CHAPTER 56

19.4K 361 53
                                    

Nang makatapos kami kumain, ay bumalik muna sina Cali at Ash sa kwarto, habang si Ionna ay matutulog daw ulit.

Hindi ko alam kung saan nagpunta si Akiah dahil bigla itong nawala, I just shrugged it off dahil baka may tiningnan lang din sa paligid.

I was just walking around this city, kahit na malayo ang itsura nito kaysa sa bayan sa itaas ay talagang mas may buhay ang lugar na ito kaysa sa nangyayari sa labas ng lugar na ito. Inangat ko ang ulo ko sa taas pero kadiliman lang ang nakikita ko, tanging ang mga ilaw lang galing sa malalaking bumbilya ang nagbibigay liwanag sa lugar.

Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumama ang mga mata ko sa isang maliit na pamilya. Something aches from the bottom of my heart when I see them. Naka sakay sa balikat ng tatay ang isang batang babae, habang hawak hawak naman sa kamay ng tatay ang asawa. That scene reminds me of how we were happy before.

Ganyan na ganyan ang posisyon namin lagi kapag pinapasyalan namin ni Alexus si Ionna, kung hindi niya ito karga sa kabilang braso at nakalagay naman ito sa mga balikat niya. Kinurot ang puso ko dahil sa nasilayan ko. Ang saya nila, and It hurts.

Nag patuloy pa ako sa paglalakad sa paligid, samu't saring mga tanawin ang nakikita ko. Bigla ko tuloy na alala kung ano ang sinabi kanina ng babaeng sundalo.

Is that true? Na hindi alam ng mga tao dito kung ano ang nangyayari sa labas? Anong kasinungalingan ang sinabi sa kanila ng mga nakakataas para makababa dito?

Sinisipa ko ang isang bato na nadaanan ko, sinusundan ko lang ang direksyon nito ng hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko.

"Aray.." Mahinang bulong ng tumama ako sa likod ng kung sino. "Sorry, hindi kita nakita." Agad na sabi ko ng maibalik ko ang balanse.

"It's fine." Tanging sabi nito, that voice gives me shivers.

Tandang tanda ko kung kaninong boses yun, ayun ang boses ng lalaking humalik sa akin sa eskinita. Agad na inangat ko ang ulo ko sa pagkauntog pero nakita kong nag lalakad na siya palayo.

He was tall, mukhang kasing tangkad ni Akiah. Nakasuot ito ng lab gown, and his shoulders were broad as fuck. Imbis na sundan ito ay napako ang mga paa ko habang tinitingnan siyang nag lalakad palayo.

That figure was so familiar, I tilted my head as I tried to recognize that posture. Iniling ko naman agad ang ulo ng may isang taong pumasok sa isip ko.

"Hindi, imposibleng si Alexus yun." Bawi ko.

Hinayaan ko na muna siyang makalayo, may araw din sa akin yang lalaking yan kung siya ang lalaking na namantala sa akin nung gabing yun.

"Oh? Pinuno! Anong ginagawa niyo dito?" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa codename ko apat na taon na ang nakalipas.

I looked back, when I saw the same soldier earlier. Malaki ang ngiti niya sa akin habang tumatakbo papalpit, hawak hawak niya rin ang malaking baril sa kamay niya pati na ang gear bag.

"Namamasyal po ba kayo?" Tanong niya sa akin.

Natawa ako ng bahagya dahil sa kung paano siya lumapit sa kain, napaka inosente ng pag takbo niya. I remembered na ganito rin tumakbo papunta sa akin si Cali noon, kapag nasa training kami.

"Hindi naman sa namamasyal, pero naglalakad lakad." Sagot ko sa kanya, "Ikaw? Bakit ka nandito? Pwede ka ba umalis sa area mo?" Balik na tanong ko sa kanya.

Hindi kasi pwede umalis ang mga naka tokang sundalo sa area nila hanggat walang utos ng nakakataas, kaya nagtataka ako kung bakit siya lumapit sa akin.

"Ah! Hindi po ako naka area ngayon, isa po ako sa nag p-patrol tuwing tanghali." Pag tatama niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya pero may salita siyang pumukaw sa atensyon ko, "Tanghali? Paano mo nalaman na tanghali na?" Tanong ko sa kanya.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon