CHAPTER 68

17.9K 308 17
                                    

Inayos namin ang porma para hindi kailangan sumugod ng lahat.

Hindi namin alam kung gaano kalakas itong kalaban kaya bumuo ako ng mabilisang plano. Ang mga may hawak na baril ang naka bantay sa likuran ng may mga hawak na espada. Kahit na baril ang forte ni Cali ay nakipag palit na siya ng espada para samahan kaming sugurin ang halimaw.

Naka back up ang mga may baril sa likuran namin, at tska kami sumugod. Kahit na kinakabahan at malakas ang kabog ng dibdib ay mas nanaig sa akin na tapusin na ang laban na ito.

Alam kong pagod na kaming lahat sa lahat ng mga bagay dito, kaya naman gusto ko na lang matapos ito.

As we charged into that monster direction, inihanda ko na ang sarili ko. Nakita ko ang mabilis na pag takbo ng anak ko na akala mo ay sumabay na sa daloy ng hangin.

Ang linis ng mga galaw niya, kahit na nag aalala ay may tiwala ako sa kakayanan niya. My lips arched when I saw how the monster attacked her, but she smoothly dodged that off.

Ginamit ng anak ko ang braso ng halimaw na yun para para makaakyat sa uluhan nito. Agad na kaming pumwesto at sinundan siya para mapatumba iyun. Nakapatong na ngayon si Ionna sa balikat ng halimaw, isang maling galaw niya lang ay pwede siyang mahulog doon at matapos ang lahat. But, I won't let that happen.

Inalalayan namin ang porma niya sa baba, ng tuluyang makalapit kami dito ay mas lalong lumaki ito sa harapan namin. This monster was huge as fuck, this thing is three times the size of the elephant.

Hindi na kami nag sayang ng oras at hinati isa isa ang mga galamay na meron ito. Inuna namin ang parte ng halimaw na kaya kaming saktan gaya ng mga braso, at paa nito. Unti unti itong natumba dahil sa pagkawala ng balanse kaya kailangan namin lumayo.

Kita kong may kinukuha ang anak ko sa ulo nito, hindi ko na kwenestyon yun dahil alam kong para yun sa ikakabuti namin.

Pilit na nanlalaban ang halimaw kahit na baldado na ito. My eyes greeted with Akiah's movement that surprised me. Ang bilis ng pag takbo niya patungo sa halimaw habang hawak hawak sa kamay niya ang espada.

Lumayo ako ng kaunti ng makitang sumampa ito sa halimaw kasabay ng pag talon ng anak ko pababa dito. Sa isang mabilis na kilos at bumulag ng panandalian sa mata ko ay nakita kong bumagsak ang halimaw.

"Wag niyong hayaan na mapunta sa bibig niyo ang dugo!" Paalala ni Cali.

Lahat kami ay napatalikod ng sumurit ang dugo nito na nagkalat sa buong lugar. Nang tuluyang mawala ang dugo, ay dahan dahan kong binalik ang tingin ko sa halimaw na ngayon ay nasa lupa na.

Narinig ko ang sigawan ng mga sundalo dahil doon. Isang napakalaking tinik ang nawala sa dibdib ko dahil sa pag wawaging nakikita ko sa harapan. Bigla naman akong hinatak ni Cali tska niyakap, tinapik ko ang likod niya bilang sagot.

"It's done! Tapos na!" Masayang sabi niya sa akin.

"Not yet." Maikling sabi ko sa kanya tska pumunta sa kinaroroonan ng halimaw.

Pumunta ako sa likurang parte hanggang sa nakita ko ang ulo ni Maya na nakatahi dito, ang sarap sa pakiramdam na tapos na ang laban sa mga halimaw pero halos malagutan ako ng hininga ng makita si Maya.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakita ko ang ulo ng mga taong tinuring ko bilang kaibigan. Kahit na masakit ay dahan dahan kong hiniwa ang ang ulo niya sa katawan ng halimaw tska hinawakan ang buhok nito.

Bahagyang gumagalaw pa ito dahil sa virus. Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago inilabas ang kutsilyo sa braso ko.

I brushed her hair off para mawala sa mukha nito ang mga nakaharang na hibla ng buhok, "You fought well, you can rest now." Mahinang bulong ko.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon