WARNING: This chapter consist attempted rape, please if this topic triggers some part of you skip this chapter! READ ON YOUR OWN RISK
"Aki..." Bungad na tawag sa akin ni Akiah ng nakasalubong ko siya.Mukhang galing siya sa kwarto na tinutulugan namin, palabas siya sa kwarto ng makita niya ako. Tipid ko lang siya nginitian tskaisya nilampasan.
Wala akong gana makipag usap ngayon, dire diretso lang akong naglakad papasok tska sinara ang pintuan. Hindi pa man ako tuluyang nakaabot sa kama ay bumagsak na ako.
Hindi ko na talaga kaya, nanghihina na ang katawan ko. Hindi ko na rin pinigilan nag sarili kong umiyak habang nasa sahig. Kasama ni papa ang anak ko para may ipaliwanag rin dito kaya ako lang ang nandito sa kwarto.
Yakap yakap ko ang sarili ko habang naka baluktot sa sahig habang nilalabas ang nararamdaman, ang lamig ng bakal kung braso pero winawaglit ko na lang iyun sa isipan ko.
Ang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung ilang beses ko na sinabi na masakit pero hindi pa rin maubos ang salitang yun sa isip ko, napaka bigat ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.
Pero, mas hindi ako makapaniwala na kinaya akong saktan ng asawa ko...asawa na akala ko ay mahal na mahal ako.
Kung ganon ang magiging dulot ng katalinuhan sa tao, tangina buti na lang bobo ako.
Ang talino ginagamit sa mabuti, hindi sa ikakasama ng karamihan. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin yun, asan yung asawang minahal ko? Asan ung Alexus na nakilala ko? Bakit nilamon siya ng utak niya?
"Bakit..." Umiiyak tanong ko sa sarili ko.
Ilang oras na rin ata akong umiiyak, ni hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Naramdaman ko na may bumuhat sa akin pero hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ko dahil sa pagod sa pag iyak.
"Rest, Aki..." Rinig kong bulong niya sa akin bago lapatan ng malambot na halik ang noo ko.
Naramdaman ko rin na inayos niya ang kumot sa akin, kahit na anong sakit ang nararamdaman ko ay parang gumagaan kapag nasa tabi ko si Akiah. This is the most comforting thing- no, he was the most comforting person that I ever had.
Kahit na nakapikit ay patuloy pa rin ang pag takbo ng utak ko. Hindi magawang mag pahinga ng isip ko. Hindi ko makalimutan ang mukhang binigay sa akin ni Alexus, ang mga titig na yun ay nag bigay ng kilabot sa buong katawan ko.
As I kept on remembering his face while choking me, I started to remember things.
"Wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi."
"Don't you dare disobey me!"
"I'm the man of this house, kaya ako dapat ang masusunod!"
"Sczekinah, wag mo akong bwinibwisit pagod ako."
"Diba sinabi ko sayo na wag kang makikipag usap sa iba?!"
"Wag kang lalabas ha! You just get on my nerves."
"Patahimikin mo nga yang anak mo! May ginagawa ako!"
"F-fuck...I just realize...I'm too blind to notice that..." Bulong ko sa sarili ko, kahit na nakahiga ay nasapo ko ang ulo ko habang umiiyak. Hindi ako makatulog, hindi ako pinapatulog ng utak ko.
Tangina, I'm too blind to realize that he wasn't that perfect. Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na perpekto siya, that he was the greatest man that I could have. I loved him too early, na ang akala ko siya na ang para sa akin.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...