"Sczekinah! Saan ka ba nanggaling-" Bungad ni Yohan pagdating ko.
Napahinto naman siya ng makita ang mga kasama ko kasabay ng pag baba ng tingin niya sa kamay ko na nakahawak pa rin kay Akiah. Dahan dahan ko namang tinanggal yun at ngumiti sa kanya.
"Tangina si Szcekinah na ba yan, masasabunutan ko yang babaeng yan-" Malakas na bulyaw ni Gel, pero napataas ang kilay ng makita ako.
"Oh my God...ikaw si Allure right? Yohan Allure?" Maarteng sabi ni Calista na lalapit sana kay Yohan, pero hinatak naman siya pabalik ni Ash sa tabi nito.
"Sino ang andyan?" Si Papa naman ang nag tanong at kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Lolo!" Malakas na sigaw ni Ionna ng makita si Papa.
Hindi pa nakagalaw si Papa ng makita ang anak ko, bigla namang tumakbo sa kanya si Ionna. Pagkalapit naman nito ay kinarga siya ni papa kasabay ng mahigpit na yakap dito. Naiyak na lang ako sa nakita ko, the way papa embrace Ionna really melt my heart.
Kung namimiss ko si Ionna, alam kong mas na miss ni Papa ang apo niya knowing na sa kanya ito lumaki. Ang saya ng puso ko.
"General." Sambit ni Akiah dahilan para mapalingon ako, nagulat ako ng lahat sila ay maayos na nakatindig at naka salute sa direction ni papa.
Sinenyasan sila ni papa na kumalma gamit ang kamay nito, hindi pa rin niya kasi binibitawan si Ionna. Hinayaan ko na muna sila ng excited pumasok sa loob ng truck. Mukhang maraming kwento si papa sa anak ko.
Naiwan kaming lahat dito sa labas, diretsong nakatingin lang sila Maya, Gel, Jen, and Yohan kanila Akiah, Ash, at Calista. Pakiramdam ko ay may bumabalot na tension sa pagitan ng dalawang grupo na ito.
Nakita kong masama ang tingin ni Yohan kay Akiah, at ganoon rin naman ito sa kanya. Maya and Jen are now talking with Calista, habang si Ash at Gel naman ay tahimik lang sa gilid ng mga girlfriend nila.
Sumapit na ang gabi kaya naman ay pumasok na kaming lahat sa truck, buti na lang talaga ay malaki itong sasakyan na ito dahil kahit na dagdagan kami ay kasyang kasya parin kami dito.
Nagkwekwentuhan ang lahat at kita ko namang mag kasundo sila and it makes me happy, pero ng tumingin ako kay Yohan at Akiah ay parang isang maling galaw na lang ng isa sa kanila ay may malalagutan ng hininga.
Nakakain na rin kami, marami ang nakuhang bagong supply nila Papa kaya naman ay kahit papaano ay laman ang sikmura namin ngayong gabi.
Ramdam ko ang pag lamig ng paligid dahil gabi na pero ang pakiramdam na ayaw ko na sana maramdaman ay bumalik sa katawan ko. Ang init na dumalaw sa akin kagabi ay bumalik na naman. Dahan dahan kong pinaagos sa palad ko ang katawan ko, para na naman akong sinasakal sa init.
Habang nag sasaya sila at nag uusap ay pasimple akong lumabas at umakyat sa bubong ng sasakyan. Agresibong kong hinaplos ang katawan ko dahil sa init, napalunok na naman ako ng may kung anong kumakati na naman sa sugat ko.
Mariin akong napatingin doon at halos tanggalin ko na ang braso ko dahil sa kakaibang init at kating nararamdaman nito. Mahigpit akong napahawak sa kutsilyo na sa leeg ko, binalik balik ang tingin sa braso ko.
"Uh...fuck.." Mahinang ungol ko ng itarak na naman yun sa braso ko.
Mukhang mas malalim ang magiging sugat noon dahil mas binaon ko iyun. "Uh..." I groaned because of the pain, masakit pero nawawala nito ang init at kati sa akin.
"What are you doing here?" I heard Akiah's voice.
Bigla akong kinabahan na baka makita niya kung anong ginawa ko, agad na tinanggal ko ang kutsilyo sa braso ko at tinago yun sa may damit ko. Dali dali ko ring binalot ulit ang braso ko ng tela para hindi niya makita, ang daming dugo sa paligid pero sana ay hindi niya iyon makita dahil madilim rin naman dito. Dammit, ang sakit!
"Kinah." Tawag niya ulit sa akin.
"Hmm?" I hummed, at dali daling tinapos ang pag kakabenda sa sugat ko.
Naramdaman kong nakaakyat na siya ng tuluyan sa kung nasaan ako, tumabi rin siya sa inuupuan ko at ramdamn ko ang paghinga niya sa balikat ko.
"I asked, what are you doing here?" Seryosong tanong niya.
Nahirapan pa akong mag salita dahil sa sakit ng braso ko lalo na minadali ko ang pag benda dito. I'm about to turn into his way ng mamali ang galaw ko sa braso, "Fuck." I softly cursed.
"Minumura mo ba ako?" Tanong niya sa akin.
"What? No!" Agad na pag bawi ko, akala ko sa utak ko lang yun. Lumabas pala sa bibig ko yung mura ko.
"Everyone was inside, anong ginagawa mo dito?" Mahinahong tanong niya.
Naramdaman ko na kinuha niya ang kamay ko kasabay ng malumanay na pag haplos niya dito. Buti lang ang kamay ko na walang sugat yun, dahil kung itong braso kong may sugat ang hinawakan niya baka tumalsik na ang kaluluwa ko sa sakit.
"W-wala, nag papahangin lang." I lied.
"Oh..." Mahinang sambit niya, habang hinahaplos pa rin ang kamay ko.
His touched makes me relax, para niya rin kasing hinihilot yun. Nakakabaliw ang sakit ng braso ko ngayon pero kinakaya ko naman, lalo na at nakakalma ang pag hawak ni Akiah sa kamay ko, kumakalma din ang buong sistema ko.
"Thank you for taking care of Ionna." I spoke.
Narinig ko naman siyang tumawa, "Welcome." Sagot niya.
"Why did you laugh?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, may mali ba sa sinabi ko?
"It's just...this is the first time I heard you saying thank you sa loob ng ilang taon nating pagsasama." Makabuluhang sabi niya.
"What? Nag t-thank you naman ako ah!" Iritableng sabi ko sa kanya.
"Shh!" Nagulat ako ng takpan niya ang bibig ko, "Lower your voice, those monsters will hear you." Mahinang sabi niya.
Tumango naman, I realize na tumaas pala ang boses ko. Pero, nag t-thank you namana ako ah? Grabe naman!
"No, Sczekinah. Hindi ka nag t-thank you." Natatawang sagot nito sa bulyaw ko sa kanya.
Magsasalita na sana ako, "I thought I'd never see you again." He mumbled.
Hindi ako nag salita pagkatapos niya, naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa mga kamay ko as he insert his fingers into mine para sumakto ang pag hawak niya sa mga kamay ko.
"I'm about to lose myself." Mahinang bulong niya, hindi na ako nagulat ng hatakin niya ang bewang ko at tska binaon ang mukha niya sa leeg ko kasabay ng pag yakap niya sa akin.
Madilim man, pero maliwanag sa akin kung ano ang ginawa niya. I know Akiah, I know how much he love me since then at alam ko rin kung paano siya nasaktan nung malaman niyang naging kami ni Alexus.
Him and Lexus are bestfriend back in the academy, both of them fight over me. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya when I chose Alexus, he was genuinely happy for us at nag prisinta pang maging ninong ni Ionna. But, when Alexus disappeared siya ang nag stay sa akin when I'm about to go insane.
I trust Akiah so much, as If Alexus knew what will about to happen to him bago siya umalis para sumabak sa mission na naging dahilan kung bakit siya nawala.
"If I can't go back, let Akiah take my place to care for you and our daughter." That is what he said before leaving me that night.

BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...