CHAPTER 22

20.5K 357 52
                                    

"Punyeta ka talaga, Yohan!" Malakas na sigaw ni Gel habang tumatakbo.

Para kaming mga timang dito, hinahabol na kami ng mga halimaw pero ginagawa parin naming mag biruan at mag asaran.

"Pag ako namatay dito at hindi nakabalik kay Jen, ikaw una kong lalapain tangina mo-"

"Kadiri ka! Hindi ako mag papalapa sayo!" Nang aasar na sagot naman ni Yohan habang tumatakbo, "Kay Sczekinah, pwede pa. Sayo? Pasabugin ko pa ulo mo." Dagdag niyo.

"Bilisan niyo na! Mamatay na tayo, asaran pa kayo ng asaran!" Sambit ko at mas binilisan ang takbo.

Luamabas kasi kami ngayong gabi para makapag hanap ng gamot, grabe kasi ang puson ni Jen. Halos mamilipit at mawalan na siya ng malay dahil sa sakit, kaya kahit gabi na ay nandito kami ngayon nakikipag patinero kay kamatayan.

It's been 4 years since this outbreak happen, apat na taon na...

Apat na taon na kaming mag kakasama, apat na taon na rin simula ng mag bago ang mundong ginagalawan namin. Humaba na ang maiksi kong buhok na ngayon ay nasa may balakang ko na, marami ng nagbago sa itsura namin pero wala paring nag bago sa mundong ito.

Sa loob ng apat na taon, marami kaming natutunan at parang naging laro na lang sa amin ang makipag habulan sa mga halimaw kapag gabi. Andoon pa rin ang kaba at takot pero mas kinakaya na namin ito kaysa dati.

Agad na inabot ni Yohan ang kamay ko para makaakyat dito sa ma balcony ng kung kaninong bahay dahil siya ang unang nag abot dito. Hinatak ko rin nang kamay ni Gel para maka akyat, lahat kami ay hinihingal sa pag habol ng hininga namin sa kakatakbo.

Napakaraming halimaw sa baba namin na pilit kaming inaabot, pero halata naman na hindi nila kaya yun. Sa loob ng mahabang panahon ay mas naiintindihan namin na wala silang kayang gawin maliban sa manggat at manlapa. They are indeed dumb.

Malapit na sumikat ang araw kaya nag pahinga muna kami dito sa may balcony bago naisipang bumalik. Masyadong marami ang naka palibot sa amin, hindi porket sanay na kami at hindi na kami mag iingat.

After that night, kung saan muntik na akong mapahamak ay maraming bagay akong na realize. Sabihin ko mang malakas ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko ay alam kong hindi ko kakayanin mag isa kung wala itong mga ito sa tabi ko.

In this world where unknown creatures roamed, I found peace in everyone's violence.

"Gising na!" Yohan softly screamed into Gel's ears kasabay ng pag sampal sa mukha nito.

Si Yohan na talaga ang official alarm namin, kahit anong pagod o puyat niya laging napaka aga niya gumising at siya pa talaga ang kumakalog sa aming lahat.

Nagising naman si Gel dahil doon at hinampas ng baril niya si Yohan sa may braso, mahina lang naman yun pero talagang OA lang ito si Yohan.

"Nanakit oh!" Pag susumbong niya sa akin sabay tago sa likod ko.

Natawa na lang ako at tumayo na, sumikat na rin ang araw kaya agad na bumaba na kami sa balcony. As I always do tinalon ko lang iyon, habang si Yohan at Gel naman at nahihirapan bumaba. Agad rin naman kaming bumalik kung saan kami nag s-stay.

Hanggang ngayon ay gumagana pa rin ang truck na siyang ginamit namin apat na taon nakalipas, grabe rin kasi ang pag aalaga dito ni papa. Ang mga gulong na bubutas ay kayang agapan ni papa, at kung hindi naman ay wala kaming magagawa kundi ang mag hanap.

Kahit gaano pa kalayo ang lugar kung saan kami makakahanap ng gulong o kahit anong parte na kailangan ng sasakyan ay need naming puntahan. One time, ilang bayan ang layo nito sa sasakyan namin dahilan para abutan kami ng isang linggo bago makabalik. Hindi rin namin maiwan itong sasakyan dahil halos lahat nng kailangan namin ay andito.

"Ugh sa wakas makakapag pahinga na!" Reklamo ni Yohan sabay humiga sa lapag.

Wala ng kahit anong arte sa katawan niya unlike the first time i saw him, talagang na sanay na rin siya sa buhay namin dito. Nahawa na rin siya sa katabilan ng dila ni Gel dahil sila na ang laging mag kaasaran lalo na kapag inaasar ni Yohan si Jen.

"Maliligo muna ako." Sabi ko at lumayo sa kanila.

May ilog kasi sa harap kung saan kami ngayon, minsan lang kami makaligo pero ng lumipat kami sa lugar na ito which is 1 month ago ay araw araw na kaming nakakaligo.

Hinubad ko ang damit na suot ko at binaba ang mga gamit ko, kasabay na rin ng pag tabi ko sa kutsilyo ko doon. Dahan dahan akong bumaba at dinadama ang tubig sa mga paa ko. Bumabad na ako sa tubig as I felt the cold water embrace my skin, medyo malayo ako sa posisyon nila Yohan kaya okay lang na mag babad ako dito.

Pinaagos ko lang sa balat ko ang tubig as i felt that breezing myself, this thing makes me relax at parang nawawala lahat ng mabibigat na bagay sa utak ko.

Kahit na mahirap at pinalilibutan kami ng mga halimaw, kahit na pwede akong mamatay at mainfect ng kung anong virus na kumakalat ngayon ay masasabi kong masaya ako. Yohan was right, mas gagaan ang pakikipag laban sa mundong ito, kapag may kasanga ka.

Sa tagal naming nag iikot ay wala kaming nakita ni isang survivoor maliban sa amin, unti na lang ay sasanggi na sa utak ko na kami na lang ang natitirang buhay sa mundong ito.

Wala ni isa kaming nakita o nakahalubilo, this world was dead. The people of this world are dead, but not the world itself.

Simula ng pumutok ang trahedya ay marami akong napansin na pagbabago sa mundo, ang napaka init na sikat ng araw noon ay unti unting nagiging bearable. Hindi rin kami nakaranas ng napaka lakas na ulan o bagyo man, at kahit saan kaming makarating ay napapansin kong mas berde ang kulay ng mga dahon kaysa dati. Ang mga bayan naman na dinaraan namin at tinutubuan na ng mga halaman sa kahit nasaan.

The world is slowly healing from the abuse of people who lived here.

May negatibo at positibong epekto ang trahedya na ito, masakit lang tanggapin na kailangan mawala ng sibilisasyon ng mga tao para lang makahinga ang mundo ng mawala niya ang sarili niya after those decades of suffering.

Apat na taon palang ang nakalipas, pero kitang kita ko na ang napakalaking pagbabago ng paligid ko. I love how it heals, but I hate the way it heals. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon