CHAPTER 47

16.1K 299 4
                                    

Inabot kami ng ilan pang oras sa paglalakad.

Sa puntong ito, hindi na namin alam kung para saan pa ang paglalakad namin. Hindi namin sigurado kung ano ang naghihintay sa amin sa dulo ng lugar na ito, pero base sa lahat ng mga nadaanan namin ay may kung ano na dapat namin malaman.

"Saan kaya nanggaling ang mga yun?" Bulong ni Cali habang nililibot ang mga mata sa paligid ng lugar.

"Somewhere, that we don't know." Sagot sa kanya ni Ionna.

Parang walang katapusan ang paglalakad namin, ang bilis ng pag lalakad namin ay hindi maitutulad sa ordinaryong pag lakad. Kung tama ako, mahigit isang linggo na rin kaming andito sa ilalim. Nagtataka pa rin talaga ako paano nagawa ang lugar na ito, sa sobrang laki nito imposibleng hindi alam ng mga tao ang tungkol dito.

This is an under construction, paniguradong may alam ang mga taong nakatira sa taas nito. Sabihin na natin nagsimula ang paggawa nito noong pumutok ang trahedya, pero hindi yun makahulugan. Aabutin ng napakaraming taon ang paggawa ng ganito kalaki at kahabang tunnel.

"Mama look." Napahinto kami at napatingin sa direksyon na tinuturo ni Ionna.

My brows furrowed when I saw a...light.

"Ano na naman to, kakatapos lang natin makipag laban kanina." Iritableng bulong ni Ash.

Kahit na kinakabahan ay pinag patuloy namin ang pag lalakad. Maliit lang ang ilaw na yun, pero habang palapit kami ng palapit ay mas lalong lumiliwanag ang maliit na ilaw na iyun. Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Akiah sa kamay ko.

"Be alert-"

"One, two, three, One, two, three." Naputol ang pagsasalita ni Akiah ng marinig namin iyun.

All of our jaw drops ng bumungad sa amin ang mga sundalo nag t-training. Sinampal ko pa ng bahagya ang mukha ko, baka kasi na nanaginip lang ako.

"Anong..." Bulong ko sa sarili.

Nanlaki ang mata naming lahat ng bumungad sa harap namin ang isang sibilisasyon na ang akala namin ay wala na. Napaka liwanag ng lugar, mukha itong bayan ni walang bahid ng trahedya sa lugar na ito. May mga tao sa paligid na naglalakad, may mga nag kukulitan, may mga hawak ang aso nila at pinapasyal, mag mga pamilyang masayang naglalakad.

"What the heck is happening?!" Hindi makapaniwalang usal ni Cali.

Parang tinakasan naman ako ng sarili ko at sinubukang i process sa utak ko ang nakikita ngayon ng mga mata ko. Agresibong tumingin ako sa paligid, pinikit pikit ko pa ulit ang mga mata ko dahil baka pinaglalaruan lang ako ng utak ko.

I'm about to slapped myself again pero hinawakan na ni Akiah ang kamay ko, hindi siya nakatingin sa akin dahil pati siya ay nagulat pero hawak hawak niya ang kamay ko para hindi ko na masampal ang sarili.

There is a lot of civilian around, pero mas marami ang sundalo doon. Malalaking baril ang hawak nila, katulad na katulad ng mga baril na hawak namin kapag nag babantay kami sa isang lugar kung saan may gera. Naka full in gear din ang mga ito, na ibig sabihin ay may pinaghahandaan silang pagsalakay sa anumang oras kaya sila nagbabantay.

Nagulat pa ako ng biglang nahawi sa direction ko si Akiah dahil binangga siya ng mga sundalo, napagilid rin naman sila Papa doon. Naningkit ang mata ko dahil doon pero agad naman na nasalo ni Akiah ang bewang ko bago pa ako matumba.

"Sorry." Sabi niya ng mabawi ang balanse, tumango naman ako sa kanya.

Lumapit ako sa isang sundalong nag babantay kung saan pumasok ang iba. Tiningnan ako nun mula ulo hanggang paa, hindi ako nagpatinag sa kanya. "What the hell is this?" Seryosong tanong ko.

I scoff ng hindi ako sagutin ng sundalo, at inilayo ang tingin sa akin. Aba bastos, panigurado naman na mas mataas ang ranggo ko dito.

"That is disrespectful, don't you know who I am? Hindi mo ba kilala ang nasa harap mo?!" Iritableng tanong ko.

Binalingan niya na naman ako ng walang buhay na tingin bago nag salita, "Maliban sa nakikitang kong wala kang kabilang kamay, hindi. Hindi kita kilala." Pabalang na sagot nito.

"W-what?!" Biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Oy oy kalma!" Narinig ko ang boses ni Ash, lumingon ako sa likod ng makitang pinipigilan nila papa si Akiah na sugurin ang sundalong nag salita sa akin nun.

"Akiah, ako na." Sabi ko sa kanya.

"Ha?-"

Hindi ko na siya pinatapos ng bigla kong sapakin ng napaka lakas ang sundalo dahilan para bumagsak ito. Naalarma naman ang iba na agad pumunta sa posisyon namin, tinutukan rin nila kami ng baril pero hindi kami natinag doon.

"Knock out." Proud na bulong ni Cali ng hindi nakatayo ang sundalo matapos ko siyang sapakin.

"Anong nangyayari dito?!" Tanong ng isa pang sundalo, mas mataas ang ranggo nito kaysa sa mga nakapalibot sa amin dahil na rin sa batch na nakalagay uniporme niya. Pero hindi kasing taas ng sa amin.

"Sinapak po nung babaeng putol ang kamay-"

Hindi ko na napigilan si Akiah ng tumama ang kamao niya sa mukha ng nagsasalita, mas lalo tuloy na alarma ang mga ito at pinilit na pinigilan si Akiah pero hindi nila kaya ito kahit na ilan na silang humahawak.

Natatawang nanonood lang naman si Ash habang parang papel na lumilipad ang mga sundalo sa bawat bigwas ng suntok ni Akiah.

"Anong kaguluhan ito?!" Malakas na sigaw ng kung sino.

Napalingon ako dahil doon dahil familiar ang boses na iyun, I slowly looked back kung saan nanggaling ang may ari ng boses na iyun. I tilt my head as I see who is the man behind that voice.

Lahat kami ay napaayos ng tayo at nag bigay galang sa kanya, it was a reflex for us kahit na ang tagal na simula ng ginawa namin ito.

"Salute!" Sabay sabay na sabi naming apat.

Hindi ko nakita na ginawa yun ni papa, pero biglang umayos naman ang tayo ng lalaki sa harapan namin ng makita niya si papa. "Salute!" Malakas na sabi niya tska inayos ang tindig.

Nakita ko ang pag tataka sa mga mukha ng mas mababang ranggong sundalo, sinipa pa ng lalaki ang paa ng isa dahilan para lahat sila ay mag bigay galang kay Papa.

Seryosong nakatingin lang si Papa sa kanila, his eyes were dead. Iba rin ang aura niya kaysa sa pakiramdamn nung wala pa kami dito. His presence screaming authority and power.

Gulong gulo ako sa nangyayari, panong maayos ang sistema dito habang sa taas ay nakikipaglaban ang mga tao para sa sari sarili nilang buhay?

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon