CHAPTER 49

16.2K 288 27
                                    

DISCLAIMER: The content of this chapter doesn't have any connection to our current government. I solely respect our government; this is just pure work of FICTION of the author's mind.

"Rodriguez, hindi kami nakikipag biruan dito." Seryosong tawag sa kanya ni Akiah. Nawala na ang galang nito sa kanya.

Umayos naman siya ng upo at binitawan ang hawak na ballpen, at maayos na hinarap si Akiah. He let out a big sign bago tumayo at tska humarap sa bintana.

"This thing is all planned out, isa kayo sa importanteng tao dito sa bansa and I think you need to know this." Paninimula niya.

"I told you." Singit ni Ionna habang kumakain, napabuga na lang ako ng hangin dahil doon.

"What do you mean?" I asked.

"We planned this thing out, pati na rin ang lahat ng mga mas matataas na posisyon dito sa bansa." Seryosong sabi niya.

Ano daw?

"Continuous inflation, and an uncontrollable population is the main problem of this country. We tried different ways, pero hindi gumana. Hindi nakikinig ang mga tao sa amin, sa atin. Alam niyo kung gaano tayo nagmamakaawa sa mga tao na kontrolin ang pag dami nila sa loob ng ilang taon pero hindi sila nakinig." Mariin sabi nito.

"Don't tell me.." Hindi matuloy ni Akiah ang gusto niyang sabihin.

"They killed all the people to stop the population from increasing, that is the only way for this country to pay all of the debt. Hindi nila kailangan bayaran ang utang ng bansa kung walang mga taong mag babayad nito, that is why they came up with this solution." Kalmadong pagpapaliwanag ni Ionna habang patuloy sa pagkain.

"W-wow.." Natatawang reaction ni Com sa pagpapaliwanag ng anak ko.

"P-pwede bang wag ka munang makialam dito, Ionna?" Panunuway ko sa kanya, she just rolled her eyes to me.

I scoff in disbelief dahil sa inasal niya, pati na rin sa pagpapaliwanag na sinabi niya.

"Your daughter isn't wrong at all." Sabi ni Com tska muling tumingin sa anak ko, "She grew up so well, she grew up like her dad. Matabil ang dila." Dagdag niya.

Hindi ko pinansin ang huling parte ng sinabi niya dahil naguguluhan ako sa kung anong nangyayari, at kung sa tama ba ang sinabi ng anak ko?

"So..ang sinasabi mo ginawa niyo to para bumaba ang populasyon, bumaba ang bilihin, at mawala ang utang ng bansa?" Seryosong tanong ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamao ko, nanginginig ako sa galit. If that is their reason for all of this, they are dumb as shit!

"That is the easiest way to solve all of that problem." Sagot niya.

Ang lalim ng pag hinga ko dahil sa sagot niya, "Easiest way?" Mahinang bulong ko pero kahit papaano ay narinig niya naman ito dahil tumango siya.

"Putangina, easiest way na patayin ang milyon milyong tao para hindi niyo mabayaran ang utang na kayo ang may gawa?! At sino ang mga andito?! Mga mayayaman?! May mga kapangyarihan?! Tangina pinatay niyo ang mga inosenteng tao para dito?!" I raged.

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman, pinaghalong gulat, sakit, at galit ang namumuo sa dibdib ko. Hindi ko maisip na ayun ang puno't dulo ng pangyayaring ito.

"We...we devote ourselves para protektahan ang mga tao sa bansang ito...tapos sasabihin niyong, pinatay niyo ang mga taong prinotektahan namin?!" Nanginginig na sigaw ni Cali.

Napasapo ako sa ulo dahil doon, hindi na rin ako mapakali sa kung anong gagawin at iisipin ko. Pabalik balik akongnag lakad sa loob ng opisina. Tahimik lang pareho sina Ash at Akiah pero kita ko ang pag ukom ng mga kamao nila.

"We did that for everyone's sake, tatapusin rin naman natin to-"

"Wag niyo kaming idamay! Kahit kailan ay hindi kami sasangayon sa planong ito!" I fumed in angier.

Humarap siya sa posisyon namin at diretsyong tumingin sa mga mata ko.

"Sigurado kayong hindi kayo sumang ayon sa plano ito?" Seryosong tanong niya.

Naguluhan ako sa tanong niya pero agad naman akong sumagot doon, "Oo! At hinding hindi-"

"Pero sumunod ka sa utos ng tatay mo?" Mariing sabi niya dahilan para tumigil ako.

"W-what?"

"General, bakit hindi mo sabihin ang totoo? Nasa ligtas na lugar na kayo, hindi mo na kailangan itago ang nalalaman mo." Nakangiting sabi niya bago sinipat si papa sa likuran ko.

Dahan dahan akong lumingon sa direction ni papa, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang ang pag ikot ko na ito at pag tingin ko sa direction niya ang wawasak sa pagtingin ko sa kanya biglang ama.

"P-pa?" Nauutal na tawag ko.

Hindi siya nag salita at tahimik lang nakasandal sa pader habang naka krus ang mga braso sa dibdib at nakayuko. Ang kalmado ng posisyon niya at parang wala lang sa kanya ang lahat ng nalaman namin ngayon.

"Pa?! May alam ka ba dito?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw dahil hindi siya gumagalaw.

Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya at tiningnan ako sa mga mata, that looks makes my knees weak. Iba ang titig niya ngayon, napakalayo sa mata ng tatay ko na nakasama namin sa loob ng ilang taong pakikipag laban sa mga halimaw na iyun.

"This is for everyone's sake."

"Bullshit!" I raved at kinuha ang baril ko sa balakang ko, at walang ano anong pinutok yun malapit sa direksyon ni papa. Wala akong nakitang kahit anong reaksyon niya dahil sa ginawa ko, pero ramdam kong mas lalong paglamig ng mga titig niya sa akin.

"May alam ka dito?! Alam mong sinadya nilang patayin ang mga tao para lang masolusyunan ang problemang ito?!" I fumed at him.

"You've always been the dumbest, kung hindi dahil sa lakas ng katawan mo wala ka sa posisyon mo. This is the only way para matapos ang problemang to. Pwede nating baguhan ang mga tao, tanggalin sa mundo ang mga hindi sumusunod, tska sila palitan-"

"Oh cut that crap! Mukha bang battery sa remote ang buhay ng mga taong ito?! Kapag hindi gumana ay tatanggalin at papalitan?! Putangina alam kong bobo ako, pero tangina hindi ako hayop mag isip!" I shouted in full rage.

Pigil na pigil ko ang mga luha sa mata ko, hindi ko hahayaang makita nilang tumulo ang mga ito sa harap nila at sa tanginang ideyang meron sila. Ibabg iba na ang tingin ko ngayon sa tatay ko, wala na ang pag hanga ko sa kanya at napalitan na ng puot at galit.

Huling pumasok sa isip ko na isa ang tatay ko sa dahilan ng mala impyernong pag dudusa namin. Kaya naman pala...kaya naman pala wala siyang kibo tuwing nag uusap kami tungkol sa kung ano ang naiisip namin puno't dulo ng trahedyang to. Kaya pala..kasi may kinalaman siya.

"Mag pahinga muna kayo, pina handa ko na ang matutuluyan niyo-"

"Putangina mo, fuck you." Sabi ko kay Rodriguez tska tinaasan siya ng gitna kong daliri bago marahas na hinatak patayo ng sofa ang anak ko tska umalis sa kwartong yun.

Sumunod naman sila Akiah sa akin. Ang bigat ng dibdib ko, I felt betrayed and used. Tangina mas masakit pa ata to sa pagkawala ni Alexus.

Fuck everyone na may kinalaman dito, fuck all of them! Fuck my dad for doing this! Tangina...ang sakit..

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon