SPECIAL CHAPTER

35.7K 633 157
                                    

Akiah's POV

"Akiah!" Malakas na sigaw ni Aki.

Pasakay pa lang sana ako ng kotse para bumili ng pinapabili niyang mangga, ng marinig ko siyang sumigaw.

"Shit." Bulong ko sa sarili ko, tska mabilis na umakyat sa bahay.

Bigla akong kinabahan sa lakas ng boses ni Aki, halos madapa na nga ako sa pag takbo kasi nasa third floor siya ngayon. Tatlong hakbang ang tinatalon ko sa hagdan para mabilis na maakyat sa kung nasaan siya.

"What? What happened?!" Natarantang sabi ko ng maakyat ako sa kwarto namin.

Nawala naman ang kaba sa dibdib ko ng makita ko siyang naupo lang sa kama habang kumakain ng chocolate sa mga kamay niya. Madungis pa nga ang mukha nito dahil nagkalat na ito sa mukha, napakapit na lang ako sa frame door para habulin ang hininga.

"W-why did you call me? I thought something bad happened to you." Nauutal na sabi ko.

Nginitian niya naman ako tska pinatabi sa gilid niya. Wala naman akong nagawa at tumabi sa kanya, tinakasan naman ng ngiti ang mga labi ko ng kumapit siya sa mga braso ko.

"I don't want mangoes na." Nakangusong sabi nito, habang nakapulupot ang mga kamay sa braso ko at nakasandal ang ulo sa akin.

I bit my inner cheeks to prevent myself from smiling, as I felt like my face was heating up right now. Kahit anong gawin at ikilos niya ay hindi siya nabibigo na pakiligin ang sistema ko. Hinimas ko ang ulo niyang naka sandal sa braso ko.

"What do you want then?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Iningat niya ang mga mata sa akin, at para naman akong pinana na naman ni kupido ng sumalubong sa mga mata ko ang mapupungay niyang mga mata na nakangiti sa akin.

"We want you to stay here." Maamong sabi nito tska niyakap ako sa tagiliran.

Mahinang pag tawa naman ang nailabas ko dito. Aki became 10 times cuter now that she is pregnant with our princess. She was now 26 weeks pregnant, that's why she was acting more clingy than before.

Minsan ay hindi ko na nga lang maintindihan ang moods niya, wala naman kaso sa akin yun dahil nag eenjoy rin ang sakyan ang mga trip niya. One time ay bigla itong umiyak sa harap ko dahil dahil daw sobrang gwapo ko tska naiinis siya sa akin kaya pinalabas niya ako ng kwarto.

Ginawa ko naman yun, pero natawa na lang ako ng sabihin niya na lumabas daw ako sa kwarto pero dapat hawak ko pa rin ang kamay niya. Nung una ay hindi ko maintindihan kung anong tinutukoy niya pero nagawan ko naman yung ng paraan.

Umupo ako sa labas ng pintuan, habang siya naman ay nasa loob nakaupo rin sa lapag habang mag kahawak ang kamay namin. Natatawa na lang ako sa binabatong ugali ni Aki sa akin ngayon, napaka layo niya kung paano siya mag trabaho sa kampo.

Hindi ko rin talaga inakala na may ganito pala talaga siyang side, and I love that so much. Merong isa pang beses na nagbabakasyon kami sa Bali, Indonesia ng bigla siyang nag hanap ng strawberry. Okay lang naman sa akin na mag papabili siya, pero tumaas ang kilay ko na ang sabi niya ay gusto niya galing daw yun sa Baguio.

Napakamot na lang ako sa ulo ko nung mga araw na yun, kung tama ang pag kakaalala ko ay yun ang mga panahon na hindi pa namin alam na buntis siya. We've been married now for 2 years, and those years are the best years that I had.

Wala na ata akong mahihiling pa, na sa akin na ang babaeng pinakamamahal ko. Tinaga kopa nga dati sa bato nung nalaman ko na naging sila ni Alexus, na tatanda na lang ako ng mag isa. Dahil alam ko kung gaano ko kamahal si Aki, at walang makakapantay sa kanya.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon