CHAPTER 67

17.2K 297 37
                                    

"Anong-"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Yohan ay agad na akong kumilos at inagaw ang baril sa kanya. Umikot ako sa posisyon niya dahilan para magkaroon ako ng tyansa na sipain siya para matuba at siya naman maupo sa upuan.

Kita kong susugudin na rin sana ako ni Alexus, nang makita kong agad siyang pinatumba ni Akiah. I smiled because of that, kita ko ang grabeng pag tataka sa mukha nilang dalawa.

"Akiah?!" Iritableng sigaw ni Yohan sa pangalan ni Akiah.

Nakatutok ang baril ko sa ulo niya habang nakaupo siya, kita ko rin na binunot ni Akiah ang baril niya atmariing kinamot sa ulo ang ruruk nito tska kinuha itinutok kay Alexus.

"A-anong ibig sabihin nito?! Diba kumampi ka na sa amin ha?!" Malakas na sigaw ni Alexus.

Mahinhin na pagtawa lang ang sinagot sa kanila ni Akiah, naramdaman ko ang marahang pag hapit niya sa bewang ko. "Sa tingin niyo bakit ko hiningi ang copy ng haikyuu?" Makahulugang tanong nito.

Walang sumagot sa kanilang dalawa at nanatili ang pagtataka sa mukha, "Cause Aki loves haikyuu." Pagtutuloy niya.

My gut was right, hindi ko kailangan pag duduhan si Akiah. Alam ko na hindi niya gagawin sa akin tska ayun ang plano.

Before they leave the room, sinabi ko ang mga kailangan nilang gawin, and this is Akiah's task. Kailangan niyang mapaniwala ang dalawa na kumapi na siya sa kanila, at nilaglag niya ang mga plano ko. Napaka gandang pagkakataon na sumabay sa plano namin ang ginawa ni Jen kay Rodriguez, binigyan niya kami ng shortcut para sa plano.

Kita kong inabot ni Yohan ang radyo niya pero isang pana ang tumama sa kamay niya. "I don't think that act will be worth your time." Boses ni Ionna ang narinig ko. Kita kong lumitaw siya sa likuran namin habang hawak hawak ang pana niya sa mga kamay.

May nakatarak na pana na sa kamay ni Yohan pero hindi ito nag paninag, "Asan na yung mga putanginang sundalo ko?!" Malakas na sigaw niya, halos lumabas na rin ang mga mata nito at pumutok ang ugat sa noo dahil sa galit.

Sinubukan nitong tumayo pero agad ko naman pinaputukan ang hita nito para bumagsak siya, "K-kapag dumating dito ang mga sundalo ko mag paalam na kayo sa mundo-"

"You don't own anyone; those soldiers are this country's protector. And that means they need to protect this country from you if needed." Malamig na usal ni papa.

The line from the corner of my lips arched, ng makitang kong nasa likod ni papa ang halos lahat ng sundalo sa lugar na ito.

Si papa ang inutusan kong kausapin ang babaeng sundalo, nalaman namin na hndi talaga nila alam ang nangyari at na kumbinsi silang tulungan kaming pabagsakin sina Yohan. Lahat nang nangyari sa kwarto kanina ay pawang pag arte lang.

Napag alaman kasi namin na may mga nakakabit na camera sa mga uniporme ng mga sundalo at monitored sila ng mga nakakataas, para hindi mapag halataan we staged that fight.

Gulong gulo na si Yohan na makitang tumiwalag na sa kanya ang mga inaasahan niyang sundalo. "Y-yung mga tao! Yung mga taong prinotektahan ko sa mga halimaw, papatayin nila kayo! Malaki ang utang na loob nila sa akin, their loyalty was mine for giving them safety and comfort-"

"Those loyalty isn't something that can last forever, lalo na kung hindi naman yun totoo. Malaki ang pinagkaiba ng takot sumuway, sa katapatan." Sina Ash at Cali naman ang narinig ko ngayon.

My stomach was thrilled ng makita kong kasama nila ang mga taong nakatira dito. Malakas ang mga sigawan nila pero isa lang naintindihan ko, na lahat sila ay gustong pag bayarin ang dalawang ito.

That ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon