CHAPTER 9

26.4K 498 14
                                    

"I'm sorry-"

"I can't say na okay lang kasi hindi naman, pero ya no worries" Sagot ko sa kanya, habang may hinahanap dito sa loob ng firetruck.

Medyo natagalan siya sa pag tahimik ng sabihin kong wala na si Alexus, I can see the guilt from his face na kagabi niya pa inoopen ang topic na yun pero lagi kong nililihis ang usapan.

Kahit tatlong taon na, masakit pa rin sa akin na wala na si Alexus. I can't see myself moving on, at ayukong mag move on sa pinag samahan namin. Wala na akong pake kung tumanda akong mag isa, basta pang hahawakan ko ang pag mamahalan namin hanggang dulo.

"What the fuck?" Bulong ko ng may makitang bote ng alak sa loob ng fire truck.

"Ano yan?" Tanong ni Yohan.

Itinaas ko ang bote at pati siya ay nakakunot ang noo. Mahigpit na ipinagbabawal na hindi pwede ang kahit anong uri ng alak sa kahit anong emergency department. Napailing na lng ako dahil dito, it seems that the firefighters here are not responsible enough for their job.

Kinuha ko ang bote at binababa yun, akmang itatapon ko na sana ng pigilan ako ni Yohan at kinuha ang alak sa kamay ko.

"Don't tell me iinom ka?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya pero tinabi niya yun, "Hindi ngayon." Sagot nito.

Hinayaan ko na lang siya at nag patuloy sa paghalughog ng buong department. Marami kaming bagay na nahanap that can help us for survival. Magandang lugar din ito para pag taguan pero alam ko naman na hindi kami pwedeng mag tagal dito.

Umakyat ako sa second floor at tumanaw sa balcony ng department, mataas na ang sikat ng araw at halos mamaso na ang init nito gaya kahapon. Napakunot ang noo ko ng makita wala ni isang halimaw ang nasa paligid namin.

Dahil nasa itaas ako ay may naisip akong idea, agad na bumaba ako sa may opisina para kumuha ng UK mills doon. Isa yung uri ng granada na nakakalikha ng napaka lakas na ingay kasabay ng pag sabog nito.

"Anong gagawin mo diyan?" Sumunod naman sa akin si Yohan ng makitang pinulot ko ang granada.

"Testing something." Sabi ko at umakyat ulit.

Walang ano ano na tinanggal ko ang pin nito at hinagis, malayo ang narating nito kasabay ng pag sabog. Ilang sandali pa ang inantay namin pero wala kaming nakitang kahit anong halimaw na tumakbo sa direksyon ng pagsabog.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong sa akin ni Yohan, at tumango naman ako.

Agad na bumaba ulit ako at nag suot ng protective gear sa katawan ko pero sinigurado ko na maayos pa rin akong nakakagalaw. Sinuot ko ulit bilang kwintas ang kutsilyo ko kasabay ng pag dala ng dalawang baril at silencer pati na rin ng mga bala.

"Saan ka pupunta?!" Nag aalalang tanong sa akin ni Yohan.

"Hahanapin ko ang anak ko." Malamig na sagot ko sa kanya habang inaayos ang suot ko.

"Hindi pa tayo sigurado na wala talagang halimaw kapag umaga.-"

"Yea, pero may malaking chance na hindi active ang virus na nasa utak ng mga yun kapag mataas ang sikat ng araw. The heat index can affect the virus in their brain, pero isa lang ang sigurado ko." Sabi ko at inayos ang pag katali ko sa buhok ko, "Kailangan kong mahanap si Ionna." Seryosong sabi ko at nag lakad papunta sa maliit na pinto sa gilid ng gate.

"Sasama ako-"

"No, stay here." Maotoridad na sabi ko.

"Pero-"

"Dumito ka lang, baka dumating si Ionna dito. Kapag pareho tayong umalis wala siyang madadatnan, pati na rin mga sibilyan. Tulungan mo sila, pero wag kang mag tiwala." I fumed before going out.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon