Sinundan ko ang agos ng mga sundalo sa harapan ko. Hindi naman kami nataggalan na makarating sa quarter 6.1 kasi ginamit namin ang horizontal elevator.
Hindi na rin namin hinayaan na antayin pa itong makarating, dahil tinakbo na namin ito. Hinawi ko pa ang mga sundalo sa harapan ko para maka sunod sa bilis nila Cali.
"Ano bang meron sa Quarter sa 6.1?!" Nagtatakang tanong ko habang sinasabayan ang bilis ng lakad ng anak ko.
"If I'm right those specimen na nakita natin sa kwartong yun is something that we didn't expect to. That fluid kung saan nakalublob sila isn't just a water," Pag papaliwang niya.
"Vionna, hindi ko maintindihan." Seryosong sabi ko.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nag salita, "Infected ang mga yun, hindi sila katulad ng mga ordinaryong halimaw sa taas. In short, sila ang final boss dito." Tanging sagot niya.
Hindi pa man kami tuluyang nakakarating kung saan kami pupunta ay isang mabahong amoy ang umaalingasaw sa buong paligid. Kinabahan ang katawan ko ng muli kong marinig ang mga ungol ng halimaw na ilang buwan ko ng hindi naririnig.
Napako ang mga mata ko sa direksyon kung saan nanggaling ang tunog. Lahat kami ay napahinto, humigpit ang hawak ng mga sundalo sa mga baril nila pati na rin kami.
Ramdam ko ang pag atras nila, may pag tataka rin sa mukha nila. Ang sabi sa akin ni papa, ay totoong wala silang alam sa kung ano ang nangyayari sa labas at napilitang bumaba dito dahil tinakot sila. This will be the first time they will see an infected, sana ay kayanin nila.
"Sczekinah." Rinig kong tawag ni Cali sa akin.
Tumingin ako sa harapan, my jaw dropped when I saw things I didn't expect.
"A-ano yang mga yan?" Gulat na tanong ng isang sundalo sa harapan ko.
Napalunok ako sa nakikita ng mga mata ko. I saw different types of infected animals, nanlalamig ang buong katawan ko when I saw something big at the back of that.
"Brace yourself! Wag niyong hayaan na makagat kayo-"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang sumugod sa direksyon namin ang isang halimaw, kabayo ang porma nun. Ang laki at ang bilis ng pagtakbo nito, nagulantang pa ako sa kung paano yun sumugod pero agad naman na natauhan ako.
Itinaas ko ang baril ko tska sunod sunod na nagpaputok, "Ihanda niyo ang sarili niyo!" Sigaw ko.
Kita ko ang pagka alarma sa lahat ng sundalong kasama namin. Sunod sunod na pag papaputok na rin ang naririnig ko sa paligid, may nga napabagsak na kami pero hindi ko yun kasing rami ng sumusugod sa amin.
"Sa mga marunong gumamit ng espada, gamitin niyo! Immune sila sa bala, mas madali kung putulin niyo sila!" Sigaw ni Ash.
Nakuha naman yun ng mga kasama namin tska inilabas ang mga patalim. Buti na lang talaga at mga trained na sundalo nag kasama namin, dahil kahit na inaatake na ang direksyon namin ay kayang kaya nilang makipagsabayan.
Ginamit ko na rin ang braso ko. Isang kutsilyo at baril na ang nasa kamay ko. Mahirap kalabanin itong mga halimaw na ito at patumbahin pero mas nagamay ko na ito lalo na pangalawang beses na namin sila nakalaban.
Nakatuon ang atensyon ko sa nasa harap ko, kaya laking gulat ko ng biglang merong bumagsak sa gilid ko.
"Take care, Aki." Nakangising sabi ni Akiah na hawak ang espada sa isa niyang kamay.
Nginitian ko siya tska tinanungaan, mukhang naayos niya na ang problema kay Alexus kaya andito na siya para tumulong.
Isang napaka laking buntong hininga ang binitawan ko, kahit na kasi mga sundalo ang lumalaban dito ay hindi pa rin nawawala ang mga nasusugatan at nakakagat. Kapag nabawasan kami ay siguradong madadagdagan ang mga kalaban, dahil sa infection.
BINABASA MO ANG
That Shot
Science FictionSczekinah Leeana Salfento is not your typical woman. She was part of a special task force as she led the team. It was just a normal day for her and her daughter as they enjoyed the family event that her daughter looked forward to when suddenly an ou...