CHAPTER 11

26.2K 475 56
                                    

"We, 30 ka na?!" Di makapaniwalang tanong ko kay Maya, ng sabihin niya ang edad nito.

Mag hahating gabi na pero wala ni isa sa aming apat ang may balak mag pahinga, binabantayan rin kasi namin kung ano ang magiging lagay ng gabing ito.

Meron pa kasi kaming mga bagay na hindi maintindihan, gaya ng nangyari noong unang araw ng outbreak which is kahapon. Mataas ang sikat ng araw noon pero aktibong aktibo ang mga halimaw hindi katulad ngayon na gabi lang sila nagpakita.

Napag pasyahan naming mag manman muna bago mag pahinga, at eto kami ngayon nakaupo sa lamesa malapit sa balcony ng second floor. Inilipat kasi namin ang lamesa dito para mas kita namin ang nangyayari sa labas. Hinarangan din namin ang gate sa baba ng mga bagay na pwedeng makapag pigil sa kung ano mang pwedeng makapasok dito.

"Bakit gulat na gulat ka?" Tanong ni Maya dahilan para mapabalik ako ng tingin sa kanya.

"Wala, I thought kasi nasa around 25 ka lang din." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang napatawa, "Maraming beses ko na yan narinig, sa totoo lang may anak na nga ako eh." Masakit na ngiti nyam dahilan para maningkit ang mga mata ko.

"Oh? Really? How old are you ng nanganak ka?" Tanong ko sa kanya.

"27." Sagot niya sa akin.

"We? Ang bata mo pa pala ng nanganak ka-"

"Ikaw nga 19, eh! Kaka disenwebe mo palang nag pakasta ka kay Alexus e!" Napahito ako ng bigla akong batukan ni papa, tska ko na realize na tama siya.

"Ang pangit naman ng wordings mo!" Paninita ko kay Papa.

"19 ka nung nabuntis ka ni Arson?" Gatong na tanong naman ni Yohan.

"Oh ano?! May say ka na naman?!" Iritableng tanong ko sa kanya.

Umiling nalang siya pero halata naman sa mukha niya na hinuhusgahan niya nanaman ang pagkatao ko. Ganyan yan e, napaka judgemental.

"Pero back to the topic, asan yung baby mo?" Tanong ko kay Maya.

Nakita ko ang masakit na kislap sa mga mata niya bago siya ngumiti ng malungkot sa direction ko. "Hindi ko nakita." Sabi niya dahilan para mapa kunot ang noo ko.

"Ha?"

"Nung nasa hospital ako nun, nagising na lang ako na tinangay na pala ng tatay niya ang anak ko." Sabi niya dahilan para lumapit ako sa kanya para tapikin ang likuran niya ng bahagya.

"I'm sorry..." Paghingi ko ng tawad. Umiling naman siya sa akin ng nakangiti bago sabihin na ayos lang.

Tumango ako sa kanya pero na guilty ako sa tinanong ko, hindi ko maimagine kung gaano kasakit yun. When you're expecting your child to be with you after all that suffering then biglang nawala na lang ito, I just can't take it.

"Kumain muna kayo," Sabi ni papa ng ihain niya sa harap namin yung instant noodles na nasa kahon sa opisina sa baba.

I heard Yohan sign, "Ganito na lang kakainin natin for the rest of our lives now? There is no steak na ba-"

"Ayan sa labas kaniin mo yung inaagnas na katawan nung mga halimaw, rare yung meat nun." Pambabara ko sa kanya, sinaman niya naman ako ng tingin dahil don.

Kumain na muna kami, at mukhang tama nga siya dahil simula ngayon ay hindi na kami magkaroon ng maayos na pagkain because of this crisis. We need to embrace ourselves na hindi pa ito ang pinakamahirap na parte ng pamumuhay namin.

"Hahanapin ko ulit si Ionna, bukas." Sabi ko habang kumakain.

"Sasamahan kita-"

"Wag ka na, pabigat ka lang." Pamumutol ko sa sasabihin ni Yohan.

Hindi ko alam, pero gustong gusto kong iniinis si Yohan nito mga nakaraang oras para bang ang satisfying na makita siyang umiismid.

Hindi naman siya nag salita at nag patuloy na lang sa pagkain. Kailangan na rin kasi namin mag pahinga para may lakas kami bukas, napag pasyahan rin namin na hindi kami lahat mag papahinga and we will take turns para masigurado na ligtas kami.

"Sczekinah..." Rinig kong sabi tawag sa akin ni Maya.

"Hmm?" I hummed without looking at her, ng mapansin ko na hindi siya nag salita ay lumingon ako sa kanya as I saw her looking directly at the balcony.

Kita ko ring na statwa sila papa at Yohan ng makita yun, at halos malaglag ang puso ko dahil sa nasaksihan ng mga mata ko.

"Shit..." Mahinang bulong ko.

Halos mabalisa ang buong pagkatao ko ng matanaw ng mga mata ko ang napakaraming halimaw na patungo sa diresyon namin. Hindi ito maliit na grupo, para bang isang battalion ito ng mga halimaw na palapit ng palapit sa kinalalagyan namin.

"Kunin niyo lahat ng kaya niyang bibitin!" Malakas na sigaw ni Papa.

Hindi pa ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng hatakin ako ni Yohan. "Tara na!" Natatarantang sabi niya, ramdam ko ang napaka lamig na haplos ng kamay niya.

I snapped back into reality at mabilis na kumilos, bumaba na ako sa opisina para kumuha ng mga armas at mga pagkain, pati na rin mga first aid at mga gamot ay nilagay ko na rin. Ganon rin naman ang ginawa nilang lahat, buti na lang ay may mga malalaking military bag rin dito kaya marami kaming nailagay.

"Saan tayo dadaan?" Tanong ko habang nag mamadaling kumukuha ng bala at baril sa kabinet.

"Hindi tayo aalis dito," Sabi ni papa dahilan para sabay sabay kaming tumingin sa kanya.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Aakyat tayo sa bubong nitong department, paniguradong dadaan lang dito ang battlion ng mga halimaw na yan. We'll stay at the roof, kaya bilisan niyo na."

Hindi na kami nag tanong at agad na kumilos paakyat sa bubong, wala kaming sinayang na oras at nag madaling umakyat dito. Tinulungan ako ni papa na makaakyat dahil siya ang unang nakatungtong nun, kasabay naman ng pag hatak ko kay Maya, at pagsunod ni Yohan.

Napaka liit ng pinapatungan namin pero hindi ko naisip yun at nag patuloy lang sa pag akyat. Dahil na rin siguro sa bagal maglakad ng mga halimaw na ito, ay nakaakyat na kami ng tuluyan sa bubong bago pa man nila maabot ang department.

"M-mamatay na ba tayo?" Nanginginig na tanong ni Maya sa akin, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya kaya naman ay hinawakan ko ito.

Nakadapa kami ngayon sa bubong para hindi kami makakaagaw ng atensyon. Mataas na rin ang sinag ng buwan, at para kaming nasa isang isla na pinalilibutan ng dagat ng mga patay. Napalunok na lang din ako sa nakikita ng mga mata ko, kahit ako ay natatakot pero hindi ko pwedeng ipakita yun.

Halos lahat kami ay hindi na huminga ng tuluyang makarating sa baba ng department ang mga halimaw. Napatakip na lang din ng tenga si Maya dahil sa lakas ng mga ungol nito, halos umuga na rin ang buong building ng department sa dami ng nasa babaan nito.

Walang ibang pumasok sa isip ko sa mga oras na ito, maliban sa hinihiling ko ay sana ligtas ang anak ko at nakatago siya ngayon sa ligtas na lugar na hindi siya maabot ng massive wave.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon