I can't believe what my eyes are seeing.
Hindi lang halimaw ang hindi ko mapa niwalaan, pati na rin ang taong nasa harap ko. Nag tama ang mga mata namin at kita ko ang gulat sa mga mata niya, bigla naman itong nawala ng makarating sa posisyon ko ang halimaw.
Nagulat ako ng bigla niyang tapakan ang ulo nito dahilan para magkalat ang utak, laman at dugo dito sa kinaroroonan ko. Muli ulit siyang tumingin sa akin na para bang tinitingnan kung tama ba ang nakikita ng mga mata niya,
Nakapako lang din ang tingin ko sa kanya, kita kong naningkit ang mga mata niya ng umabot ito sa braso ko. His brows furrowed because of that, dahan dahan siyang lumapit sa akin dahil doon pero huminto rin.
"Sczekinah!" Malakas na sigaw ni Akiah.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaki, muli niya akong tingnan bago tumakbo diretso sa loob ng kwarto. Sinundan ko siya ng mata tska bigla siyang nawala, hindi ko alam kung saan siya dumaan o lumusot pero nawala siya.
Blanko ang mukha ko dahil sa gulat, pero tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. "A-Alexus..." Mahinang bulong ko.
"Sczekinah." Mariing tawag sa akin ni Akiah, kasabay ng mahigpit na pag yakap sa ng makita niya ako.
Hindi ko nasagot ang yakap niya, nakatingin pa rin ako sa kung saan tumakbo ang...asawa ko.
"S-si Alexus.." Umiiyak na sabi ko, napa hiwalay siya sa akin dahil dito. "Nakita ko si Alexus!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Akiah, nakita ko si Alexus. Nakita ko ang asawa ko." Patuloy ako sa pag iyak habang nakayakap si Akiah sa akin.
"Shh." Pag papatahan niya, bumigat ang dibdib ko.
Hindi ko mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, nakita ko ang asawa ko. Tangina nakita ko ang asawa kong pitong taon ng patay.
"A-alexus." Nanginginig na tawag ko, pilit akong tumatayo pero hindi ako hinahayaan ni Akiah, na nakayakap lang.
"Tama na, tama na Sczekinah." Paos na sabi niya sa akin.
Nanlabo na ang paningin ko dahil sa luha, nahihilo ako dahil na rin siguro sa dugong nawala sa akin pati na rin sa sakit na nararamdaman ng katawan at puso ko. I slowly closed my eyes while crying, resting my head into Akiah's shoulder.
—----------------------------
AKIAH'S POV
"Where is Sczekinah?" Bigla kong inikot ang mga mata ko ng mawala siya sa paningin ko.
Lumingon ako sa likuran, pero hindi ko siya nakita. I checked all the rooms where we passed by but she wasn't there.
"Fuck." Bulong ko sa sarili ko at hinanap siya sa paligid.
"I thought nasa likod lang siya?" Natarantang tanong na rin ni Calista, pati sila ay inikot na ang buong paligid.
Bigla akong kinabahan dahil sa pag kawala niya, ang bilis ng kilos at pag bukas ko sa lahat ng pinto pero walang nakitang Sczekinah. I brush my hair in frustration, this place was huge as fuck.
Mabigat na ang paghinga ko, alam kong kaya protektahan ni Sczekinah ang sarili niya pero hindi sa sitwasyon na ito. Her arms were messed up, even though she tried to hide the pain she's feeling. I know she's slowly losing herself. Sczekinah, or what I call her Aki, is the most important person to me.
Ang sakit para sa akin na makita ko ang kalagayan niya, I'm always with her since we got back together pero wala akong ideya sa kung anong nararamdaman niya. I want to scream and throw things ng hindi ko sinasadyang mahawakan ang braso niya.
I want to make her safe and well habang kasama ako, pero fuck nawala siya sa paningin ko!
Mag lalakad na sana ako papunta sa ibang direksyon when I heard something. "Akiah!" Malakas na sigaw ni Aki.
Bigla akong kinabahan sa lakas ng pag tawag niya sa akin, hindi ko na namalayan na bumilis na ang pag lakad ko na naging takbo dahil sa sigaw ni Sczekinah. Pabigat ng pabigat ang kaba sa dibdib ko dahil doon.
Nakarating ako sa dulo ng makita ko ang bag niya, papasok na sana ako doon ng may mahigip ang mata ko na may tumakbo pa pasok. My heart sink, agad na lumapit ako sa posisyon na iyun.
Pinalibot ko ang mata ko sa kwarto ng makapasok ako, but my eyes shot dead ng makita ko siya. Lumubog ako dibdib ko, may mga luhang namuo sa mga mata ko dahil sa posisyon niya ngayon. She was crying, puno ng dugo ang katawan niya at isang putol na kamay na halimaw ang nasa harap niya. Sabog rin ang ulo nito at nag kalat sa paligid ang utak nito.
Pinaling ko agad ang ulo ko at mabilis na pumunta sa direksyon ni Sczekinah at niyakap siya. Parang hinalukay ang puso ko ng makitang nakausli na ang laman ng braso niya at kitang kita na ang buto. Wala akong pake don, she needs me. I need to calm her kasabay ng mahigpit na pag yakap ko sa kanya ignoring her state for a moment.
"A-Alexus." Umiiyak na sabi niya dahilan para sumingkit ang mata ko bago humarap sa kanya.
She was bawling her eyes out, she was not crying because of the pain na nararamdaman niya sa braso, she's crying for someone else.
Sumikip na naman ang dibdib ko dahil doon, hindi pa rin ako sanay na hinahanap niya si Alexus kahit na ako ang andito. Ang sakit pa rin, but I can't do anything about that.
Mahigpit ko lang siyang hinagkan sa mga braso ko habang patuloy sa pag sigaw at pag iyak, ang hirap na makita siyang ganito. I bit my lower lips to stop myself from crying. Everytime that she feels like this, it hurts me too.
Nakita kong dumating na rin sila Cali sa loob ng kwarto, iniling ko ang ulo ko para sabihin na hayaan muna nila si Aki. Makalipas ang ilang minutong pag iyak niya ay nararamdaman kong huminto siya, agad na nilayo ko siya ng marahan sa akin. She passed out, shit.
"Lay her dito, Tito." Sabi sa akin ni Ionna na siyang ginawa ko.
Ginamot ni Ionna ang mga sugat ni Aki pero hindi niya na magawan ng paraan ang braso nito. "M-mama.." Umiiyak na sabi nito habang ginagawa ang lahat ng kaya niya.
Patuloy rin siya sa pag punas ng luha niya, nanginginig rin ang mga kamay niya habang tinatahi ang mga parteng kaya niya pang isalba. General, looked at her daughter dead in his eyes. I know he was worried at kita ko naman sa mga mata niya yun.
"I...I can't save her arms...I...I need to cut it...all.." Kapos na sabi ni Ionna.
Bumigat ang dibdib ko dahil doon, at napasapo ko ang ulo ko, Fuck.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...