Makalipas ng sa tingin ko ay isang oras na pag babad ay umahon na rin ako, at kukunin na sana ang mga damit ko sa gilid.
Kumunot na lang ang noo ko ng hindi ko makita ang mga damit ko pati na rin ang baril ko, bigla kong nilingon ang mga mata ko sa paligid ng pero wala naman akong makitang bakas ng damit.
"What the..." Bulong ko sa sarili, inis na nilibot ko muli ang mga mata ko.
Hindi ako makaahon dahil hinubad ko lahat ng damit dahil ayokong may telang sumabagal sa pag ligo ko, mukhang maling desisyon ang ginawa ko. Inisip ko naman kung sino ang pwedeng kumuha nun, wala akong maisip kung sino.
Pang ilang beses ko na ito maligo dito pero ngayon lang nawala ang mga damit ko, sigurado naman akong hindi yun kukunin ng mga kasama ko.
Napabuntong hininga na lang ako at muling bumabad sa tubig, ang kaninang relaxing feeling na nadarama ko ay napalitan ng inis at pag salubong ng mga kilay ko.
Walang kahit sino sa paligid ko, baka naman ay tinangay yung ng hayop pero pati ang baril ko ay kukunin? At anong klaseng hayop ang kukuha ng mga damit ko ha?!
"Sczekinah? Andito ka ba?" Lumaki ang mata ko ng makita ko si Jen na lumapit sa direksyon ko.
"Jen!" Tawag ko sa kanya, bigla naman siyang tumingin sa akin tska lumapit.
"Hala, anong nangyari? Bakit nag lublob ka dyan?" Nag aalalang tanong niya at lumapit pa ng maigi.
"May kumuha ng damit ko." Mariin na sabi ko sa kanya tska pinihit ang ulo niya sa akin.
"Huh? Sino naman kukuha ng damit mo- hala!" Naputol ang sasabihin niya ng nagulat siya ng biglang may nahulog na ibon sa harap.
Naningkit ang mga mata ko doon, dahil hindi yun kung anong ibon lang. Nahulog ang ibon dahil may pumana dito, agad na napatingin ako kay Jen.
"Kuhaan mo ako ng damit!" Mariin na sabi ko, agad naman siyang tumakbo para makakuha ng damit.
Naalerto ako sa paligid ko, walang gumagamit ng pana sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay may ibang tao dito sa paligid, this is the first time this thing happen sa loob ng apat na taon.
"Fuck." I cursed ng matamaan ako ng pana sa braso ko.
Agad na hinawakan ko yun ng maramdaman ang pag tarak nito, dahil nasa tubig ako ay agad kong nakita ang pag halo ng dugo sa tubig, napapikit na rin ako ng maramdaman na pinasok ng tubig ang braso ko.
"Sczekinah!" Sigaw ni Jen ng makaita ako.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya, hindi ko siya masisisi dahil pati ako ay nagulat. Mahapdi at masakit ang nasa braso ko, asintado ang pumana nun ay talaga bumaon sa akin. Halos maluha ako sa sakit pero pinigilan ko, ini abot naman sa akin ni Jen ang damit kaya agad na kinuha ko yun.
Dahil nga may pana sa braso ko ay hindi ko maisuot ng buo ang damit, kaya naman ay hinayaan ko na lang itong naksukbit sa kabila kong braso. Agad na umahon ako at pumunta sa posisyon ni Jen ng bigla na namang may panang lumipad sa direksyon namin.
Agresibong akong lumingon sa paligid ko pero wala akong nakita, mapuno dito at napakaraming posibleng pag taguan ng taong gumagawa nun. Hinatak ko na paalis si Jen sa lugar na yun dahil agrabyado kami, wala kaming armas at hindi namin alam kung nasaan ang kalaban.
"S-sczekinah yung braso mo..." Nag aalalang sabi niya sa akin, wala akong sinabi at patuloy lang sa paghatak sa kanya.
Paglingon ko sa braso ko ay nakita kong napaka raming dugo na ang umaagos mula doon, shit.
![](https://img.wattpad.com/cover/367431048-288-k354335.jpg)
BINABASA MO ANG
That Shot
Ciencia FicciónSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...