CHAPTER 18

19.3K 320 14
                                    

"Marunong ka pala gumamit ng baril e." Sabi ko kay Yohan habang hinuhugasan ang kutsilyo ko.

May malapit na sapa kung saan kami namamalagi ngayong araw, ang habitable ng lugar na ito at talaga naman payapa. Inawan ko na rin muna sila habang nag ppractice ng mga kanya kanya nilang armas, wala naman akong planong isama si Yohan e kaso sumunod na naman.

"Sayo na nanggaling diba? Anak rin ako ng general, hindi lang ikaw." Mayabang na sabi niya habang nakatayo sa gilid ko.

Naalala ko naman yun, anak rin pala siya ng general na sumunod kay papa. May mga bagay talaga akong nakakalimutan, tska hindi ko naman inaasahan na ang isang lampang katulad ni Yohan ay magaling humawak ng baril.

"Wag ka masyadong mayabang, tyamba mo lang yun." Nangaasar na sabi ko sa kanya.

"Believe what you want to believe, hindi mo lang matanggap na hindi lang ikaw ang maggaling dito." Balik niya sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya bago tuluyang tumayo at pinunasan ang kutsilyo ko. "I don't have that kind of mentality, mas gugustuhin ko pang mas magaling kayo sa akin." Nakangising sabi ko.

Sa totoo lang, mas gusto kong mas magaling pa sa akin ang mga nasa paligid ko para hindi ko sila iintindihin na kailangan ko silang protektahan. Tska, I would feel much more better kung kaya nila ang sarili nila.

"Minsan nalilito ako sayo." He said.

Umupo naman ako sa malapit na kahoy bago mag salita, "Why?" I asked.

He also sat beside me, nakaharap kami ngayon sa palayan. Tanaw namin ang mga sasakyan pati na rin ang mga kasamahan naming nag eensayo. This scene was just so peaceful for me, kahit papaano ay narerelax niya ang utak ko na halos matuyot na sa pag aalala para sa anak ko.

"Hindi ko maintindihan kung mabait ka ba or hindi." Nag tatakang tanong niya sa akin.

"What?" Natatawang sagot ko.

"I mean, when I first approached you sa school ko ay ang bait mo then my second approach ko ay sinungitan mo ako hanggang ngayon. Ganon rin kanila Maya, Gel, pati Jen, nung unang kita mo sa kanila ay napaka sungit mo na parang wala kang balak na kausapin sila, pero now kahit papaano ay hindi na." He started, "Nakita ko kung anong ginawa mo kay Jen kanina, I saw the panic in your eyes ng makita mo siyang natumba." Seryosong sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin.

Napalunok naman ako sa sinabi niya, I tried to hide that. Bakit pati yun ay napansin niya?

"I'm not, nagulat lang ako sa pag bagsak niya. That's all." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"You're nice Sczekinah, ayaw mo lang ipakita." He quoted while smiling without looking at me.

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niya. It was true that I cared pero hindi naman ibig sabihin nun ay mabait ako. I just did what I needed to do for the people around me, and keeping them safe is my top priority kahit pa ang dating ko sa kanila ay masamang tao.

"Showing who you really are doesn't make you weak." Dagdag pa nito tska tumingin sa akin at ngumiti ng matamis.

Walang buhay ang mga mata kong tumitig sa kanya. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya kasabay ng maamo niyang ngiti na binabato sa akin. Napa buntong hininga na lang ako at binaling rin ang tingin ko sa palayan.

"Sa trabaho ko, I need to be the strongest every time. Sa akin umaasa ang mga tao sa paligid ko, if they will see me throwing emotions in some situation they will doubt me and I can't have their trust to feel safe with me." Walang ganang sambit ko.

Hindi ako pwedeng mag pakita ng kahit anong emosyon sa kahit na kanino, it can be both my weakness and straight. Mas pipiliin ko na lang maging lakas ang pagbibigay ng walang emosyong mukha kaysa gamitin nila ito laban sa akin. I want everyone to be have the best life they deserve, kahit pa kapalit ang pag kaguho ng buhay ko.

Simula ng mawala si Lexus, ay pinangako sa sarili ko na proprotektahan ko lahat ng tao sa paligid lalo na't hindi ko nagawa yun sa kanya. Kung maari lang na lahat ay maligtas ko para walang tao ang makaranas ng sakit na naranasan ko ng mawala ang pinakamamahal ko sa buhay ay gagawin ko.

That pain ruined me, and I don't want others to feel the same.

"Take it easy Sczekinah, mas magaan lumaban sa mundong ito kapag may kasangga ka." Muli niyang sabi habang nakatingin sa akin ng malalim.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na sa kinauupuan namin. I need to train to, hindi porket kaya ko na ay hihinto na ako. I still need to learn and maintain my stamina, the last few months are kinda peaceful. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari and I need to prepare for that.

"Pwede may tanong?" I mumbled into Yohan's direction.

Napalingon naman siya sa akin. "Wow, bago yan ah. Nag paalam ka muna bago ako tanungin?" Nang aasar na sabi niya.

"Oh edi wag na." Masungit na sabi ko tska nag pauna mag lakad, ano akala niya pipilitin ko siya?

"Hoy joke lang! Ito naman di mabiro, ano ba yun?" Habol niya sa akin, pinantayan niya naman ang bilis ng pag lalakad ko.

"Wala na, nakalimutan ko na." Walang ganang sabi ko at nag patuloy mag lakad.

"Ay hala, gagi nagtatampo ka?" Natatawang sabi niya, hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa lakad, "Hoy gagi sorry na, eto na susuyuin na kita-"

"Can you just shut the fuck up?" Seryosong sabi ko sabay ng paghinto sa pag lalakad ko.

"Uy..." Natigilan naman siya, "Ang lutong ng pag kamura mo sa akin ah. Ano ba yung gusto mong itanong? Sorry na susutyuin naman kita kung gusto mo-"

"Baka nakakalimutan mo hindi tayo close, Yohan." Mariin na sabi ko sa kanya.

"H-ha?"

Agad nawala ang maamo kong pagkatao kanina dahil sa sinabi niya, I need to watch myself out. Nagiging malambot na ako sa mga tao sa paligid ko.

"Don't use that word for me, I hate that word if that was referring to me at hindi galing sa bibig ni Alexus-"

"Alin? Yung susuyuin?" Nag tatakang tanong niya sa akin at pinaling pa ng bahagya ang ulo habang nakatitig sa akin.

Hindi ko siya sinagot at diretso lang nakatingin sa kanya. I hate those words, isang tao lang ang hinhaayaan kong sabihin ako ng ganon ang that was Alexus. That word was so heavy for me, maarte na kung maarte but that word keeps on reminding me how Alexus treat me.

"I don't like that word." Seryosong sabi ko bago siya tinalikuran at naglalakad palayo.

Naalala ko kung paano ako suyuin ni Alexus sa kahit anong paraan, that simple words keep on striking me and makes me remember kung gaano ako kamahal ng asawa ko at pinapaalala rin na wala na siya at hindi ko na siya mahahagkan.

Masyadong mababaw ang dahilan ko pero bumibigat ang dibdib ko, nangingilid ang luha sa mga mata ko at pilit kong pinipigilan ang pagbagsak nito. Kapag usapan talaga tungkol sa asawa ko at para akong nagbabalat ng sibuyas sa bilis ng pamumuo ng luha sa di malamang dahilan.

I hate the fact that I'm hurting, but I love that pain when he was the reason for it. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon