CHAPTER 28

20.1K 418 25
                                    

"That day, we're supposed to surprise you and Ionna kasi nga birthday niya nun diba?" Ash confided, "Pumunta kami nun sa school ni Ionna, kahit na isang araw lang yung off na binigay sa amin ni Com. Rod." Dagdag niya pa.

Diretsong lang akong nakatingin sa kanila, para bang ayaw na humiwalay ng mga mata ko sa kanila dahil natatakot ako na baka mawala sila sa akin. Nasa tabi ko rin ang anak ko na nakayakap, ayaw ko rin siyang pakawalan.

I maybe found a new team na nakasama ko sa paglaban sa loob ng apat na taon, pero iba parin ang saya at nararamdaman ko ngayon when my home friends was in front of me.

"So, kayo ang kumuha kay Ionna that day?" I asked.

"Yes, nakakagulo na kasi nung araw na yun. Totally, kakarating lang namin nun ng makita na sinugod si Ionna ng halimaw. Hindi na kami nag dalawang isip to knock that monster off at tinangay ang anak mo...sorry..." Naiiyak na sabi ni Calista.

I bit my inner cheek para pigilan ang sarili ko, masakit pero napakasaya ko na sila ang naging kasama ni Ionna since that day.

Inabot ko ang kamay ni Calista at hinaplos yun, "I understand, you don't need to say sorry. Ako ang dapat magpasalamat sa inyo, hindi ko alam how can I repay you for taking care of my daughter." Mariin na sabi ko habang nakatitig sa kanya, umiiling naman siya.

"Tanga, bakit ka nagpapasalamat sa amin?" Natatawang sabi niya bago pinunasan ang luha sa mga mata, "Alam mo namang hindi pa lumalabas sa tiyan mo si Ionna, ay gusto ko na siyang kidnappin para sa sarili ko." Pabirong sabi niya.

Natawa na lang ako bago pinunasan rin ang luha sa mga mata ko. I suddenly remembered kung paano ako kinulit ni Calista noon na sa kanya nalang daw si Ionna kapag ayaw ko dito. Ilang beses pa kami nagtalo noon dahil pinipilit niya akong ibigay na lang sa kanya ang anak ko.

"Mama, I'm sorry." Napabaling ako sa anak ko ng mag salita siya at dahan dahan na humiwalay sa yakap ko.

"Hmm?" I hummed.

"Sorry po kasi...napana kita, I taught you're a monster kasi-"

Hindi ko siya pinatapos mag salita at muling niyakap at tumawa, "Kahit ulitin mo pa, basta hindi ka na mawawala sa akin. Okay lang kahit ilang beses mo akong panain." I jested.

"Mama naman eh!" She protested.

Tumawa na lang ako dahil doon at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Damn, I dreamed for so long na mangyari ulit to.

"Kung nandito si Alexus pakiramdam ko sumabog na ang ulo mo Akiah." Naiiling na sabi ni Ash habang nakatingin sa amin.

Pinihit ko ang ulo ko sa direksyon ni Akiah na nasa tabi ko ngayon, kanina niya pa kasi hawak ang bewang ko at mariin na nilalapit ako sa kanya. Hindi ko na siya pinipigilan kasi ganito naman niya talaga ako tratuhin, and he was the third person in this world I'm comfortable with. Una si Alexus, si Vionna, at siya, he was the only man who can get close to me like this since mawala si Alexus.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Akiah, tska naman si inirapan ni Ash na hinatak rin papunta sa kanya si Calista. Wala paring nagbabago sa dalawang ito.

Napatingin ako sa langit tska ko napag tanto na malapit na pala mag dilim, "Kailangan ko ng bumalik sa grupo ko, hahanapin nila ako." I spoke.

"Should we go there?" Tanong sa akin ni Akiah, ng humarap siya sa akin.

Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa, wala akong nararamdaman na kahit anong ilang sa amin dalawa. Tumango naman ako sa kanya as he smiled to me.

"Sino sino ba mga kasama mo?" Calisted asked.

Tumayo naman ako, bago inayos ang sarili ko. "Sila papa." I confessed.

"Omg si General?! Tara! Akiah? Pupunta tayo sa kanila diba?" Excited na tanong ni Calista, tumango naman si Akiah at tumayo.

Nakita kong umakyat si Ash sa may puno dahilan para iangat ko ang mga mata ko. Nanlaki ang mata ko ng may malaking tree house pala sa itaas namin, kaya pala kanina ko pa nililibot ang mata ko pero wala akong makitang tinutulugan nila nasa taas pala namin.

"Who built that?" Nag tatakang tanong ko.

"All of us, we've been staying here for about three months na and dyan kami nag papahinga kapag gabi na." Sagot ni Calista.

I can't hide the fact na, na amaze ako kung saan sila namamalagi.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik kung nasaan sila papa, wala naman sila gaanong dinala at tanging ang mga armas lang nila ang hawak nila. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko na ngayon ay hawak ni Akiah, sa kabila naman ay nakakapit ng mahinhin si Vionna sa brasko ko habang naglalakad.

Pilit kong pinipigilan ang pag ngiti ko pero panay pa rin ang labas nun sa mga labi ko, kainis.

"Sino nagturo sayo mag bow?" Basag ko sa katahimikan namin, at tinanong si Ionna.

"Si tito Akiah." Sagot niya sabay ngiti sa akin.

Tumango naman ako dahil don, so si Akiah pala ang nagturo sa anak ko para gumit ng pana. Hindi na ako nagulat doon dahil isa sa major sport ni Akiah nung college kami ay archery.

"Naalala niyo ba si Yohan? Yung nag dropout na blockmate natin before?" I asked them.

"Yung poging kulay blue yung mata?" Balik na tanong sa akin ni Calista, tumango naman ako.

"Excuse me?! Anong pogi?! So napopogian ka pa pala sa iba?" Pag mamaktol ni Ash sa kanya, nginusuan naman siya ni Calista.

"Oo, bakit ikaw lang ba lalaki sa mundo?!" Pang aasar na sabi sa kanya ni Cali.

Ngumuso naman si Ash dahil doon tska bumitaw sa pag kakahawak kay Cali, natawa na lang ako ng muli niyang kinapit ang sarili sa girlfriend niya ng hindi ito sinuyo.

"Ih! Dapat sa akin ka lang na popogian." Pabebeng sabi ni Ash, inirapan lang siya ni Calista dahil doon.

"You're still a loser." Pabirong sabi ko tska niya naman ako tinaasan ng kilay.

"Kay Calista, my love lang!" Pagtatanggol niya sa sarili.

Natatawa na lang ako kay Ash, kahit naman ganito siya kapag kami ang kasama ay kinatatakutan naman ito sa field back in days. Si Ash ang may pinaka nakakatakot na skills when it comes to balde, tech guy din siya at lahat ay kaya niyang pasukin na type n system pati na rin mag imbento ng mga bagong armas.

Si Calista naman ang pinaka halimaw sa amin kung baril ang pag uusapan, kaya niyang tamaan ang limang target gamit lang ang isang bala. Sa grupo namin siya ang pinaka matinik when it comes to gun, malayong malayo ang ugali niya ngayon kapag baril ang hawak ng mga kamay niya.

While Akiah was great when it comes to combat fighting. Grabe ang stamina ng lalaking ito, kahit na ilang beses pa siya mapabagsak ay makakatayo at makakatayo pa rin siya at hindi ka iiwan na humihinga. One time, he was bleeding to death dahil sa isang mission namin pero napatumba niya parin lahat ng kalaban. At, habang papunta kami sa hospital noon ay parang wala lang sa kanya ang dugong nawala sa katawan niya, kumakain lang siya ng chocolate habang tinatakbo namin sa hospital.

My team isn't something you can mess with; these chaotic people around me are the top soldiers and the best weapon that our country has. I'm so glad na sila ang nakakuha kay Ionna. 

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon