kong nahihiwagaan din siya dahil doon. Para akong batang ayaw bumitaw sa kanya, at mawala siya sa mga mata ko.
"Maliban sa nangyari, ano pa?" Mahinhin na tanong niya sa akin habang malambot na hinahawakan ang kamay ko.
Napa kagat ako ng labi, hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Familiar ang boses ng lalaking yun sa akin, sobrang familiar niya at nang galaw niya sa mga labi ko hindi ko lang talaga matandaan kung sino siya.
"Aki." Malambot na tawag sa akin ni Akiah.
Tumingin ako sa mga mata niya as I saw his brows furrowed, dahan dahan niyang dinampi ang hinlalaki niya sa pisngi ko ng maramdaman kong may tubig na tumatakas doon.
"How can I help you if you don't want to tell me our problem?" Malambing na usal niya habang mahinahon na hinihimas ang pisngi ko.
Mahaba ang sinabi niya pero isa ang tumatak sa utak ko "Our problem." Imbis na huminto ang pag iyak ko, ay mas lalong bumilis ang pag agos nito.
Bakit ngayon ko lang na realize na Akiah was always like this towards me? Ang tagal...ang tagal kong na realize.
He was the only person who can see me vulnerable like this. Umiiyak ako sa harap nila Cali, pero siyang ang tanging tao na hinahagulgulan ko ng ganito kahit dati pa...
"Akiah..." Mahinang tawag ko sa kanya.
"Hmm?" He just hummed.
"M-may..." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil doon. He lift my chin up para mag tama ang mata namin.
"Tell me, Aki." Malambing na pangungumbinsi niya sa akin.
Hindi ko siya magawang tingnan siya sa mga mata dahil sa gusto kong sabihin, kaya binaling ko sa kung saan ang mata ko.
"M-may...humalik sa akin." Nauutal na sabi ko.
Wala akong naramdaman o narinig na reaksyon mula sa kanya, dahilan para ibalik ko ang tingin sa mga mata niya. I saw his puzzled eyes staring at me.
"What?" Naguguluhang tanong nito.
"Earlier, down the alley... I- I thought it was you-"
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, napasubsob ako sa dibdib niya dahil doon. I was shocked by his reaction, I thought magagalit siya or whatsoever. Muli na naman tuloy akong naiyak dahil doon.
"A-akala ko ikaw yun...Sorry, akala ko Akiah ikaw yun." Umiiyak na sabi ko.
"Shh," Pag papatahanan niya sa akin.
Bakit hindi siya nagagalit? Bakit hindi niya ako tinatanong? Bakit? Bakit ang understanding niya? Bakit ganito siya?
"M-may ginawa pa ba siyang iba sayo?" Nauutal na sabi niya habang nakayakap sa akin.
Dahan dahan akong tumango, lumayo naman siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nangunnot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Kahit na kinakabahan, ay dahan dahan kong pinadaan ang kamay ko sa may leeg.
Kita ko ang pandidilim ng mga mata niya ng makita niya yun. I know that man leaves a mark on me, naramdaman ko yun at sigurado ako.
"Hindi ko alam kung sino yun, akala ikaw siya pero you're not. Naguguluhan ako, sinabi niya sa akin na sa kanya daw ako. Sinabi niya na kukunin niya ako pabalik sa kanya, hindi ko alam-"
Pag yakap ang ginawa niya sa akin, natataranta akong mag paliwanag sa kanya. Nanginginig ang mga labi ko habang nagsasalita, ramdam ko pa rin ang paghahanap ng mga tuhod ko dahil doon.
"Shh, no one can take you away from me." Malamig at seryosong sabi nito habang nakayakap sa akin.
Ramdam ko ang mahinang pag tapik niya sa likod ko. That thing always get me, everytime he does that I feel so comfortable and safe.
"Let's go back to your daughter." Sabi niya makalipas ang ilang sandali na pag yakap at pag papatahan sa akin. Tumango naman ako doon tska niya ako tinulungan tumayo.
Pumunta kami sa isa namang building na tatlong palapag lang ang laki. I hate the idea for this pero pagod na ako, gusto ko na magpahinga. Mas maganda namang magalit ako sa kanila habang nakahiga sa malaki at malambot na kama, kaysa matulog sa kalsada.
Binigyan ng isang staff si Akiah ng isang key card, naka lagay doon ay presidential suite. I scoff in annoyance because of that, they really treat people with power so well.
Pagka pasok namin sa kwarto ay wala akong nadatnan doon, tanging ang malaki at madilim na kwarto lang. Iniligay naman ni Akiah ang key card sa isang slide, dahilan para mag bukas ang ilaw sa paligid. This room is really a presidential suite.
Napakalaki ng kwarto, isang malaking kama rin ang nasa gitna. It was mixed of modern white and beige aesthetic. May malaking sofa rin sa ginta nun, isang malaking binata rin ang nakaharap sa view ng lugar. I think it's a two way window, dahil hindi naman namin kita ang kwartong ito mula sa labas pero kita namin ang nasa labas.
"Asan sila Ionna?" Tanong ko kay Akiah na nakatayo lang sa may pinto at nakasandal.
"Diyan sa kanilang room." Turo niya sa katabing pintuan ng kwarto nato.
Tumango naman ako doon, mukhang kasama niya sina Cali.
"Wash yourself, may mga damit rin daw sa loob ng cabinet sabi ng staff. Freshen up your thoughts and body." Matamis na ngiti niya sa akin.
"Ikaw? Where are you sleeping tonight?" I asked.
He just shrug his shoulder bago tumalikod sa akin. "May titingnan lang ako sa labas, I'll be right back." Sabi niya, kinaway niya pa ang kamay niya sa akin habang nakalikod bago tuluyang umalis at sinara ang pinto.
Pag kasara niya ng pinto, ako na lang ang naiwan dito sa loob ng malamig na kwarto. Ibinagsak ko ang mga balikat ko bago tumingin sa malaking bintana sa harapan. I looked at those people with hatred in my eyes. Sigurado akong kaya sila nandito kasi may mga tinapakan silang tao.
Umalis na ako sa harap ng binata tska pumasok sa isang pintuan na mukhang papunta sa banyo. As I opened the door I scoffs, this place is so good that I hate it.
Napaka linis ng banyo, kulay punting marmol ang bumabalot dito. Magkahiwalay ang shower area, pati na rin ang bathtub. May sariling sink and the bowl was automatic, humarap lang ako doon ay bigla itong bumukas.
It would be nice if everyone could have a chance to experience this.

BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...