CHAPTER 46

16.3K 294 15
                                    

"Wala na akong bala." Bulong ko.

Ubos na ang mga bala ng mga baril namin, at wala na ring natira sa pana ng anak ko. Hindi pa rin namin napapatumba ang oso, nakakainis na patuloy ang pag atake sa amin ng halimaw na ito at hindi namin alam kung paano to talunin.

"Ako na." Seryosong sabi ni Ash, tanging ang hawak niya lang kasing espada ang natitirang armas sa amin habang hindi pa nakukuha ni Akiah yung patalim.

"Paano mo yan mapapatumba ha?!" Galit na sigaw ni Cali.

Nagulat ako ng biglang takpan ni Ionna ang bibig niya, tska may binulong. "Hinaan niyo ang boses niyo, it can react to sounds." Salaysay niya.

Nagtaka naman ako dahil doon, paanong mag re react yun sa tunog kung wala na itong ulo? Ibig sabihin wala na itong tenga.

"Wala kang sense ngayon, Ionna." Bulong pabalik ni Cali sa anak ko.

Huminto saglit ito bago inobserbayan ang oso sa harapan namin. Walang gumalaw at nag tangkang gumawa ng ingay sa amin. Kinuha ni Ionna ang isang baril ni Calista, at tinapon sa malayong parte ng lugar.

"See, it can react to sounds." Muling bulong ni Ionna, ng makita naming tumakbo ang halimaw na yun kung saan niya itinapon ang baril.

"I don't know the reason, baka may kung anong epekto ang virus sa sistema ng oso na yun, causing for it to react to certain sounds." Pagpapaliwanag niya.

Muling nag bato ng kung ano si Ionna sa kabilang parte, pero ngayon naman ay hindi gumalaw ang oso. We all looked puzzled because of that. Inulit ulit ni Ionna ang pag tapon pero wala ng react ang halimaw doon.

"Nag kaka mali rin pala ang apo ko." Pabirong sabi ni papa, nakita ko naman ngumisi ang anak ko.

"I don't think so lolo." Sagot niya.

"Ionna!" Mahina pero mariin kong tawag ng tumakbo siya palayo sa amin.

"I TOLD YOU IT CAN REACT TO A CERTAIN SOUNDS." Malakas na sigaw nito habang tumatakbo papunta sa ibang direksyon.

Nanlaki naman ang mata ko ng humarap sa direction ni Ionna ang halimaw tska siya hinabol nito. Halos takasan ako ng dibdib ko sa kaba ng makitang nag papahabol dito ang anak ko.

"VIONNA!" Malakas na sigaw ko, kinawayan niya lang ako na parang tumatakbo lang siya para sa isang marathon.

"Wow..." Hindi maka paniwalang bulong ni Ash.

"That...that was so unexpected." Sabi naman ni Cali.

"Talagang may pinagmanahan siya." Papa said habang nakatingin kay Ionna.

"That was you." Mahinang sabi ni Akiah ng makabalik, napalingon ako dahil sa kanya. I saw him smiling habang nakatingin sa anak ko. "Ikaw na ikaw ang anak mo." Dagdag niya pa.

Muli kong na ibinalik ang mga mata ko kay Ionna. She was running freely habang dinadampot ang mga panang nagamit niya na. Parang kung anong hinahatak niya lang iyun mula sa leeg ng mga halimaw na napatumba namin kanina.

Napako ang tingin ko sa kanya habang pinupulot niya ang mga iyun, kasabay ng pag tira niya sa direksyon ng halimaw. How whe arched her bow was so seamless, to the point that she was doing that like it was nothing hard. Sumasabay ang pag hawi ang puti niyang buhok sa hangin na sumasalubong sa pag takbo niya.

Hindi na ako nakapag isip at kinuha sa kamay ni Ash ang espadang ginamit niya. I followed my daughter's motion as I tried to find the right cue to help her. Hindi naman iyun nag tagal at naka kuha ako ng tyansa, una kong tinaggal ang isang paa ng halimaw dahilan para matumba ito.

Biglang nasa tabi ko naman si Akiah ng hindi ko namamalayan, siya naman ang pumutol sa likod na paa ng oso. I took the last cut of its feet kasabay ng pag talsik ng dugo nito. Sumirit ang dugo nito, nagulat ako ng biglang niyakap ako at itinalikod ni Akiah para hindi malagyan ng dugo.

"Yung sugat mo." Bulong niya sa akin.

Sumilip ako sa likuran niya ng makita si Ash at Cali na tinapos na ng tuluyang ang oso. Si papa naman ang huling tumingin at siniguradong hindi na makakabangon ang halimaw. Nakahinga naman kami ng maluwag ng sinenyas ni papa, na napuruhan na namin to.

"Shit, that was thrilling! Yung adrenaline rush sa katawan ko hindi pa nawawala." Maliksing sabi ni Ash, kasabay ng pag talon at pag takbo sa paligid.

Bigla namang binato ng lata ni Cali si Ash, na nasapol sa ulo nito dahilan para huminto siya kakatakbo. "Aray ko ha!" Pagrereklamo niya.

Bumalik ang pag tingin ko kay Akiah na nasa harap ko, hawak niya ang dalawang balikat ko habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Are you okay?" Tanong niya habang tumutulo ang dugo sa mukha niya galing sa halimaw.

Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang mga kamay ko para hindi umabot ang dugo nito sa mata at bibig niya. "I'm fine." Nakangiting sagot ko sa kanya habang nakahawak sa pisngi niya.

"Ikaw bata ka, wag mo na ulit gagawin yun ha!" Panenermon ni Papa kay Ionna, sumilip naman ako sa likod ni Akiah ng makitang pinapagalitan niya ang anak ko.

Tumawa lang ito at kumamot sa ilong iya. Lumapit naman ako doon para pagsabihan din siya. I let out a big sign bago nag salita.

"Alam kong matalino ka at malakas, pero hindi mo naman na kailangan patunayan yun." Seryoso pero mahinhin na sabi ko sa kanya.

Mukhang pinipigilan niyang ngumiti dahil sa mga salitang binitawan ko. Huminga ako ng malalim bago siya niyakap. She was indeed amazing for that.

"M-ma, inaamin mo na bang mas magaling ako sayo?" Nauutal na tanong niya habang pinipigilan nngumiti.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit, "You're not even close enough." Bulong ko.

"Huh? Pero sinabi mo-"

"Shh! Ako pa rin ang pinaka magaling at malakas dito." Pagpasok ko sa kanya at mas lalong diniin ang pag yakap sa kanya.

Natatawa na lang ako dahil nagpupumiglas siya na kumawala sa yakap ko, pero hindi niya magawa. See? I only had one arm by this moment pero hindi siya makawala sa akin, I was indeed the strongest lol.

Bumalik kami sa paglalakad, pero mas naging alerto kami dahil sa nangyari kanina. Dito sa parte ng nilalakaran namin galing ang mga halimaw, kung hindi pa talaga ito ubos ay baka mapasabak na naman kami sa laban.

Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Gel bago kami mag hiwalay, "Hindi namin kayang makipagsabayan sa inyo."

I'm not bragging about our skills, pero kung talaga ngang kasama namin sila ngayon ay baka mayroon ng hindi magandang nangyari sa kanila. Masyadong mabilis at malakas ang mga naging kalaban namin, hindi u ubra ang mabagal at hindi pulidong galaw sa mga halimaw na nakasalamuha namin.

Napaisip ako bigla, kamusta na kaya sila?

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon