"Bakit namumutla ka? May masakit paba? Yung braso mo?" Bungad na tanong sa akin ni Jen.
Umiling lang ako sa kanya bago ginulo ang buhok niya, napahinto naman ako dahil kumirot ang braso ko dahil doon.
"Okay ka lang ba talaga?" Nag aalalang tanong niya sa akin at dahan dahan binaba ang kamay ko.
"Okay lang ako, yung sugat ko lang ito." Hindi naman ako nag sinungaling, pero hindi ko rin naman sinabi kung bakit ito kumirot.
"Ilang araw na, hindi pa rin yan gumagaling." Mahinhin na sabi niya with a worried tone her voice.
Nginitian ko lang siya bago siya nilampasan, Jen was the sweetest among all of us, magkaiba na magkaiba sila ng girlfriend niya na halos murahin na pati mga ibon dahil naiinis siya sa ingay.
Pagkatapos mawala ng init sa katawan ko dahil sa ginawa ko kagabi ay agad na akong bumaba at nilinisan ang sarili kong sugat. Mas lalong lumalim iyon, pero hindi ko maitatanggi na nawala ang init sa akin ng ginawa ko yun kasabay ng pagkawala ng kati nito.
Simula ngayon ay hindi ko na pwedeng ipahawak sa kanila ang braso ko, hindi nila pwedeng malaman kung ano ang ginawa ko doon.
"Wala na tayong supply ng tubig tapos pagkain." Sambit ko ng makalabas ng truck.
Nakita kong nakaupo naman si Yohan doon at nag papahangin, agad naman siyang lumingon sa akin at lumapit ng marinig niya ang boses ko.
"Ano? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong nito sa akin sabay hawak sa magkabilang braso ko.
Napalunok ako sa sakit dahil sa pag hawak niya, hindi naman ito marahas pero sensitibo ang pain tolerance nito dahil sa sariwang hiwa. Dahan dahan ko namang binawi ang braso ko sa kanya bago tumango.
"Sorry." Sambit niya ng bitawan niya ang isa kong braso, ngingiti na sana ako ng bigla niya akong yakapin.
Nagulat ako sa inasal niya at may kung ano namang kumala sa tyan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw at tinitigan si papa para humingi ng tulong na tanggalin niya sa akin si Yohan pero tinalikuran lang ako. Ang sama talaga ng ugali.
"Yohan, bitaw." Seryosong sabi ko, nanibago pa ako sa kanya ng hindi agad ito bumitaw pero dahan dahan namang lumayo.
I saw his eyes teared as he looked at me, "Grabe ka na, Szcekinah." Pag tawag niya sa pangalan ko dahilan para pag taasan ko siya ng kilay.
"Ilang araw ako nag aalala sayo cause you're three days unconscious, tapos pinag alala mo pa ako ng makita kitang nahuhulog." Seryoso pero malambot na sabi niya sa akin as he caressed my cheeks.
Nag salubong ang dalawa kong kilay dahil doon, pero hindi ko na siya nagawang pigilan. Pagod na ako utusan siya at laging mag salita tungkol sa paano siya umakto.
"Wag mong baliktarin ang kwento, ikaw ang nawalan ng malay kahapon." Pabirong sabi ko sa kanya, ngumiti naman ito bago bumalik sa pag kakaupo niya.
Napanguso na lang ako dahil sa kanya, baka hindi likod niya nag tumama kahapon kundi ang ulo niya. This is the first time na hindi niya sinumbat sa akin ang ginawa niyang pag ligtas sa akin.
"Ako na ang mag hahanap ng mga kakailanganin natin." Napabalik naman ang atensyon ko kay Papa ng siya ang mag salita, tumango na lang ako sa kanya,
Hindi na ako nag alala dahil nakita kong sumunod naman si Maya sa kanya, nailing ko ang ulo ko habang nag nalalakad sila palayo. Hindi na ako magugulat kung magugustuhan ni Maya si papa, at hindi na rin ako magugulat kung iiyak siya dahil hindi kayang ibalik ni papa ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...