Nakatulala lang ako dito sa harap ng sasakyan, masyadong mahaba ang araw na ito at alas dose pa lang ng tanghali.
Isang malaking buntong hininga na lang nabitawan ko, hindi pa rin kasi tapos mag ensayo ang mga kasama ko at wala na akong magawa. I already finished my training at ngayon buryong buryo na naman ako.
"Gusto ko ng karne." Bulong ni papa sa gilid ko, hindi naman na ako nagulat doon dahil pasulpot sulpot naman talaga siya.
"That's disgusting. We're in the middle of the apocalypse." Pandidiring sagot ko sa kanya.
Paborito ko ang karne pero I don't want to eat that shit kung ganito ang sitwasyon namin.
"Edi, ako ang kakain. Ikaw lang naman maarte dito." Pamimilit ni papa.
Minsan iniisip ko kung hindi seryoso si papa ay dadampi sa utak ko, na ako ang magulang sa aming dalawa. If he wasn't a former general at wala kang ideya sa kanya, he could be known as a isip bata.
"Then, where will you get those?" Wala paring buhay na tanong ko sa kanya, may malaking ngiti naman siya sa labi na ipinag taka ko.
Pumasok ulit siya sa sasakyan at nag stay doon for a while, I'm about to shrug his idea ng bigla itong lumabas at may inabot na hunting gun sa akin. My brows furrowed with that sudden action.
"This is for?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Hunt." Nakangiting sabi nito.
"No! For the gods sake I won't!" Agad na pag tutul ko sa ideya ni papa.
Masyado na akong maraming na baril na tao, ayaw ko naman na pati hayop ay makakalasap ng pagmamalupit galing sa akin. These animals are too precious to get hurt by humans.
"Just do it." Pamimilit ni papa.
Tiningnan ko lang siya ng masama, I'm about to walked away ng biglang kumapit si Maya sa kanya, "Ako na lang po ang mag hahanap." She said.
Napabalik ang lingon ko sa kanila, ng sila naman ang mag usap. Tuluyan na akong umalis sa paningin ni papa at bumalik kung saan nag eensayo sila Gel and Jen.
Mukhang tapos na si Gel sa pag t-target shooting niya, at ngayon naman ay tinutulungan niya si Jen sa pag eensayo ng espada niya. Napa iling na lang ako ng makita kong ang sweet nila habang nag tutulungan.
Punyemas, naiinggit talaga ako.
"I know you're having a great time spending time with each other, pero kung ganyan ang kilos niyo wala pang isang minuto patay na kayo." Seryosong sabi ko sa kanila.
Tinaasan ko si Gel ng kilay ng makitang hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy lang niya ang pag eensayo kasama ni Jen.
Sczekinah...kumalma ka...
Gusto ko na lang siyang bigwasan dahil sa ugaling pinakita niya sa akin, but I can't do that; they are not my team, so they can't obey every word that I'm saying, but they could respect me, though.
Umalis na ako sa posisyon nila ng makita kong naglalakad palayo si Maya dala dala ang hunting gun na binigay sa kanya ni papa. Mukhang tinotoo nga niya na siya na lang ang mag hahanap ng karne. Mukhang malaki nga talaga ang utang na loob ni Maya kay papa para sundin niya ito ng ganito.
Ang akala ko ay mananahimik na lang ako dito hanggang lumubog ang araw at tumuuala, pero I think I can't do that.
Sinundan ko si Maya ng hindi niya alam, hindi ko siya pwedeng hayaan knowing na hindi pa siya marunong mag paputok ng baril na hawak niya. Even a normal glock ay hindi niya kaya hawakan, paano pa kaya ang mahaba at mabigat na baril na iyon.
Naka layo kami sa may sasakyan at mukhang patungo na kami sa makahoy na parte ng lugar na ito, It started to look like a forest. Tumatarik na rin ang daan dahilan para iaangat namin ang hakbang para makapag lakad dito.
Hanggang ngayon ay walang ideya si Maya na sinusundan ko siya, she looks like she was scared dahil palingon lingon din siya sa paligid at kita ko ang panginginig ng kamay niya.
"Kailangan ko makapag uwi ng kahit anong karne para kay General." Mahinang bulong niya habang pinapa ikot ang tingin sa paligid.
She was really devoted to my father.
Agresibo akong napalingon when I heard something crack, it didn't sound like it was a small prey for us. Malilim at walang kahit anong araw ang dumadaloy sa lugar na ito, malamig rin ang simoy ng hangin hindi katulad sa pwesto kung nasaan kami nakatambay kanina.
Hindi narinig ni Maya ang yunog na yun pero alam ko sa sarili ko na kakaiba iyon, agad akong napahawak sa baril na nakasabit sa balakang ko as I point that sa direction kung saan ko narinig ang tunog na iyon.
Nag patuloy sa pag lalakad si Maya kaya naman ay sinundan ko siya para masigurado na rin ang kaligtasan niya. Hindi ko alam kung hindi ba talaga naririnig ni Maya ang tunog na yun, o sadyang may kakaibang elemento ang nabuo sa utak ko.
I looked around pero wala naman akong nakikita, napa iling na lang ako dahil doon at tinggal sa utak ko ang tunog. Baka gawa gawa lang ng isipan ko iyon.
Ngiwi na lang ang na porma ng labi ko ng makita kong halos matanggal ang balikat ni Maya dahil sa pagpapaputok ng baril, inilagay niya kasi sa harapan ng balikat siya ang dulo ng baril kaya naman nasalo ng balikat niya ang impact nito. Hindi niya rin naman natamaan kung ano ang binabaril niya.
It's been hours since we wander around, at ni isa ay wala siyang nakuhang karne. Napatingin naman ako sa hawak hawak ko kung saan ay may tatlong dagang bundok ang nandoon.
Kahit ayaw ko ay may kinuha pa rin akong karne para kay Papa knowing na walang maiuuwi si Maya sa kanya, this type of rats are peste kaya naman hindi ako nag dalawang isip na tarakan sila. Masyado silang mabagal gumalaw kaya naabot sila ng kutsilyo ko, and that is what I want Jen to practice to, speed are important.
Nakita kong napadaing si Maya dahil don, I want to approach and help her but I can't. Kailangan nilang matuto para sa sarili nila. I won't be able to protect them all the time, kailangan nila kayain ang mamuhay dito.
After 2 months of being together, kahit nagsimula kami sa pagiging strangers all those people that I'm with become important to me. They are the best pals, kahit lagi kami nag sasagutan ay may mga masasayang memories naman kaming napag saluhan.
And I want them to be able to handle themselves.
Tumakas ang ngiti sa labi ko ng makita kong tumayo si Maya at hindi ininda ang sakit sa balikat niya as she walked around again. Nagpaputok siya ng isa pang beses pero mas maayos na ang porma niya kaysa kanina, wala prin siyang natamaan pero I can see how her posture improves. She's slowly learning.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...