CHAPTER 20

19K 323 19
                                    

"U-uh..ang sarap..." Hiningal na sabi ni Yohan.

"Shit..." Sinundan pa ni Gel, na halos maglaway naman sa iniihaw ni papa.

I looked at them in disgust dahil sa mga reaksyon nila, grabe ang mga oa naman.

"Ang galing mo mang hunt ah." Puri ni Papa kay Maya.

Tahimik lang ako habang pinapanood sila, umiinom lang din ako sa tubig dito sa gilid. Nakauwi naman kami ng ligtas pero hanggang sa pag uwi namin ay hindi alam ni Maya na sinundan ko siya.

Wala siyang natamaan kahit isa, pero pinag mukha kong naka dali siya ng mga dagang bundok. Nung hindi siya nakatingin ay nag bato ako sa may hindi kalayuan, nung narinig naman niya yun ay agad siyang nag paputok at pinalabas ko na naka tama siya. Buti na lang at hindi niya napansin na medyo matagal ng patay ang mga yun, dahil ilang oras ko na rin yung bitbit.

Halos mag agawan sila ng ihain ni papa ang karne, iniling ko na lang ang sarili ko habang nakatingin sa kanila.

"Wag kang kakain nito ah, napaka arte mo." Pabirong sabi ni papa.

Tinawan ko naman siya bago sumagot, "Hindi talaga, kapag yan may sakit katulad ng mga halimaw bahala kayo sa buhay niyo tatarakan ko agad ang mga leeg niyo." Nang aasar na sabi ko.

Nakita kong dahan dahan nilang ibinaba ang karne na dapat ay isusubo nila, natawa naman ako sa mga reaksyon nila. Mukhang natakot sila sa sinabi ko.

Hindi ako nag salita at kumain na lang gulay na pinakuluan, I prefer to eat this kind of foods. Mas makakapag bigay ito ng enerhiya sa akin kaysa sa mga matataba at masesebong karne na yan.

Malapit na rin mag dilim kaya binilisan na nila ang pagkain kahit na medyo nag aalangan pa, ako ang unang natapos kaya tumayo na lang din ako bago umakyat sa taas ng truck. Balak kong mag stay dito kahit na bumaba na ang araw.

Ang tagal na rin kasi simula ng nakalabas ako ng gabi, baka dito na rin ako dalawin ng antok. Mataas naman itong truck kaya paniguradong hindi naman ako lalapain at maabot ng mga halimaw dito, lalo na ay kasing laki lang nila ang average na mga tao.

Inihiga ko na lang ang sarili ko habang nakatingin sa langit, syempre ay nasa tabi ko ang baril ko pati na rin ang kutsilyo sa leeg ko. I still need to be careful.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng mawala sa akin si Ionna, kapag talaga naiiwan akong mag isa si Ionna o kaya si Alexus ang pumapasok sa isip ko.

Palubog na ang araw at may unti unti na akong naririnig na ingay mula sa halimaw sa paligid, na mukhang palabas na sila sa pinag tataguan nila.

Simula ng ma diskobre namin na nawawala sila tuwing umaga, ay hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan sila napupunta, para banag tinatago sila ng lupa.

"Fuck, asan si Sczekinah?!"

"Hindi ko po nakita!"

"Hanapin nyo si Sczekinah-"

"Ang ingay niyo." Sabi ko sa kanila at sumilip sa baba, natawa ko ng makita silang nag papanic. "Mga OA." Sabi ko pa tska bumalik sa pag kakahilata.

Mukhang hindi nila nakita na umakyat ako dito kaya nag panic sila, at least I know na kapag wala ako ay hahanapin nila ako.

"Bumaba ka dyan mag gagabi na." Mariin na utos ni papa.

"Pumasok na kayo, okay lang ako dito." Panlalaban na sabi ko.

"Sczekinah." Seryosong tawag sa akin ni papa, dahilan para sumilip ulit ako.

Napangisi na lang ako ng makitang lahat sila at nakatingala sa posisyon ko, "Stop overreacting, I'll be fine here. Pumasok na kayo sa loob, ilang segundo na lang at makakaabot na dito ang mga halimaw." I warned them.

Hindi inalis sa akin ni papa ang tingin niya as he looked at me dead into my eyes, tinawanan ko lang siya at kinaway ang kamay ko bago tuluyang bumalik sa pag kakahiga at pag tingin sa mga bituin.

"Bang the roof if something happens." He reminded me, pinakita ko lang ang kamay ko at nag thumbs up sa kanya.

Mukhang pumasok na rin sila sa loob ng marinig kong sinara nila ang pintuan ng sasakyan, tsaka naman ako natahimik.

Si papa ang pinaka kinatatakutan sa field nila when he was still a general, pero walang magawa sa lahat ng gusto kong ikilos. Minsan nga ay nababatukan na lang ako nila Akiah kapag nakikita nilang sina sagot ko si papa ng pabalang e.

E sa ganon kami mag usap ni papa eh.

He was a general pero hindi kayang sipulin ang nag iisa niyang anak, pakiramdam ko ay kay mama nga talaga ako nagmana ng ugali e. Napapakamot na lang talaga si papa sa mga inaasal ko, lalo ng nawala si mama ay lagi niyang sinasabi na parang hindi niya ramdam dahil kamukhang kamukha ko si mama pero mas masama pa daw ang ugali ko. Hmp.

Napangiti na lang ako na wala sa sarili ng ibalik ko ang tingin ko sa mga bituin sa langit, it makes me feel relax as I reminisce my memories sa past ko. Napaka daming masayang memorya ang nasa utak ko pero napakasakit na mga alaala ang kapalit noon.

Palakas ng palakas ang pag ungol ng mga halimaw sa baba ko, I crawled into the edge of the roof para makita sila.

Natawa na lang ako ng may makita akong halimaw na may balde sa ulo, hindi ko tuloy maisip kung paano yun napunta sa ulo niya. Pinaikot ko ang mga mata ko paligid, this is kinda entertaining to watch medyo tanga pala itong mga halimaw na ito.

Pilit kong pinigilan ang sarili ko ng may makita akong nahulog sa may kanal na nag sanhi ng medyo malakas na tunog dahilan para lapitan siya ng kapwa niya halimaw. Kinagat ko na ang ibabang labi ko ng makitang sunod sunod silang mahulog. Mga tanga amp.

Nag eenjoy akong manood dito ng may isang pumukaw ng atensyon ko, hindi siya sumunod doon sa mga halimaw na nahuhulog sa kanal.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero bumagsak ang temperatura ng katawan ko kasabay ng panginginig ng mga kamay. Hindi malinaw sa mga mata ko dahil medyo may kalayuan ito at lumalalim na rin ang gabi ko.

Tiningnan ko pa ito ng maiigi at halos bagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko kung ano ang suot ng maliit na halimaw...it was the same uniform pati na rin ang pagkalugay ng buhok ni Ionna. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon