CHAPTER 21

18K 315 9
                                    

Hindi na ako nakapag isip ng diretso at agad na tumalon galing sa bubong ng truck.

Napukaw ko ang atensyon ng mga halimaw na siyang dali daling sumugod sa direction ko, wala ng pumapasok sa isip ko at tuluyang pinagbabaril ang mga humarang sa dinadaanan ko.

Walang silencer ang gamit kong baril, kaya naman ay sunod sunod na malakas na pag putok ang nilabas nito dahilan para mas lalong dumami ang mga halimaw na tumakbo sa direksyon ko.

Tumutulo na ang luha sa mga mata ko habang tumatakbo papunta sa direksyon ng maliit na bata, wala siyang kahit anong reaction sa ginagawa ko at diretsong nag lalakad lang ng normal papunta sa akin.

Pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko papalapit doon, parang gripo na rin ang bilis ng pagtulo ng mga luha ko. Sa muling pagpapaputok ko ng baril ay biglang walang kahit anong lumabas na bala doon at mukhang naubusan na.

Binitawan ko ang baril at mas binilisan ang pag takbo papunta sa maliit na bata. Sa kabila ng mga luha sa mata ko ay biglang pumorma ang ngiti sa mga labi ko ng maabot ko siya at niyakap-

Isang napaka lakas na putok ang nag pahinto sa akin, nag yelo ang mga paa ko ng makitang bumagsak ang maliit na bata sa harap kasabay ng pag kabutas ng leeg ko.

Wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin ito at ibalot sa mga braso ko, wala na akong pakialam sa paligid ko. Ang bigat ng nararamdaman ko, kamukhang kamukha niya ang anak ko, at kung siya nga talaga ito wala na akong pakialam kahit mahawa ako sa mga halimaw dito.

"Sczekinah!" Malakas na sigaw ng kung sino sabay ng malakas na pag hatak sa akin dahilan para mapa salampa ako sa sahig.

Nanlaki ang mata ko ng paputokan niya ulit yun, "N-no! T-that was Ionna." I cracked as I sounded that I'm begging.

Halos gumapang na ako pabalik doon ng bigla akong hatakin ng apat na baraso, napalingon ako sa direksyon nila as I saw Maya and Gel dragging me inside the vehicle.

"No!" Sigaw ko ng sunod sunod na mag paputok sila Papa at Yohan.

Nanlumo ako ng makapasok sa loob ng sasakyan ng tuluyan nila akong nahatak, agad na sumunod si Yohan at Papa doon. Hindi ko na alam kung sino ang nagpapatakbo ng sasakyan pero bigla itong gumalaw ng palibutan na ang sasakyan ng mga halimaw.

"A-anak ko yun-" Natigil ako ng bigla akong sampalin ni Maya.

"Tanga ka ba ha?! Bakit ka mag papalapa sa mga yun ha?!" Galit na sigaw niya sa akin.

Madilim ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya, ang mga luha na kanina ay tumutulo sa mga mata ko ay biglang nawala kasabay ng dahan dahan kong pag tayo.

Nakita ko na napaatras siya ng bahagyan dahil sa ginawa ko pero hindi siya nag patinag sa mga titig ko.

"That was my daughter-"

"Hindi mo siya anak!" Malakas na bulyaw niya sa akin. "Sczekinah, hindi siya si Ionna!" Dagdag pa nito.

"Hindi mo siya nakita ng malapitan, wag kang mag marunong! Sigurado akong anak ko siya! Sino ang putanginang bumaril sa kanya?!" I raged as my eyes flamed to all of them.

"Ako." Walang kahit anong emosyon sabi ni papa.

I stared into his soul as I pitched him, "How could you do that?! Ikaw ang nagpalaki sa kanya-"

"Ako ang nagpalaki sa kanya, kaya alam ko na hindi siya ang apo ko." Seryoso pero mariin na sabi ni papa sa akin.

Hindi na ako nakapag salita matapos niya ibato sa akin ang mga salitang yun.

"Sa tingin mo babarilin ko yung pesteng demonyong yun kung siya ang apo ko?! That's bullshit Sczekinah, if she was my granddaughter, mas mauuna pa akong tumakbo sayo dahil sa akin lumaki at ako ang kinasanayan niya!" Sigaw niya, parang sinaksak naman ng kung anong matalas at masakit na bagay ang dibdib ko dahil sa mga salitang yun.

"You shouldn't act like that. I told you WE will find your daughter!" He raged, "Hindi ka nag iisa sa laban na ito Sczekinah. Look around you!" He snapped, napansin ko na rin na lumalabas na ang ugat sa noo ni papa dahil sa nararamdaman niya.

Hindi ko naman masisisi ang sarili ko, nawawala na ako sa sarili ko. Gusto ko na lang mahawakan ulit ang anak ko. "I-I just want to have her in my arms again..." I cracked.

"This people around you devote themself para mahanap ang anak mo, wag mo sayangin ang pag sasakripisyo ng buhay nila dahil sa pabugso bugso mong desisyon!" Seryosong sabi niya.

Para akong batang napako sa kinatatayuan ko, lumambot ang mga tingin ko pero hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib ko. "P-paano niyo nalaman na hindi siya ang anak ko?" I shuttered. I want to know how they distinguished that she wasn't my daughter, paano nila nalaman na hindi iyun ang anak ko e ako ang ina niya?

Napabuntong hininga na lang si papa dahil sa tanong ko, mas kumalma na ang reaksyon niya ngayon kaysa kanina.

"Her uniform...walang maliit na panda sa laylayan ng uniform niya." Kalmadong sabi ni papa.

My brows furrowed because of that, anong panda?

"What?" I asked kahit na mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

"See, you don't even noticed that thing tapos sasabihin mo na siya si Ionna," Hindi ko alam kung anong tono ang binitawan ni papa pero parang na insulto ako sa sinabi niya.

Walang salita ang lumabas sa bibig ko kahit na gusto kong sumigaw because of the frustration, this isn't a mind game bakit ba kailangan lahat ng sabihin niya ay kailangan ko munang isipin bago ko maintindihan?!

"All of her uniform, sa kanang parte ng sleeves niito. I stitched a panda on those, you know how much your daughter loves that." He started, "Last year, ng hindi ka nakauwi nung birthday niya cause you're still buried sa sakit na nararamdaman mo sa pagkawala ni Alexus, nakalimutan mo ang birthday ng anak mo." He groaned.

That words struck me, para may kung ano sa dibdib ko na sunod sunod na tumama dahil sa sinabi ni papa.

"I stitched all of her uniform with a panda as my gift." He whined, kasabay ng pag upo sa may maliit na upuan.

Tuluyang nawala na ang mga salita sa utak ko at naging blanko ito. Nalunok ko na lang ang sarili ko dahil doon. I remembered that day, he was right para namang hindi nagkakamali si Papa. Talagang nakalimutan ko ang araw na yun dahil sa pag luluksa ko kay Alexus, 2 taon na iyon ng mga panahon na yun pero hindi ko parin matanggap.

I'm too focused on what I feel as I buried myself into work at nakalimutan ang responsibilidad para sa anak ko. Kinulong ko ang sarili ko forgetting that I still have a world to revolve into. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon