CHAPTER 38

20.8K 453 77
                                    

"Are you guys thinking, what I'm thinking?" Seryosong sabi ni Papa, habang nakaharap sa mapa.

Walang nag salita, pero kaming apat kasama ang anak ko ay tumango.

"We should explore that tunnel." Calista stated.

"No, we NEED to explore that tunnel." Pag lilinaw ni Ash, I agreed with them.

Curious din ako sa anong meron sa passageway na yun. Bakit may cellphone doon?, at bakit may mapa ang lugar na binbaan ni Ash. It was a huge question for me kung bakit rin may ganito sa gitna gubat?

Nakita kong ngumisi si Papa bago nagsalita, "Prepare yourself, baba tayo diyan." Awtoridad na sabi niya.

Hindi kami nag salita pero sumang ayon, agad na kumilos kami para kunin ang mga gamit namin at makapag handa sa bagong parte ng mundo na papasukin namin.

"Exciting! Parang nasa mission ulit tayo." Nakangiting sabi ni Cali habang inaayos ang gamit niya.

Some part of me was thrilled, para nga talaga kaming nasa mission ulit ngayon. Isang bagsak ng utos ni Papa ay sumunod agad kami ng walang alinlangan, nakakakaba pero na excited ako. Akala ko nakalimutan ko na itong feeling na ito pero mukhang bumalik siya, para ipaalala sa akin kung gaano kaganda ang trabaho namin.

"Bring enough bullet and spare blades." Utos naman ni Akiah, ayun na yung ginagawa namin bago pa siya mag salita.

I saw Ash packing some foods for us, kailangan namin ng tamang supply ng pagkain. We will be going underground kung saan mawawalan kami ng supply ng kahit ano, this is an open danger for us pero this adventure will be thrilling.

Makalipas ang ilang oras na paghahanda ay natapos na ang pag babalot ng mga dadalhin namin, each of us has a military bag to carry. Mas mabigat nga lang ang dala ni Akiah dahil pinilit niya akong hatiin ang dala ko dahil nga sa braso ko.

"I told you it's fine." Seryosong sabi ko sa kanya pero hindi siya nakinig sa akin at patuloy lang sa pag lagay ng mga gamit ko sa bag niya.

"Tito, can you carry my bag din?" Lumaki ang mata ko ng marinig si Ionna at makitang inabot ang bag niya kay Akiah. She has that puppy look in her eyes, she was always pouting towards him.

Walang sinabi si Akiah pero kinuha niya ang bag ng anak ko, pipigilan ko na sana siya ng marinig kong tumawa si Ionna.

"I'm just kidding, I can handle this bag." Sabi niya tska binawi ang bag sa kamay ni Akiah.

"I can carry both of your bags." Seryosong sabi ni Akiah, umiling lang naman si Ionna sa kanya.

"Just help mama with her things." Sabi nito tska tumalikod, nakita kong palihim na ngumiti si Akiah dahil doon.

"Pangisi ngisi ka diyan?" Tanong ko sa kanya, agad naman niyang binawi yun at binalik ang seryoso niyang mukha.

Hindi ko naman itatanggi na ang cute ng gesture ni Akiah na iyun, he was handsome after all. I bit my inner cheeks ng bumalik sa akin ang idea noon, he was the first one that I like bago si Alexus.

Si Akiah talaga ang una kong nagustuhan kasi masyadong arogante at sabihin na nating mayabang si Alexus before. Akiah was really a man of green flag, kaso I'm a bull. I chased red.

"Pogi mo." I mumbled bago tumalikod at naglalakad papunta sa posisyon nila papa.

My brows furrowed as I saw Gel talking to him, they all looked serious habang nag sasalita si Gel.

"I'm sorry, pero hindi namin kayang sumama sa inyo." She stated, "Game of luck ang gagawin niyo, and we don't think na kaya namin makipagsabayan sa inyo."

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon